FEBRUARY 14, 2017
"Halika na Maggie, kurutin kita kapag hindi ka umakyat diyan sa hagdan," napapadyak ako ng sabihin 'yon ni ate Julie. Napikon na siguro sa kapipilit sa akin na umakyat na ng stairs.
Nahihiya kasi akong umakyat dahil sa nangyari kahapon. Kung hindi lang talaga mandatory na pumunta at mag-attend ang mga officers sa okasyong ito ay wala talaga akong balak na pumunta. Alam kong marami yung nakakita sa nangyari kahapon at hiyang hiya ako sa sarili ko.
"Maggie!" napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko.
"Grasing!"
"Okay ka na? Ano na? Pinag-alala mo kami kahapon eh. Lalong lalo na si Josh," tuloy-tuloy niyang sinabi. Napakunot ako ng noo.
"Okay na ako, hika lang,"
"Ahh buti naman kung gano'n."
"Ang aga niyo naman?" may klase kasi kami pero mamayang 5 pa 'yon. Eh alas dos pa lang eh.
"Diba may valentine's day celebration ngayon?" takang tanong ni Grace.
"Opo, manonood kayo?" tanong ko.
"Oo"
"Tara na," muli akong sinubukang hilahin ni ate Julie pero hindi pa rin ako nagpahila.
"Mag-aaway away kayong dalawa tapos hindi niyo naman pala kayang panindigan. Mga bata pa talaga kayo," naiiling na sambit ni ate Julie.
"Kuuhhh Marj, di mo lang alam na halos talunin ni Josh yang hagdan para lang makapunta agad sa'yo kahapon." dagdag pa ni ate.
"A-ano?"
'totoo? Eh diba galit nga siya sa akin kahapon? Kagabi nga ay nakatulugan na lang namin habang panay pa rin ang away.'
"Oo nga Marj, yung pagkakasabi niya ng 'WHAT? Where is she?' grabe pagkalakas lakas ng boses eh,"
"W-wait! Sino nga pala yung nagsabi sa kanya? Sino yung bumalik sa taas para sabihin sa kanya ang nangyari sa akin?" nagtatakang tanong ko. Sa pagkakaalam ko ay nasa baba na kaming lahat kahapon eh.
"Ako," pag-amin ni Dinavie
"As in? Anong sabi mo?"
"Sabi ko 'josh! Josh si Marj. May nangyari kay Margie!'."
"Tapos anong sabi niya?" ngiting-ngiti kong tanong. Yung tuwa sa puso ko sobra sobra eh.
"Ayon nga yung 'what? Where is she?' tapos nauna pa siyang bumaba sa akin. Halos talunin nga yung hagdan sa sobrang pagmamadali eh,"
'ay shet, bakit mas lalong lumalapad ang ngiti sa mga labi ko?'
"T-talaga?" paniniguro ko pa baka mamaya ay biglang sabihin nilang "Joke lang!" edi umasa ako?
"Oo nga,"
"Ay, tuwang-tuwa? Hahaha," ngumuso ako ng sitahin ako ni Grace.
"So tara na? Huwag ka na kasing pabebe diyan Maggie, kurutin kaya kita sa singit? Gusto mo?" pinandilatan pa ako ni ate Julie dahilan para matawa ako.
"Oo na, heto na nga oh." saka ako natatawang nagpatiunang umakyat sa hagdan.
Ngunit tama pa lang na kakapasok ko sa pintuan ng hallway ng lobby ay siya agad ang aking nakita. Mukhang palabas siya dahil magkasalubong ang direksyong tinatahak namin. Nagkatitigan kaming dalawa.
