CHAPTER 25

19 2 0
                                    

Pigil ko ang aking paghinga ng bumaba pa ang isang kamay niya sa mga buto ko sa may leeg. Ito ang unang pagkakataon na may humawak doon na iba maliban sa akin. Kakaiba ang pakiramdam dahil pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan dahilan para di ko magawang pigilan ang mga kamay niya.

Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok ng lumakbay mula sa aking mga labi, papuntang pisngi at panga ang kanyang mga labi. Binaybay niya ang jawline ko gamit ang kanyang mga nakakaadik na mga halik. Every little kisses coming from his lips is sending unexplainable electricity to my soul and wholebeing. This is new to me too. Hindi ko alam kung anong klase pakiramdam ito dahil kahit ang sarili ko ay naninibago.

Ang kaninang mga kamay niyang nasa mga buto ng dibdib ko ay tuluyan na ngang bumaba sa dibdib ko. He was groping my chest and damn it feels good.

"Pa-panda," hindi ko alam kung tunog pagpipigil ba iyon o ungol.

"I love you baby bear," muli niyang nilakbay ang pagitan namin saka ako hinalikang muli.

Tumigil siya sa paghalik saka naghahabol hiningang pinagdaop ang aming mga noo.

"Are you feeling better na? Please go with me to school," lumipas ang ilang segundong nakatulala lamang ako sa kanya.

"Please?" Nang marinig ko ang kanyang pagsusumamo ay saka pa lamang ako sunod sunod na tumango.

"I-I will just change," umiwas ako ng tingin sa kanya. Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko dahil sa kaganapang nagdaan pa lamang.

He nod and smiled genuinely.

"Wait for me here ha? I'll be quick," muli siyang tumango ay mabilis naman akong tumayo ako umakyat sa hagdan.

"What the hell did just happened?"

Napasabunot ako ng buhok ng muling maalala ang nangyari. Hindi ako nakapagpigil,  kung hindi pa siya huminto ay baka kung ano na ang ginagawa namin ngayon.

Mariin akong napapapikit. "Oh God!"

Mabilisan akong nagbihis ng uniporme namin at simple kong inayos ang aking mukha. Didiretso na rin ako sa klase, total naman ay 1 na rin.

Kinakabahan akong bumaba, naiilang pa rin ako ngunit nawala ang lahat ng aking pag agam-agam ng makita ko ang ngiti niyang napakatamis habang pinagmamasdan akong bumababa sa hagdan.

'damn, how can he be so attractive?'

Kinagat ko ang aking ibabang labi ng tuluyan akong makalapit sa kanya. Agad niyang ikinulong ang mukha ko sa kanyang mga palad saka ako siniil ng nakalalasing na halik. Pakiramdam ko yata ay hinding-hindi ko ito pagsasawaan kahit araw araw pa namin itong gawin. Naglakbay ang kanyang mga kamay sa aking buhok dahilan para magulo ang nakaladlad at katatapos ko palang suklayin na buhok. Natatawang tumigil siya sa paghalik at sa klase ng tawa niya ay para siyang kinikilig. Titingin siya sa akin saka iiling at tatawa ng mahina.

'kinikilig siya?'

Dati, palagi kong iniisip kung ano ang mukha ng isang lalakeng kinikilig at naiimagine ko pa lang ay nasusuka na ako. I mean kadiri,  kasi ang iniisip kong magiging reaksyon nila ay magtatalon sa tuwa at magtititili sa saya.

'Reaksyon naman kasi ng babae ang ini-imagine mo eh!' hiyaw ng isang parte ng aking isipan.

Napailing-iling ako. Segway talaga akong mag-isip.

Humarap ako sa full body mirror at ngumuso ng makitang para akong bruhang kalalabas pa lamang sa kabaong dahil sa gulong-gulo kong buhok.

'ang ganda ko namang bruha!  Tsk'

Nakasilip siya sa salamin at saka siya nagsimulang ikabit ang aking yellow neckerchief.

"A-ako na," inialis niya ang kanyang kamay ng magsimula akong ayusin ito.

"Tingnan mo ang ginawa mo sa buhok ko Mulder. Sinuklay ko na 'to eh," inilabas ko ang suklay ko mula sa sling bag ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako, gusto ko lang magpabebe. Nasa mood kasi ako ngayong magpabebe sa kanya.

Napatigil ako sa pagmamaktol "daw" ng kunin niya mula sa kamay ko ang suklay at walang sabi-sabing nagsimulang suklayin ang buhok ko. Dahan-dahan ang ginawa niyang pagsuklay sa akin. Punong-puno iyon ng pag-iingat at gentleness na para bang ayaw niyang mabunutan ako ng kahit isa mang buhok. Hindi rin nakalagpas mula sa aking paningin ang nanginginig niyang mga kamay.

'Napakagentleman naman ng lalakeng ito? Wait! Ito ba ang unang beses na sinuklayan niya ang isang babae?'

"Ang galing mo namang magsuklay? Bakla ka noh?" hindi ko alam kung bakit pero parang ang sarap niya ngayong asarin. Ang isang kamay niyang walang hawak na suklay ay itinakip niya sa mukha ko at walang sabi-sabing nilakumos ito.

"What did you say? Hmm"

Pilit kong iwinaksi ang kanyang kamay at saka siya sinamaan ng tingin ng makawala ako.

"Sinira mo ang lipstick ko!"

"Hahaha" ngumuso ako ng pagtawanan niya lamang ako.

Nang sa wakas ay matapos akong mag-ayos ay sabay kaming lumabas ng bahay.

Panay ang titig ko sa kanya habang inihahanda niya ang kanyang motor.

"Tara," munting ngiti ang isinagot ko sa kanya bago ko tinulungan ang sarili kong mkasakay sa motor.

Pinanatili ko ang distansya naming dalawa. Ewan ko ba kung bakit naiilang ako na mas lumapit pa sa katawan niya.

Nakatingin sa amin ang mga estudyante ng pumarada ang motor niya.

Marahil ay hindi pa ako nakikilala ng iba bilang nobya ni Josh kaya gano'n na lamang ang kanilang tingin sa akin. Hinawakan ni Josh ang kamay ko saka kami magkasabay na umakyat pataas.

Mas lalo kaming naging sentro ng atensyon ng tumuntong kami sa lobby kung saan nakatambay ang halos lahat ng mga estudyante.

Bumitiw ako mula sa hawak niya at dumiretso sa mga officer na nakaupo kaharap ng isang parihabang mesa. Sumiksik ako sa gilid. Kapag nasa lobby ka ay hindi mo ako makikita dahil natatabunan ako ng mesa except na lang kung sadyain mong pumunta sa gilid at talaga namang masisilayan mo ako.

"Hi Ate," Aivan greeted me and smiled back in return. Kinuha ko ang reviewer ko mula sa bag ko saka ako nagsimulang magsunog ng kilay. Nakalimutan kong may graded recitation pala kami mamaya kaya naman ay kailangan kong mag-aral.

"Where is she?" I heard Josh's voice but i ignore it. Baka naman kasi hindi ako ang hinahanap, edi nagmukha akong assuming?

Napakurap ako ng bigla na lamang mawala ang binabasa kong reviewer. Itinaas ko ang aking paningin at nakita ko si Josh na nakasimangot habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa reviewer ko. I saw how his chest rose up and down. After a while he heave a deep sigh.

"What is it?" I ask, confusion was all over my face

"You're sick Maggie. You're still sick and no i won't let you read and focus your eyesight in this writings. Please rest Maggie,"

Isinilid niya sa bag ang reviewer ko dahilan para samaan ko siya ng tingin.

"No buts Maggie and no more further questions," with his last words he walk away when Shanin call him.

"Sweet sweet naman ni Josh," Ryla said while giggling.  Nailang ako ng makita kong nakatingin sa akin si Princess. Agad akong nag-iwas ng tingin at hinugot na lamang mula sa aking bag ang notebook kong punong-puno ng iba't ibang topiko tungkol sa turismo ngunit ilang words pa lamang ang nababasa ko ng bigla na naman iyong mawala sa paningin ko.

Ngumuso ako ng makitang magkasalubong na ang kilay ni Josh habang nakatunghay sa akin.

"You are so hardheaded talaga. Very hard headed,"  umiling iling siya sa akin at mas lalo akong napanguso ng gaya ng nauna kong reviewer ay isinilid niya rin ito sa kanyang bag.

Tumigil na lang ako sa pagrereview, mamayang bago ang klase na lang ako magrereview.

Napaka-istrikto naman kasi ng boyfriend kong 'to eh.

YOUNG LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon