February 09, 2017
Napapikit ako ng muling sumigid ang sakit sa may bandang puson ko. Napadiin ang hawak ko sa damit na nakapulupot sa bewang ko.
'shit, this is what i hate during my period. Dysmnorrhea.'
Nagpabaling-baling ang higa ko sa kama ko at halos tumambling na ako sa tuwing sisigid ang kirot.
"Damn," napangiwi ako ng may contraction akong muling naramdaman. Para namang manganganak ako nito eh.
*beep beep*
Gumapang ako palapit sa bedside table ng kwarto namin kung saan nakalagay ang cellphone ko. Dahan-dahan ko iyong kinuha at tiningnan kung sino ang nagtext.
Nang makita kong galing iyon kay Josh ay agad ko iyong binuksan.
From Josh:
Maggie? Are you going to school today?
Napapikit ako ng sandaling makaramdam ng pagkahilo. Hindi pwedeng ganito ako mamaya dahil may klase kami.
Tiningnan ko ang oras.
1:10 pm.
Inabot ko muna ang gamot kong nakalagay sa isang altar bago ako nagtipa ng mensahe para kay Josh.
To Josh:
I can't make it today. I don't feel well
Matapos kong mainom ang isang tableta ay pabagsak kong isinandal ang ulo ko sa unan.
After minutes, he replied.
From Josh:
Why? Are you sick?
To Josh:
I just can't go to school today but i'll try to go when I feel good.
From Josh:
want me to go there?
Napamulagat ako dahil sa text niya? As in? I mean for the very first time, nag-offer siyang pupunta dito.
To Josh:
Why?
From Josh:
Because ur sick, but i don't know where's the exact location of the house
To Josh:
Text me when you're outside already and I'll go outside.
From Josh:
Okay,
Kapag bumiyahe mula school papunta sa amin ay aabot pa 'yon ng 15-20 minutes dahil sa traffice kaya naman ay inayos ko ang sarili ko. Naligo na rin ako kanina. Medyo umayos na rin naman ang pakiramdam ko dahil tumalab na ang ininom kong gamot.
Nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko at tumunog ito ay expected ko na agad kung sino ito.
From Josh:
Baby Bear, I'm outside na
I got up and lead my feet outside. Eskinita kasi papasok ng boarding house namin at maraming pasikot-sikot.
At ng marating ko na ang highway, ay agad ko siyang nakitang nakasilong sa shed.
He smiled at me and I smiled at him too. Pinakatitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakasuot ako ng itim na short shorts at puting sando.
"S-stop staring at me,"
Tumawa siya saka umiling-iling. Ngumuso naman ako. Ano ba kasing meron sa suot ko?
