FEBRUARY 03, 2017
Nanlalatang nahiga ako sa kama.
"Huwag mo na kasing isipin 'yon Marj," Grace tried to comfort me. Katatapos lang ng competition. And guess what we're 5th place.
"Haayy, sayang kasi eh" ngumuso ako saka pumadyak.
Tumagilid ako ng higa at nagpatuloy sa pagmamaktol.
Nasabi ko na rin kay Josh ang tungkol sa competition and he said ayos lang daw. Proud pa rin naman siya sa akin and he said, for him i'm still the best, I'm still the winner, i'm still the champion.
"Ang mabuti pa kumain na lang tayo!" Ryla tried to lighten the atmosphere and yes she was able to do it.
Nagsitayuan at nagsiayos kami saka dumiretso sa isang fast food chain.
Nagmall na rin kami at namili ng mga pasalubong.
Pumasok kami sa isang gadgets shop and when I saw something a memory suddenly flashed on my mind.
'pasalubong ah, earphones for me,'
It was Wilco's voice on my mind.
Lumapit ako sa mga earphones doon and a certain one caught my attention.
It was an earphone that is a combination of black and green color.
'it's my favorite color.'
And the next thing I knew is that I bought the earphone for him. Well, sana magustuhan niya.
Namili pa kami ng mga delicacies saka kami kumain.
"Para kanino to ate?" Ryla asked.
"Kay Josh!" that was supposed to be an attempt joke of Mary Grace but she hits me bullseye.
I fell into silence.
"As in?" Ryla uttered.
I nodded to assure her.
"Ah, ang sweet naman," Jhad giggles.
"Sana may magbigay rin sa akin ng ganyan," maktol ni Macgil na sinundan naman ng tawanan ng grupo.
FEBRUARY 7, 2017
From Josh Mulder:
Heya baby bear, are u home na?
I excitedly replied to his message.
'yep, almost,'
I look at the fort terminal. Our ship started to dock and people start to fall in a line towards the exit.
"And we're back Calbayog!"
Kung sila masaya na nakabalik na kaming muli sa Calbayog, ako naman ay nagdadalawang-isip. Paano ba naman ay napakaraming school works ang nakapila sa akin. Idagdag pang may dalawang subject pa ako na kailangang mag-exam. Nakakabobo kaya 'yon.
Sumakay kami sa shuttle na maghahatid sa amin sa City at hindi ko mapigilang matuwa habang muling pinagmamasdan ang lugar. Nawala ang mga agam-agam ko.
'life is beautiful, so beautiful '
Pagdating ko ng boarding house ay agad akong humilata sa higaan ko. Pagod na pagod ang katawan ko sa halos isang araw na biyahe.
Nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko ay agad ko iyong kinuha mula sa bulsa ng suot kong pantalon.
From Josh Mulder :
