"Para kang zombie." tumatawang saad ni Annalie. Mas lalo pa siyang natawa ng malakas ng makitang masama na ang tingin ko sa kanya."Ewan!" I snorted,
"Goodluck...haha." patuloy pa rin siya sa pang-aasar.
"Che! Aalis na ako,"
Buti pa siya, matutulog lang hanggang hapon. T, TH, and ST lang ang klase namin kaya lie low lang ang bruha. Samantalang ako, kailangang pumunta ng school. Ito pa ang isang dahilan kung bakit ayokong maging parte ng organi-organizations na yan. Ang layo kasi ng b-house namin. Idagdag mo pang ang hirap sumakay lalo na pag nag-iisa ka. Ang nangyayari, kailangang dagdagan mo ang pamasahe.
Nakita ko agad sa office ni Sir Ephy sina Josh, ate MJ, Carl at Daisuke. Nakakahiya. Ako na lang pala ang hinihintay.
They smiled at me when I enter the room except for Carl and Daisuke.
"Sorry, I'm late." I uttered. Sir Ephy just nodded at me.
"So as I was saying, you have to canvass for the shirt we'll wear for the upcoming election." Sir Ephy stated.
"Sir when?"
"Kayo. Kung kailan kayo vacant. The election will be on july 07 and today is June 22."
"Later then." Josh said.
"Sige." ate MJ replied.
Pagkatapos ng meeting namin ay agad din kaming dinismiss ni Sir since we are going to canvass too.
"Ate, you're not coming with us?" Josh ask me when he saw that I stayed at the corner.
I look at them. Ate MJ was riding in Josh's motorcycle while Carl and Daisuke is in the tricycle already.
"Nope. Kayo nalang." kahit gustong gusto kong sumama, I declined. I am too shy to go with them and that I don't want to be out of place.
"Okay. Ingats nalang po."
I smiled. Umalis na sila at naiwan ako.
Hayyss. I doubt if this will be a good idea.
Umuwi ako sa boarding house na lutang pa rin.
"Nanggaling ka na sa school, pati ba naman pag-uwi mo lutang ka pa rin?" panay ang tawa niya sa akin. Ngali-ngaling sipain ko na lang siya para tumigil sa kakatawa.
"Alam mo yung salitang badtrip?" asar kong tugon sa kanya.
"Oo naman. Ikaw 'yon eh." mas lalo pang lumakas ang tawa niya.
"Ewan." mabilis akong nagbihis at saka kinuha mula sa isang sulok ang gitara ko.
Ito ang isa sa bisyo ko. Playing guitar. This serve as my stress reliever. Nagsimula akong magtipa habang matamang nakatitig lang naman sa akin si Annalie.
"Turuan mo nga ako." maya-maya'y sabi niya.
"Huh?"
"Sabi ko, turuan mo ako. Gusto ko ring matutong mag gitara."
"Mag self study ka na lang." tinatamad kong saad.
"Eh sa hindi nga ako marunong eh."
"Malamang. Kaya ka nga mag aaral maggitara kasi hindi ka marunong eh."
"Alam mo, pilosopo ka."
Napahalakhak na lang ako dahil sa sinabi niya. I'm not really that good in playing guitar, I'm not a bad player too. Kumbaga, I can play guitar, enough to satisfy me.
