"Ate Marj, come here. You're being loner." tawag sa akin ni Josh ng makitang mag-isa akong nasa isang sulok lang nakaupo habang silang apat ay magkakatabi at nag-uusap usap.Umiling ako. Ayoko nga. Mao-OP lang ako kapag lumapit ako sa kanila.
Pero dahil nga makulit si Josh ay tumayo siya at lumapit sa akin.
"Don't be shy." hinawakan niya ako sa kamay saka ako hinila palapit sa iba pa. "There." sabi niya ng tuluyan akong makaupo, he even smiled.
Ugghhh. This boy.
Nagpatuloy sila sa pag-uusap habang ako ay tahimik lang na nakamasid at nakikinig sa kanila. Sasagot kapag tinanong at tatango pag kinakailangan.
Sa ikatlong beses, kinuha na naman ni Josh ang cellphone ko. Can please someone remind me to put a security lock on my phone?
Nagsimula na naman siyang maglaro. Parang bata kung umasta. He's like a kid, napakababaw ng kaligayahan. Sa simpleng bagay ngumingiti na siya. Hobby niya ata ang pagngiti at pagtawa. Parang walang pinoproblema ang isang 'to. Natapos ang hapon na iyon na halos wala kaming ginagawa.
Gabi ng makareceive ako ng notification sa facebook. It says 'Josh Mulder accepted your friend request. You can now see his profile blaaahh blahhh blahhh.'
Dahil wala kong magawa at nakuryuso ako sa kanyang profile ay nagsimula akong istalk siya.
His cover photo is him with a girl and a guy, it's his parents perhaps. The background is the famous Eiffel tower of Paris France. So he's into travelling. Nice.Pero mas nacurious ako sa profile picture niya. I tried to click it but it can't be zoomed out so I assumed nakaprivate.
It's him and a girl. Kumunot ang noo ko. His girlfriend?.
Naisip ko, the girl is so lucky to have Josh as her boyfriend. Josh is such a good guy and I can see it 'though we are not that close.
Ilang minuto pa akong nagscroll sa profile niya and I can't stop myself from being amaze of how sweet he is to his parents especially to his mom and even to the people around him.
"Weirdo." I heard Annalie said.
"Who? Me?"
"Malamang."
"Tss."
"Ngumingiti ng mag-isa. 'Nung nakain mo?"
"Che!"
"Lilipat pala ako ng boarding house Marj."
"Why?"
"Masiyadong malayo dito."
"Lilipat ka? Oh tapos hindi mo ako isasama? Huwag gano'n oy."
"Edi sumama ka."
"Sabihin mo man o hindi, sasama talaga ako."
"Alam ko. Ikaw pa!"
Bumelat ako sa kanya saka nahiga na. I'm so tired of being tired.
Kinabukasan, halos hindi ako magkamayaw ng makita ko kung anong oras na. Sh-t. Sobrang late na. 10:00. Mas lalo pa akong naloka ng makita kong nagtext na si ate MJ. Annalie is still sleeping, kung bakit kasi hindi ako nagising sa alarm.
Ay sh-t, hindi pala ako nag alarm.
Alas dyes y media na ng dumating ako sa school. Hinihingal pa ako no'n dahil sa lakad takbo kong ginawa sa hagdan. Si ate MJ lang ang tao sa office ni Sir Ephy.
"Morning ate. Sorry, late ako nagising eh." hinihingal kong sinabi habang bahagyang nakayuko at nakahawak sa magkabila kong tuhod.
"Ayos lang Marj. Mamaya sa meeting natin, tulungan mo ako ah."
