CHAPTER 29

10 0 0
                                    


NAKAHINGA ako ng maluwag ng mairaos ko ang assignment report namin. Nasabi ko na rin kay Ma'am D ang tungkol sa kawalan ko ng hard copy print out at sinabi naman niyang ihabol ko na lamang. Laking pasasalamat ko na lang dahil masiyadong mabait si Ma'am D at binigyan pa kami ng chance.

Mabilis ang mga hakbang ko palabas ng room dahil ayaw ko ng paghintayin pa siya ng matagal. Halos wala ng mga tao, tahimik na ang lobby at wala ng mg tao sa daanan.

Nakita ko naman agad siya na nakaupo at nakayuko habang yakap yakap ang bag niya.

"Hey," agad naman niyang iniangat ang paningin at tiningnan ako.

"You said, almost done na?"

"Sorry, may ginawa pa kasi kami," ngumiti lang siya saka hinawakan ang kamay ko at sumabay sa paglalakad namin.

"How was your assignment?" maya-maya'y tanong niya habang tinatahak namin ang daan palabas.

"It was good. Ayos lang,"

Hawak niya lang ang kamay ko hanggang sa marating namin kung saan man nakaparada ang motor niya.

"T-teka Josh may kasama ako eh. Si Annalie magkasama kaming uuwi," pigil ko kay Josh ng makita ko sila ate Julie na nakatingin sa amin habang ngiting-ngiti. Mula sa kumpulan nila ay lumabas si Annalie habang nakangiting nanunukso sa akin. Nagsalubong ang dalawang kilay ko ng makita ko ang pamilyar na ngiti sa labi niya.

"Sige na, sumakay ka na sa motor ni Josh. Okay lang ako, sulitin niyo na yung valentine's day niyo," tatawa tawa niyang sabi.

Dumila naman ako sa kanya na tinugon niya naman ng pag-irap at pagtawa.

"Hindi ka ba talaga sasabay sa amin?"

"Hindi nga, sige na at maglabing-labing kayong dalawa,"

"Ganda ng valentine's Marj ah! Haha" dagdag pang-aasar ni kuya Aynn dahilan para mas bumusangot ang mukha ko.

'loko-loko,'

"nyemas,"

"Hahaha"

Wala na akong nagawa pa kung hindi ang magpatianod sa pagsakay sa motor ni Josh.

Dahil halos walang kabahayan sa lugar, at malalayo ang mga poste ng ilaw ay nagsilbing tanglaw sa daan namin ang ilaw ng kanyang motor. Tama lang ang bilis ng motor dahilan para mas masulit namin ang sandaling magkasama kaming dalawa.

"D-did you uhm, how was my surprise?"

"I was surprised," sagot ko na sinabayan ko ng mahinang pagtawa. He chuckled a bit.

"Honestly, I was not planning to kneel down but then Ryla told me to do it so i did,"

"Agaw pansin kaya tayo kanina," ngumuso ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang niya. Mahina siyang tumawa dahilan para tumaas-baba ang kanyang mga balikat.

"Tapos, Ma'am El talked to me and said we were still young for the proposal. I told her na it was just for the booth and I said after 5 or 10 years naman,"

"Hahaha, ikaw kasi eh may paluhod luhod pang nalalaman," mahina at pabirong kong tinampal ang kaliwa niyang balikat.

"But salamat talaga dito sa binigay mong tsokolate,"

"Your welcome baby bear,"

Sabi nga nila, Kapag masaya ka ay hindi mo namamalayan ang bilis ng oras.

YOUNG LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon