CHAPTER 6

44 2 0
                                    

Election Day...

Late akong nakarating ng school. Parang lagi naman ata akong late. Nakapwesto na ang mga officers. Samantalang ako, hindi ko alam kung saan ako pupwesto.

Windelyn, Ronel and Rhod are now part of the Commissioning since they are the spokepersons. Like us, automatic din silang magiging parte ng Student Council after the election.

Through computer ang pagboto, ang I.D number ang kailangan para makaboto ang mga estudyante.

Si Daisuke, Carl at Ate MJ ay nasa registration area. Si Windelyn at si Ronel naman ay nasa may pinto ng Tech Lab, sila naman yung nagkokontrol ng mga estudyanteng pumapasok para kunin ang I.D number, hindi pa pala inirelease ang mga I.D.

Hindi ko nakikita si Josh sa paligid, gano'n rin si Rhod. Sila yata ang nagbabantay sa Computer laboratory.

Umupo ako sa bakanteng upuang katabi ng inuupuan nila Windelyn at Ronel. Ngayon, kaharap ko ang mga estudyanteng nakaupo at naghihintay na makaboto. Hindi ko pa nakikita ang mga kaklase ko, mga senior high at iilang tertiary lang ang namamataan ko.

"Ate Marj, ilang taon ka na?" tanong ni windelyn habang panay ang pindot sa cellphone niya.

"Sixteen."

Mabilis silang lumingon sa akin.

"Sixteen ka pa lang?"

"O-oo."

"Birthday mo?"

'Ano ba 'to? Interview?'

"August."

"Mas matanda pa kami sa'yo?"

"Siguro." sagot ko at saka ipinagkibit-balikat na lamang ang nangyaring usapan.

Maya-maya lang ay namataan ko si Rhod na lumabas mula sa computer laboratory, lumapit siya sa pwesto namin.

"Marj!" ibinaling ko ang ataensyon ko kay Ate MJ ng tawagin niya ako.

"Po?"

May hawak siyang tablet at panay ang kuha niya ng litrato.

"Ikaw na lang ang kumuha ng mga pictures for documentation. Gamitin mo 'to oh." saka niya iniabot sa akin ang kanina niya pang hawak na tablet.

Waiiiitttt, kung hindi ako nagkakamali kay Josh 'tong tablet.

Tumango ako sa kanya saka nagsimulang kumuha ng mga litrato.

"Ate. Di ba commissioner ka?"

"Opo." sagot ko sa senior high na nagtanong.

"Paano po pagvote? Mahirap po ba?"

I smiled. "Di naman. Madali lang, saka may mag-aassist naman sa inyo sa loob."

"Ahhh."

Kukuha na sana ako ulit ng pictures, kaso pag-open ko ng tablet, may password. Lumapit ako sa pwesto ni ate MJ.

"Ate, oh. May password." ibinigay ko sa kanya ang tablet.

"Margie!" napalingon ako kay Sir Ephy ng tawagin niya ako.

"Sir?"

"Punta ka sa taas, sa office niyo. You help Ma'am Liza."

"Sige po."

Sa labas pa lang ng office namin, nakita ko na ang pagkahaba-habang pila ng mga estudyante.

'Tapos na kaya silang bumoto?'

Nagdidistribute pala si Ma'am ng mga uniforms. Bagong Cashier ng school si Ma'am Liza. Nakita ko rin sa loob si Rhod. Kaya pala hindi ko na siya makita kanina, andito rin pala siya.

YOUNG LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon