CHAPTER 30

16 0 0
                                    


Agad akong nagtalukbong ng kumot ng marinig ko ang mga yabag papasok ng kwarto.

Naramdaman ko ang pag-upo ni Annalie sa higaan ko.

"Maggie,"

"Iwanan mo muna ako, gusto kong mapag-isa." panay pa ang singhot ko habang pinipigil ang pag-alpas ng mga hikbi. Hindi, hindi ko ipapakitang mahina ako. Hindi nila malalaman na nasasaktan ako ngayon.

"Tigilan mo nga yang pag-iyak mo, sige ka papangit ka niyan," pananakot niya pa sa akin pero mas lalo lamang nagsituluan ang mga luha mula sa mga mata ko.

"Lumabas ka muna kasi," My voice cracked. I was so broken and i couldn't hide it anymore.

"Kawawa naman ang baby girl," mula sa labas ng kumot ay hinaplos haplos niya ang ulo ko.

"B-bakit kasi a-ang unfair huhuhu," natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagsisimulang magkwento sa kanya.

"Kung s-sino pa yung nagmamahal ng l-lubos bakit siya p-pa yung kailangang m-masaktan?" Para akong batang nagsusumbong sa kanya. Masakit na masakit na ang lalamunan ko dahil sa walang tigil na pag-iyak.

"Kasi nga, may mga taong hindi makontento at hindi mo na kasalanan 'yon. Okay? Tahan na,"

"N-nakakainis, gusto kong magalit sa kanya. *huk* g-gusto kong m-manakit p-pero hindi ko k-kaya eh."

"Alam ko Maggie, pero minsan kasi may mga bagay na hindi mo dapat pinag-aaksayahan ng luha."

Napapikit ako habang tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha kong hindi ko alam kung may katapusan pa ba.

"Hindi naman siya bastang bagay eh. He's a human kaya," hihikbi hikbi kong saad.

"You're very inlove babygirl,"

"Nanonosebleed ako sa english mo eh," pinilit kong magbiro para lang maibsan ang sama ng loob ko. Mahina naman siyang natawa dahilan para mapangiti rin ako. Mas masaya pa rin ang may nakakausap ka kapag ganitong punong-puno ng hinanakit ang puso mo eh.

"Ayan, tumawa ka na rin," nakangiti niyang komento.

Mahina akong suminghot singhot saka tuluyang tinuyo ang mga luha sa mga gilid ng mata ko.

"Huwag ng umiyak ah? Ang mabuti pa ay kausapin mo siya tungkol doon sa nabasa mo."

Napatigil ako.

"H-hindi ko kayang k-kausapin siya tungkol doon," napayuko ako.

"Ah so ano? Hahayaan mo na lang na nasisira na ang ulo mo sa kaiisip samantalang siya ayooonnn nagsasaya kachat ang iba ibang babae at ang masama pa ang ex niya?" dire-diretsong sermon niya sa akin.

"Hindi ko nga kasi kaya, hindi ako kasing tapang mo na kayang magconfront ng harap-harapan. Kulang ako ng lakas ng loob o mas tama sigurong sabihin na wala kong lakas ng loob dahil takot ako. Takot ako na baka sabihin niyang totoo o kaya ay sabihin niya nagsasawa na siya kaya gano'n!" ngumuso ako at kumibot - kibot ang labi ko dahil sa pilit kong pagpipigil na mapaluha.

"Alam mo Maggie, walang mangyayari sa'yo kung palagi ka na lang takot. Takot ka magrisk, takot kang iconfront siya at lalong lalo na kung takot kang masaktan."

"Paano nga ba maging matapang?"

"Face your fears. Face everything." she said stressing every syllables and words.
"Even if facing fears means losing him then be it." she added. I stilled.

"H-hindi ko ata kakayanin," kagat labi long tugon. Hindi ko pa rin inaalis ang nakatalukbong kong kumot.

"Kayanin mo. You only live once Mag. At ang gusto ko ay mabuhay ka ng masaya, yung tipong wala kang pagsisihan kahit umalis man tayo sa mundo ito. Believe it or not Mag pero 'yon ang pangarap ko sa buhay. Ang mabuhay ng masaya at walang pagsisihan sa huli."

"S-susubukan ko."

"Don't try, do it. Mahirap yung marami kang dinadalang pighati at sakit kasi hindi mo alam kung papaano kang makakahinga ng maayos, makakapag-aral ng maayos ng walang bumabagabag sayo na mga problema. Kaya babygirl, please talk to him para magkaliwanagan kayo. Kung hindi man ngayon, bukas or sa susunod na araw. Pero mas mabuti sana kung ngayong hindi pa lumilipas ang isang araw." Napanganga ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Talaga bang Nbsb ang babaeng 'to? Daig la ang napakaraming ng karanasan kung makapagsalita eh.

"Paano mo nasasabi ang mga 'yan. Hindi ba't wala ka pa ngang mga karanasan eh." tuluyang tumigil na sa pagtulo ang mga luha ko. Tumahimik ang buong paligid, tanging paminsan-minsang pagsinghot ko na lang ang maririnig.

"Hindi mo kailangan ng napakaraming karanasan para masabi mong ang isang bagay ay kailangan ng tapusin o kaya naman ay ipagpatuloy. I'm 19 Mag, I'm already nineteen and turning 20 kaya alam ko nag napakaraming bagay base sa mga nakikita ko, nasasaksihan ko at saka kilala na kita eh."

"Bata ka pa Mag, huwag mong ipapakitang ikasisira mo kung mag-aaway man kayo. Huwag mong hahayaang siya ang magiging hadlang sa mga pangarap mo. Sabi ko naman sa'yo diba? Gawin mong motivation ang pag-ibig."

"Bakit tunog may pinaghuhugutan ka?" sinubukan ko ulit na pagaanin ang atmosphere. Hindi ko alam pero bawat salita niya ay natatamaan ako, tumatagos sa bawat hibla ng katawan ko at puso ko. Tama siya.

"Tumigil ka nga. Naku! Para na kitang kapatid kaya naman umayos ka na ah. Tandaan mo, gagraduate ka pa namang suma."

Tinanggal ko na ang kumot ko mula sa aking katawan. Nag-aalalang mukha niya ang una kong nakita.

"Anong suma? Sumakalima bagsak ba?"

"Bata ka, may assignment pala tayo ngayon, bumangon ka na diyan at sumagot na ng hindi ka sumablay bukas."

"Oo na nanay,"

"Tigilan mo ako." saka niya pinitik ang noo ko.

"Aray naman! Masakit 'yon Annalie ah!"

"Wala lang 'yon sa sakit na binigay niya sa'yo kaya huwag mo akong echosin diyan. Hala! Bangon."

"Wait lang naman, mag-aayos pa ako eh."

"Namumula yung mga mata mo, halatang galing ka sa pag-iyak hahaha." pang-aasar niya.

"Eh naman eh!" napapadyak ako ng mga paa saka ngumuso habang patuloy pa rin sa pagsinghot.

"Hay naku, iwanan na nga muna kita para makapag-ayos ka na."

"Buti pa nga, nagsisimula ka na kasing mang-asar eh."

"Hahaha"

Nang lumabas siya sa pinto ay saka ako unti-unting napangiti. Baliw talaga.

Nahagip ng mata ko ang cellphone ko ng tumayo ako kaya tinitigan ko iyon. Bumuntong-hininga ako saka umiiling iling na ipinagwalang bahala 'yon na ngayon ay tumutunog na hudyat na may tumatawag.

Hindi muna ngayon. Huwag muna ngayon. Ayoko pang magsalita at makarinig ng paliwanag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YOUNG LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon