16goder16, if you are reading this. I just want to say three things:I'm sorry
I miss you so much
I love youDECEMBER 11, 2017
Hindi kami nagkita noong 2nd monthsary namin kahapon kaya balak namin sana na ngayon na lang. Nandito siya sa bahay nila sa Malajog, then dito rin kami nakaasign na mag-OJT kasi nga may Turismo sa lugar na ito.
Pero ang inakala kong pagkikita ay hindi nangyari. Nagkatampuhan pa nga ni sa kadahilanang gusto niya akong papuntahin sa may beachside... Ang problema ay sa mountain kami sa may zipline.
Tinext ko siya na kung pwede ay siya na lang ang pumunta sa amin kasi nga ay hindi kami pwedeng bumaba. Nasa kasagsagan kami sa pag-iinterview ng mga turistang baguhan sa Calbayog. Pero ayaw niya. Tumanggi siya. Sa paraan ng pagreply niya sa mga messages ko ay alam kong nagtatampo siya sa akin.
"Marj, huwag kang bababa, dapat siya ang pumunta dito dahil siya ang lalake."
Napatigil ako at napabalik na lamang sa kinauuupuan ko.
Haaayyy...
Hanggang sa natapos ang araw na 'yon na hindi kami nagkita. Naisip ko pa nga, hindi niya ba kayang mag-effort para sa akin?
DECEMBER 15, 2016
"Halika na ate!"
"Wait lang, excited ka masyado eh. Alam ko namang si Josh lang ang gusto mong makita doon eh,"
"Iihhh, ate naman.."
"Oo na, tara na,"
Papunta kami ng school ngayon. Kailangan kasi na tumulong lahat ng SC para sa Christmas Party namin bukas. Actually, may rason naman kami kung hindi man kami makakaattend eh, ang kaso gusto ko talagang pumunta. Miss ko na siya eh...
Pagdating namin sa isang room kung saan naandon ang mga SC ay pasimple kong inilibot ang paningin ko sa buong lugar.
Pero nadismaya ako ng wala akong makitang Josh.
'nasaan naman kaya ang lalakeng 'yon?'
Nagtuloy na lamang kami sa pagtatrabaho at pag-aayos ng lobby. Dito kasi idadaos ang Event. Well, ito kasi ang pinili ng mga estudyante noong magkaroon ng botohan kung saan nila gusto idaos ang Christmas Party.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-gugupit ng mga designs ng bumukas ang pinto.
Ramdam ko agad ang kaba sa dibdib ko, nag pamamasa ng mga kamay ko at ang pagiging tuliro ko. Syeta!
"Josh!" Mas lalo ko pang nakompirma na siya nga ang bagong dating ng tawagin siya ni Ate MJ.
'oh damn, my heart,'
Umupo siya sa upuang katabi ko kaya mas lalong nagkarambula ang loob ng ribcage ko.
Jusme naman!
Kung si Vannie yung kaninang kapares ko sa paghawak at paggupit ng makintab na papel, siya na ngayon. Lumabas kasi si Vannie.
'well, isang salita lang ang masasabi ko.,'
AWKWARD!
"Hawakan mo," mahina kong saad habang iniaabot sa kanya ang kabilang dulo ng ginugupit kong disenyo.
Hinawakan naman niya iyon, ang problema lang ay titig na titig siya sa akin dahilan para manginig nag mga kamay ko.
When my hand started to tremble, the scissor swayed. We both laugh when the design was ruined. The line was not straight anymore, it's zigzag.
