"J-josh?"
My jaw dropped in shock. Why? Why he is kneeling? What is he doing? Why is he holding a ring? Anong mayroon? Anong nangyayari?
"Margie Mutya Brillante, will you marry me after 5 or 10 years?" he asked making my heart beat fast and thumps as crazy as hell. I felt the sudden romantic excitement and God knows how much i want to hug him right now because of what he's doing yet this is new to me and i don't know how to react, I don't even know what to say.
Doon ko lang din napansin ang hawak niyang chocolates and a heart with a bear stem. Napaawang ang mga labi ko.
'Nag-efort talaga siya'
"Oh my God," I whispered. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko saka sinilip mula sa siwang ang mga taong nakapaligid sa amin. Students are watching us, both senior high schooler and colleges. I even saw Ma'am El, Ma'am Jovil, and Ma'am Chai looking at us. My classmates are looking at us too. They are smiling widely, may mga panay pa nga ang kuha ng video at mga pictures eh.
'jesus!'
Ibinaba ko ang mga kamay ko at tiningnan siya. Akmang aalis na ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya napirmi ako sa pwesto ko. Nakangiti siya habang naghihintay pa rin ng sagot ko.
'hindi ba siya nangangalay sa pagkakaluhod?'
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang Dean namin na nakatitig sa aming dalawa at takang-taka. Dumaan pa siya sa may likuran ko at napailing-iling habang payak na nakangiti.
'nakakahiya na talaga,'
"Oo na kasi!" I heard elisha's voice and i saw her at the terrace looking at us while smiling widely.
And then the people chant. 'say yes, say yes'
"Oo na! Oo na!" people applaud us and damn i'm so shy.
Tumayo siya saka niyakap ako ng mahigpit. Nang pakawalan niya ako ay saka pa lang niya isinuot sa kamay ko ang singsing. Saka kami iginiya nila ate MJ papuntang terrace. Isinuot sa akin ni Eli ang hawak-hawak niya wearing bride crown veil.
Wala na akong narinig at naintindihan pa sa mga sumunod na pangyayari dahil magpahanggang ngayon ay lutang pa rin ako. Wala sa seremonyas 'daw' ang isip ko, hindi pa rin kasi ako makamove-on sa nangyari kani-kanina lang.
Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng marinig kong muli ang hiyawan ng mga estudyante na patuloy pa ring nakamasid at nag-aabang sa mga susunod pang mangyayari.
"You may now kiss the bride,"
Tuluyan na ngang nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi ng kunwa'y pari. Dumagsa ang kaba ko ng humarap nga sa akon si Josh.
Slowly, he leaned closer at me, dahilan para mas lalong maghiyawan ang madla. He was smiling widely while I look like a cat who don't know what to do. I sighed in relief when his lips landed at my forehead. Matapos non ay muli niya akong ikinulong sa kanyang mga bisig. Nagpalakpakan naman ang madla.
"Congratulations! Hahaha!" tawa ni Grace na halatang kilig na kilig pa rin hanggang ngayon.
Pabirong hinampas ko siya sa balikat habang tuloy pa rin ang pang-aasar nila sa akin
"Ma'am D is here!" agad kaming naalerto ng marinig ang pangalan ng aming propesor.
"H-hey i'm going na, thank you for this," itinaas ko ang mga hawak-hawak kong bigay niya.
"Okay," muli niya akong hinalikan sa pisngi saka ako nagpaalam na muli at lumakad na papuntang Computer laboratory.
Hanggang sa pagpasok ko sa loob ay patuloy pa rin ang pang-aasar ng mga kaklase ko, maging si Ma'am D ay nakangiti at panay ang sulyap sa akin at sa mga dala-dala kong tsokolate.