CHAPTER 9

28 2 0
                                    

Kung iniisip niyong may nagbago simula noong birthday ko dahil binati niya ako, sinasabi ko sa inyo WALA!

AUGUST 09, 2016

3 pm pa ang klase namin pero dahil kailangan naming gampanan ang tungkulin namin as SSC kaya naman ay pumunta kami sa school 1 pm lang. Kailangan naming makipagsalitan sa mga senior high na nagduty simula kaninang umaga. Examination week yata nila ngayon at bago sila makapag-exam ay kailangan munang dumaan sa amin.

The SSC will be the one to check if a student does or doesn't have unpaid fees. Ngayon rin ililista yung mga sizes ng t-shirt for the upcoming Intramural.

Sa isang mesa malapit sa terrace, may dalawang upuan doon para sa sinumang SSC na magduduty. Kasalukuyang nakaupo doon si Josh at Princess.

"Kami naman." Ate Julie stated.

Tumayo mula sa pagkakaupo si Princess na pinalitan naman ni ate Julie. Samantalang nanatili akong nakatayo since nakaupo pa rin si Josh.

"Dito ka ate." tumayo siya mula sa pagkakaupo saka ako hinayaang makaupo.

'So he's gentleman huh.'

Hindi na gano'n karami ang mga senior high na lumalapit sa amin. Siguro kahapon o noong isang araw pa sila nagpacheck.

"Marjjjj, magkateam pa rin tayo." ngiting ngiti si Denavie ng lumapit siya sa pwesto namin.

"Hahaha.. Oo nga eh. Last year unit three rin tayo then magkateam tapos ngayon Unit three pa rin, magkateam na naman! Destiny bebe." natatawa kong sagot.

There is still one thing that keeps on bothering me.

Ito talaga ang hindi ko maintindihan eh! Kung bakit ka-unit ko si Josh, samantalang apat naman ang Unit.

'Nagkataon? O Nananadya talaga?"

SA mga sumunod na araw pilit kong iniiwasan si Josh. This is not right. Hindi magandang tingnan lalo na at co-officer ko silang dalawa ng girlfriend niya, si Princess. Sa mga gawi at kilos nila ay hindi maipagkakailang may relasyon nga sila. Nakakailang naman kung makisama ako sa kanila lalo pa't alam ng mga kaklase ko ang tungkol sa paghanga ko kay Josh.

Saka ano ba naman, eto na nga eh, sinusubukan ko ng magmove-on.

Hindi ako nagpapaiwan kay ate Julie sa tuwing may mga meetings kami. Hindi ako umiimik kapag nandyan siya, umabot pa nga sa puntong nagtatago na ako eh para lang hindi ko makita na magkasama sila pero dahil iisa lang kami ng paaralan kaya di maiiwasan na magkita-kita pa rin kami lalo na at mga officers din sila. Naisip ko pa nga, pwede kayang magresign na lang ako as officer?

"Tumigil ka. Binigyan ka na nga ng oppurtunity para maging officer tapos sasayangin mo saka kapag umalis ka, wala na akong kasa-kasama." sabi ni Ate Julie ng minsang maiopen ko ang plano ko. Kaya ang nangyari hindi ko na lang ginawa. Nasayangan rin kasi ako eh.

AUGUST 16, 2016

ISANG araw bago ang intramurals ay pinapunta kami ni Sir Ephy sa Sports Center kung saan gaganapin ang mga laro at paligsahan. Magkasama kami ni ate Julie, sabay rin kaming pupunta ng Sports Center.

"JOSH!" tawag ni ate Julie ng makita nitong inireready na ni Josh ang motorsiklo niya at mukhang paalis na yata. Naguguluhang tiningnan ko siya.

"Yes ate?"

"Punta ka ng Sports Center?"

Mukhang alam ko na ang binabalak ni ate at ngayon ay gusto ko na siyang hilahin paalis para hindi niya na maituloy ang anumang sasabihin.

YOUNG LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon