CHAPTER 10

32 3 0
                                    

AUGUST 16, 2016 (First Day)

Gusto kong panggigilan si Josh ng makita kong suot niya ang UNIT Shirt namin.Pink ba naman eh. Hindi naman siya nagmumukhang bakla kahit na pink ang suot niya.

'Ang cute cute nga eh. Haha'

May kasa-kasamang babae si Dina at Jona. Kung hindi ako nagkakamali Sheila ang pangalan niya. Noong first year college pa lang kami ay nakikita ko na siya sa school. Lagi kasi siyang kasama ni Jona, akala ko nga noon ay college rin siya. Last week ko lang nalaman na senior high pala siya at kaya ko siya nakikita last year ay dahil pinsan siya ni Jona at laging isinasama sa school.. Lahat kami ay nakasuot na ng UNIT Shirt namin which is Pink.

Panay lang ang kwentuhan namin habang nagsisimulang maglakad papuntang sports center. Naging kaclose ko rin yung Sheila. Kwela siya saka palatawa rin kaya naman madali kaming nagkasundo.

"Diba bawal magmotor?" bulungan ng mga kaunit ko.

"Eh bakit si Josh nakamotor?"

Lumingon-lingon ako saka ko nakita si Josh at Jhad na nakasakay ng motorsiklo.

"We are an officer." I heard Josh said when someone approached him.

I just shrugged my shoulders and continue on walking.

Hindi pa masiyadong nakakalayo mula sa School ng huminto sila Josh sa gilid, at dahil ako ang pinakagilid kaya naman ay kitang-kita ko siya.

He smiled and said " Ate, you're an officer too."

I smiled a bit and did not answered. I passed by him.

Nagpatuloy ang parade at ilang minuto pa at narating na namin ang Sports Center.

This is it!

Kanya-kanyang cheer ang bawat unit.

"MARJ!"

Napalingon ako ng tawagin ako ni Ate Julie.

"Po?"

"Tara! Doon tayo?" sabay turo niya sa isang tent kung saan magkakasama ang mga officers. Nang makita kong andon si Josh ay dagli akong umiling.

"Ikaw na lang ate. Dito lang ako saka andito naman sila Dina eh." I reasoned out.

"Aisshh.. Samahan mo ako."

"Ikaw na lang kasi ate."

"Sige, 'wag na nga lang."

Naging maayos naman ang unang araw ng Sportfest. Habang nanonood ako ng laro, I suddenly realized ' it doesn't matter if you'll win or lose in a game, the important thing is how you give your best to have the best fight.'

Just like in life.

PANGALAWANG araw ng Sportfest.

Kami ni ate Julie ang naging scorer para sa mga ball games. Hindi ko nakikita si Josh dahil nasa Joggers siya at nag-aasist sa basketball game.

Hindi na rin namin nagawang umuwi ng lunch dahil late ng natapos ang game at maaga rin itong magsisimula sa hapon. Buti na lang at dinalhan kami ni Dinavie ng lunch na talagang sinadya niya pang ihatid.

Nanlalata ako ng umuwi sa boarding house. Pagod na pagod ako kaya maaga rin akong nakatulog.

PANGATLONG araw ng Sportfest.

"Maggie Kang halika na!" ate Julie excitedly jumped down from the chair the moment the referee announced the winner for the volleyball game.

YOUNG LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon