Chapter 1
“Aya hindi ka pa ba uuwi?” tanong ng kasamahan ko sa trabaho na si Irene.
“Mayamaya na. May tatapusin pa akong report. You know na malapit na naman ang deadline tapos ang dami ko pa kailangan gawin.”
“O siya sige mauna na ako sayo. Wag ka masyado magpakastress dyan hindi bagay sayo.” Patawang kalbo ni Irene.
“Sige na lumayas ka na nga. Lalo lang ako nangangarag dahil sa pagmumukha mo.” Sagot ko naman sa kanya pero syempre joke lang yon. Ganito lang talaga kami magkulitan.
Matagal-tagal na din ng magtrabaho ako sa kompanyang ito. At napromote na rin ako kaya lalo naging busy ang beauty ko. Okey lang din naman sakin kasi wala namang naghihintay sa pag-uwi ko. Single and available ako at ang pamilya ko sa probinsya nakatira. Mag-isa lang ako dito sa city. Nandito rin ang matalik kong kaibigan kaso minsan lang kami magkita kasi triple ang kabusyhan niya compare sakin.
Gusto ko ang pagiging independent ko. Nakakapunta ako kahit saan ko gusto magpunta at nagagawa ko ang gusto kong gawin pero minsan nakakalungkot din kung wala kang pamilya na madatnan pag-uwi. Anyways, tama na nga tong kadramahan ko. Tatapusin ko na tong report ko para go na sa pag-uwi.
Yes! Natapos din sa wakas. Makakauwi na rin.
“Uy Jo. Nandito ka pa pala. Himala yata na-late ka ng uwi?” tanong ko kay Joan na isa rin sa pinaka-close ko na workmate.
“May tinapos pa kasi ako eh. Haggard na ang beauty ko.” Maktol pa nito.
“Sige sabay nalang tayo. Bilisan mo dyan.”
“Tapos na ako. Mag-reretouch lang ako sandali. Ikaw hindi ka mag-reretouch?” tanong niya sakin.
“Hindi. Tinatamad ako.”
“Diyos ko day! Parang awa mo na kung sasabay ka sakin mag-ayos ka. Nakakatakot kaya ‘yang hitsura mo.” Reklamo pa nito.
“Ito naman kung makapagsalita wagas. Kutusan kaya kita riyan. Ano akala mo sakin multo na nakakatakot?”
“Totoo naman eh. Tingnan mo nga ‘yang hitsura mo. Ewan ko lang, hindi ko talaga ma-describe.”
“Hindi naman eh. Ang OA mo lang talaga. Maayos naman ang hair ko. Medyo oily nga lang ang fez ko.” Tabingi na niyang sabi.
“Kaya nga. Magpulbo ka naman. Hindi na ako magtataka kung hangang ngayon wala ka pa ring boyfriend.”
“Diyos ko! Nagsalita ang may boyfriend.”
“Wala nga kasi mapili ako. Pero wag ka ang daming nagkakandarapa sa kagandahan ko.”
“Weeehhh? Di nga? Hahah.” Tudyo ko kay Joan. Pero totoo naman talaga na maganda si Joan pihikan nga lang masyado kaya member ng NBSB club like me.
“Tapos na ako. Hindi ka talaga magpupulbo?”
“Hindi nga eh. Ang kulit. Tara! go lets na tayo. Nagugutom na ako. Hindi ako makapagpigil ikaw ang kakainin ko.” At hinila ko na si Joan palabas. Pero hindi pa rin siya tapos sa litanya niya sakin sa katamaran ko mag-ayos. Simple lang naman kasi ang mukha ko. Mag-ayos man ako o hindi, wala pa ring magbabago sa hitsura ko. Pero may nagsasabi din naman sa akin na maganda rin ako pero hindi ko nalang pinapansin baka ginu-goodtime lang ako.
“Joan parang awa mo na tigilan mo na ang paglilitanya. Naririndi na ako. At saka wala akong pakialam kung may makasabay man akong gwapo sa jeep. Kung hindi nila matatanggap ang worst fez ko hindi rin sila karapatdapat sa kagandahan ko. Period.”
“ok! Sige na wala na akong sinabi. Ikaw na talaga.” Itinaas pa talaga nito ang dalawang kamay tanda ng pagsuko nito.
“o andito na ang jeep na sasakyan ko. Mauuna na ako sayo. Bye-bye.” Paalam ko kay Joan.
“Bye. Ingat.” Paalam din niya sa’kin.
Pagdating ko sa tinutuluyan kong apartment naghihintay na sa akin ang ka-share ko na si Mafe. Kasamahan ko siya dati sa kompanya pero nagresign siya at lumipat sa isang government agency. Parang kapatid na rin ang turingan namin ni Mafe. Siya kasi ang palagi kong kasama sa mga lakaran kumbaga partners in crime kami. Halos buong buhay ko na-share ko na sa kanya at pati rin siya sa’kin. Tagapakinig at tagapayo rin ako sa kanya kapag nagkaproblema sila ng boyfriend niya.
“Mafe kumain ka na?” tanong ko sa kanya.
“Hindi pa. Hinihintay kasi kita.” Sagot naman niya.
“Wow!ang sweet naman. Touch ako. Heheh.”
“Eww! Ayoko lang kumain mag-isa kasi ang boring.” Kontra niya sa’kin pero naka-smile naman.
“Sige na nga sabi mo eh. By the way, bati na kayo ng boyfriend mo?” tanong ko sa kanya habang naghahain.
“Wag mo siyang mabangit-bangit sa’kin at naiinis pa ako sa kanya.” Nakasimangot pang sabi nito.
“hay naku! Ang liit lang naman ng pinag-awayan niyo. In a long distance relationship na nga kayo tapos mag-aaway pa. Diba ang sabi ko sayo wag niyo sayangin ang oras sa awayan. You have to treasure every moment.”
“ok ok ok. Alam ko na yan pero bukas ko na siya kakausapin. Bad trip pa ako. Kumain na nga lang tayo.”
“Basta ayusin nyo yan.”
“Oo na. Kung makapagsalita ka naman parang matanda ka pa sa’kin. Hoy!hija mas matanda pa rin ako sa’yo kaya umayos ka d’yan.”
“Heheh. Sorry po.”
“Siyanga pala kailan mo balak magka-boyfriend?” out of the blue na tanong ni Mafe.
“Naman! Naririndi na talaga ako sa topic na’yan. Kanina si Joan ang naglilitanya sa’kin nyan ngayon naman ikaw. Hay naku! Eh sa walang nanliligaw sa’kin. Alangan naman ako ang manligaw.”
“Oo. Try mo manligaw para magkanobyo ka na.” papilosopong sagot ni Mafe.
“Wag nyo nalang kasi ako e-pressure. Bakit ba kasi pinoproblema niyo ang love life ko? Mabuti nga wala akong boyfriend. Walang sakit ng ulo.”
“Wala ring inspirasyon. Walang kakulay-kulay ang mundo mo. Black and white.” Dugtong naman ni Mafe.
“Sige kung may manligaw sa’kin sasagutin ko.”
“Wag naman ganyan. Dapat yung maging boyfriend mo yung mahal mo naman para masaya.”
“Ay ewan ko sa inyo!”
Lagi nalang talaga napagdidiskitahan ang black and white kong love life. Minsan nga parang ayokong umuwi sa probinsya namin kasi naman pati mga kamag-anak ko big deal rin sa kanila ang pagiging single ko. Kung sino-sinong poncio pilato ang nerereto sa’kin. Hay! Nakakaloka na talaga. May magagawa ba ako kung wala talagang nanliligaw sa’kin ngayon. Dati may gusto manligaw sa’kin pero hindi ako pumapayag kasi hindi ko naman sila gusto. Ayokong magpaasa ng tao. Mas mabuti ng malaman na nila agad na wala silang mapapala sa’kin.
At saka parang nakakatakot rin masaktan at mabigo. Mas mabuti pang magpayaman. Heheh. Ang taas ng pangarap ko noh? Pero malay n’yo magkatotoo.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Nagtext ang bestfriend ko na si Kristin. Magkikita daw kami sa weekend kasi available siya.
Ganun ang peg namin. Si Kristin ang mag-seset ng date kung kailan kami magkikita kasi kaya ko naman mag-adjust sa schedule niya. Ganun kabongga ang bestfriend ko.
======
Aya at the side...
Abangan ang pagkikita ni Aya at ng bestfriend niya....
First time ko po magsulat. Pls. bear with me.
Hope you enjoy reading. ;)
BINABASA MO ANG
Love Hurts, Love Heals
RomanceNaririndi na si Aya sa kakatanong ng mga tao sa paligid niya kung kailan siya magkaka-boyfriend kaya napagpasyahan niya na kung sino ang manliligaw sa kanya sasagutin niya. May manliligaw na kaya sa kanya? Kung meron man mamahalin kaya niya? Kung ma...