Making Him Mine

265 9 2
                                    

Prologue

I'm blunt with words, no doubt about that. To the point na, pinagsigawan ko na sa mundo kung gaano ko kamahal si Israel Dee Agustin.

People call him Israel, Dee or whatever they want. Pero ako.. I want it to be memorable kaya ID ang tawag ko sakanya.

Some people may think na it stands for Israel Dee, but it's a secret between the two of us.

Ganito kasi 'yon..

"Pst, Israel.." pagtawag ko sa atensyon nya.

"Oh?" tumingin sya sakin at ibinalik ang tingin sa ginagawa nya.

Napakagat ako sa labi ko. Shit! Ang gwapo.

I giggled, "ID ka ba?" tanong ko na sinamahan ko ng maharot na tawa.

Tumingin ulit sya sakin at sinabing, "ID stands for Israel Dee, so I can say that I am."

Ngumuso ako hudyat na naiinis ako.

"Okay, okay. Why?" pagsuko nya at tumayo ng maayos para tignan ako.

Nag-crossed arms sya at tinaasan ako ng kilay.

Nasabi ko na bang ang gwapo nya? Halikan ko na?

"Kasi kahit mawala ka at mapulot ng iba, alam nilang akin ka." sabi ko sabay kindat sakanya.

Natawa naman ako ng nanlaki ang mga mata nya.

"You're crazy," sabi nya at yumuko ulit sa table para ipagpatuloy 'yung ginagawa nyang pagguhit.

"I can say that I am." Panggagaya ko sa linya. "But only for you, Sweetie." Humalakhak ako dahil namula ang tenga nya.

Napailing nalang sya pero may ngiting pinipigilan nyang 'wag kumawala sa labi nya.

"Kilig ka na n'yan?" Sabi ko at tinusok ang tagiliran nya.

Tumawa sya at hinawakan ang kamay ko. "Baliw," sabi pa nya at tumalikod.

Oh, God.

Nang makabawi ako sa pagka-mental block, anak ng! Nasaan na ang boyfriend — I mean, future boyfriend ko?!

"Loko 'yon, ah! Sinamantala nya ang kahinaan ko!" sabi ko ng kinikilig pa.

Ramdam na ramdam ko 'yung init ng pisngi ko!

Student Council Vice President ang lolo nyo. Oh, diba? Pogi na, matalino pa. Hindi lang 'yon! Sikat pa. Ideal guy talaga ang future boyfriend ko.

Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng room ng Student Council. Nakita ko ang white board nilang pagkalaki-laki at akalain mong napakatalino ko pala talaga.

I let out a devilish smile and laugh sabay kuha ng marker sa gilid.

Limang minuto ata ang inabot ko bago ako matapos. Ewan ko nalang kung 'di pa kiligin 'yon.

Lumabas ako ng room na 'yon with the biggest grin plastered on my face.

Nang nasa hagdan na ako ay lalo akong napangisi ng makita ko ang officers ng SC na paakyat. Oh, so, may audience pala?

Nang makita ako ng mga SC officers ay nginitian nila ako.

Napatingin ako kay ID na nakatingin din sakin. Kinilig naman daw ang katawang lupa ng lola nyo.

Lalo akong ngumisi at kinindatan sya.

Nang ginawa ko 'yon ay naghiyawan ang mga officers ng SC pati babae. Tuloy-tuloy akong bumaba and didn't bother to look back.

Kung anong ginawa ko? Hmm.

Sinulat ko sa whiteboard ang mga katagang, "Vice President Israel Dee Agustin, love na love kita. I'll make you mine! Pakasal na tayo?"

I, Keizel Artemis Gonzales will handle a mission. Operation: Making Him Mine.

Making Him MineWhere stories live. Discover now