MHM 5: Jealous
"Nilalagnat sya, e. Gigisingin pa ba natin?"
"'Wag na kaya? Baka kasi lalo lang sya lagnatin e."
"Wag nyo ng gisingin."
"Tumahimik kayo. Pagpahingahin nyo muna."
"Eh, pano 'yan?"
"Hindi papayag 'yan na hindi sya pumasok. Matigas pa sa bato ulo nyan."
Nagising ako dahil sa ingay ng mga kaibigan ko.
Napahawak ako sa ulo ko. Anakngtupa! Nahihilo ako!
"Ayos ka lang?" tanong ni Thea.
"Malamang, hindi!" nagsusungit talaga ako 'pag may sumasakit sakin.
"Confirmed." sabay sabay na sabi nila.
"Wag ka ng pumasok, nilalagnat ka." sabi ni Yel.
"What?!" gulat na tanong ko. Tumayo ako at muntik na akong matumba kasi nahilo ako.
Paiyak na tumili ako. "Bakit ako nilalagnat?! Malas naman, oh! May exam pa ako sa Trigo e!" sabi ko habang nagdadabog.
"What?! Bakit sa Trigo pa?! Ang terror pa naman ni Ms. Pelica!" nagpapanic na tanong ni Mariel.
"Anong oras na?" tanong ko sakanila.
"6 am." sabi nila.
"Ah. Matutulog lang ako ulit. Ang sakit ng ulo ko e." sabi ko at nahiga ulit.
Nagising ako dahil nagugutom ako. Kinapa ko 'yung cellphone ko at nakita kong 11:45 na.
Agad akong napabangon pero pinagsisihan ko kasi feeling ko umiikot 'tong kwarto.
Kumuha ako ng damit sa drawer na nandito na naglalalaman ng mga damit namin saka dumiretso ako sa banyo para maligo.
Habang naliligo, iniisip ko 'yung dahilan kung bakit ako nagkasakit.
Wala naman akong ginawa- OO NGA PALA! Umulan kasi nung isang araw. Naligo ako tapos wala pa akong tulog dahil sa review. Tapos kahapon, pinaglinis pa ako ni ID ng SC Room.
Speaking of ID, baka mahawahan ko sya! Aish, iwas muna Kei. Baka mahawa sya. Magpapakasal pa kayo.
Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko na ang gamit ko at bumaba sa hagdan.
Nakita ko naman 'yung maid dito sa bahay nila.
"Ay Kei, hija, sabi nga pala ni Meryielle e nauna na raw sila. Wag ka na raw pumasok. Nakahanda na ang pagkain d'on at kumain ka na." tuloy-tuloy na sabi ni Manang.
"Okay po!" sabi ko at pumunta na sa kusina para kumain.
Sumandok ako ng kaunting kanin at ulam.
Tumikim ako pero wala akong gana. Favorite ko naman 'to, ah?
Pinilit 'kong inubos 'yung pagkain ko at tumayo na.
Kinuha ko ang brush ko sa bag. Hindi na ako nag-abalang magblower ng buhok dahil malelate ako.
"Una na ako, manang!" sabi ko at lumakad ng mabilis.
"OsigeㅡTeka, hija! 'Wag ka na raw pumasok sabi ni Yel!" sigaw pa ni Manang Pilar.
"Okay lang naman po ako!" sabi ko at lumabas ng pinto.
Nakita ko namang nandon si Manong Nicanor.
"Oh, Ma'am. Hatid ko na ho kayo." sabi ni Manong at pinagbuksan ako ng pintuan.
"Salamat, Manong!" sabi ko at ngumiti.
Grabe, feeling ko ang bigat-bigat ko.
"Ma'am, namumutla kayo ah. Ayos lang ho ba kayo?" tanong ni Manong sakin.
"Opo! Kulang lang sa tulog." sabi ko at pumikit dahil nahilo ako.
Makalipas ng ilang minuto ay nakarating na kami sa University. Nagpasalamat ako at bumaba na.
Jusko, ang tirik ng araw.
Napatingin ako sa relo ko at 12:30 na. Gosh! Ang layo pa ng building na pupuntahan ko!
Buti nalang hindi ko kaklase si ID o si Raven sa unang klase ko.
Mabilis na hakbang ang ginawa ko. Medyo napahinto ako ng makita ko sina ID kasama ng mga kaibigan nya.
"Uy, dude. Manliligaw mo, oh!" sabi ni Jaimel, kaibigan nya.
"Hahahaha. Sagutin mo na, maganda naman e." sabi pa ni Stephen.
Tinignan ko lang sila isa-isa at nilagpasan sila.
"Woah! First time 'yon, ah!" sabi ni Dale.
Che! Ayoko lang mahawa si ID sakin!
"Pst, Miss. Si Israel Dee, nandito oh!" sigaw pa ni Jaimel sakin.
Tss. Late na ko, shocks.
"Pare! Sawa na ata sayo!" nagtawanan 'yung tatlo kasi hindi ako lumingon.
Promise, sweetie. Babawi ako 'pag gumaling na 'ko. Papakasal na tayo. Baka kasi mahawa ka. Huhu!
Nang makarating ako sa Room ko ay umupo na ako sa upuan kong malapit sa bintana.
Nag-exam na ako ng mabilisan kasi nahihilo na talaga ako.
Nang matapos ako ay agad akong bumaba para pumunta sa Caf.
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Kian.
["Oh?"] uso 'hi' sakanya.
"Oo, Good Afternoon din. Sunduin mo 'ko!" sabi ko sakanya.
["Busy ako."] Sabi nya pa.
"Dali na, Kian! May sakit ako e!" sabi ko habang naglalakad.
["Ano? Where are you?"]
"Sa school." sabi ko sakanya.
["Okay. Panira ka ng date, tss."] sabi nya.
"Yey! Thanks, Kian! Iloveyouuuuu!" sabi ko at pinatay ang tawag.
"Kaselos 'yun, ah." may biglang nagsalita sa likod ko at halos mapatalon ako sa gulat.
Lumingon ako at nakumpirma ko ngang sya 'yon.
YOU ARE READING
Making Him Mine
JugendliteraturIsang simpleng babae lang si Keizel Artemis Gonzales na hinahangad mapasakanya ang pabebe na si Israel Dee Agustin. First Year Highschool palang ay may gusto na sya sa binata at ngayong Third Year College na sila ay wala pa ring nagbabago. Habang tu...