MHM 17: Unexpected
"Keizel Artemis, come here!" sigaw ni Mommy mula sa baba.
Lugong-lugo ako mula kanina. Simula nung makita ko 'yung.. basta!
Nakasuot ako ng below-the-knee dress. Kulay skyblue. Simple lang sya pero ang ganda tignan.
Kinuha ko na ang pouch ko at bumaba na.
Nang makababa ako ay nakita ko si Mommy na may hawak na artificial flower crown.
Skyblue at white 'yung kulay nung mga bulaklak.
Excited na hinila ako ni Mommy at inilagay nya 'yon sa ulo ko.
"Perfect," sabi nya habang ngiting-ngiti.
Nakalugay lang ako kaya feeling ko bagay naman.
"By the way, daughter. Where's the gift?" tanong nya.
Itinaas ko ang pouch ko.
"Something wrong?" tanong nya sakin.
"Had a fight with my boyfriend." sabi ko at tumingin sakanya.
Nanlaki ang mga mata nya. Saktong dumating si Daddy. "Oh My God, Kleo. Ang anak mo.. May.. May boyfriend!" hysterical na sabi nya kay Daddy.
"What? You have one?" tanong nya.
"No, daddy. I have four." sabi ko.
Totoo naman. LQ lang kami ni ID. Sina Justin Timberlake, Zac Efron at si Chris Hemsworth ang mga boyfriend ko.
OA naman na ngumawa ang nanay ko. Napaface-palm nalang ako.
--
Nakarating na kami sa venue at ang ganda ng theme ng birthday nung celebrant.
Nakatutok ako sa cellphone ko kasi sa totoo lang, nabobored na ko.
"Baby, stand up. Ipapakilala kita sa Father ng Celebrant." sabi ni Daddy.
"My son's coming too. He'll be here in any minute." sabi nung lalaki at ngumiti.
Bakit parang pamilyar 'yung ngiti nya? Saka parang may kamukha rin sya.
"Can I excuse myself for a while, Sir? Dad? Ki- I mean, Apollo is calling. Excuse me," pag-excuse ko sa sarili ko.
Lumabas ako ng venue at sinagot na ang tawag ni Kian.
"Hello? Nasan na kayo ni Kuya?" tanong ko sakanya.
["On our way, baby. Traffic kasi."] boses ni Kuya Kier 'to ah.
"Ah, okay. Ingat. Umuusok na 'yung ilong ni Mommy. Ang tagal nyo daw." pananakot ko hahaha.
["Yeah, yeah. Lagi naman."] this time si Kian naman.
"Bye. Ingat." sabi ko at pinatay ang ang tawag.
Inayos ko ang sarili ko at pumasok na ulit sa loob.
Natanaw ko na nand'on parin 'yung lalaki kanina. Pero may kasama syang mas matangkad sakanya.
Unti-unting bumagal ang lakad ko nang makilala ko ang tindig ng katawan nya. Bagong gupit lang sya pero wala parin pinagbago. Mahal ko pa rin. I sigh.
Tumalikod ako pero tinawag naman ako ni Dad.
"Zel, baby! Come here." napapikit ako ng mariin. Kung alam ko lang! Kung alam ko lang talaga!
No choice akong humurap. Iniyuko ko ang ulo ko para hindi nya mapansin ang itsura ko.
"Mr. Agustin and Israel Dee, this is my daughter Keizel Artemis." inangat ko ang ulo ko at nakita kong tinititigan ako ni ID.
Bakit parang expected nya na nandito ako?
Naglahad ng kamay 'yung Father-in-law ko- father lang pala ni ID.
Naiilang na tinanggap ko 'yon.
"You have a very beautiful daughter, pare. She exactly looks like you." binitawan ng tatay nya ang kamay ko at tinulak nya si ID sa harap ko.
"Hi." simpleng sabi nya at naglahad ng kamay.
Tumingin ako sakanya at agad nag-iwas ng tingin. Kanina pa ba sya nakatitig sakin? Nakakailang.
Kumakabog ang dibdib ko kasabay ng pagtaas ng kamay ko para tanggapin ang kamay nya.
Nang lumapat ang kamay ko sa kamay nya ay pakiramdam ko milyon-milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kamay ko.
Nalaglag ang panga ko ng inilapit nya 'yon sa labi nya at hinalikan.
Bakit 'yung kamay ko lang? Dapat lips din! Ang daya!
Keizel, nagtatampo ka. Nagtatampo ka!
Agad kong tinanggal 'yung kamay ko. At kumapit sa braso ni Daddy.
"Oh, I'm sorry.." sabi ni ID habang nakatitig sakin.
"Haha. Ganito lang talaga 'tong batang 'to. Sinanay kasi ni Apollo." sabi ni Mama at tumingin sakin.
Napatingin ako kay ID at nakita kong nagtiim 'yung panga nya.
"Oh! Apollo.." sabi ni ID.
Ako lang ba ang nakapansin ng sarcasm sa tono nya?
"Dad, I'm going. Excuse me, Dad, Tita, Tito and Keizel Artemis." binigyan nya pa talaga ng diin 'yung pangalan ko.
Wait, tita and tito? Kailan pa sila naging close?
Hindi rin nagtagal ay umalis na din ang Daddy nya.
"Are you Miss Keizel?" may biglang nagtanong sakin. Organizer siguro?
"Yes. Bakit?" nagtaka naman daw ang lola nyo.
"Kayo po ang huling isasayaw ng celebrant. Isusuot nyo po ang kung ano man pong present nyo para kay Mr. Dee. Tapos po magbigay na din po kayo ng Birthday Message sakanya habang nagsasayaw kayo. Babanggitin naman po 'yung pangalan mo ng MC. Sige po, alis na po ako."
LAGLAG PANGA. Bakit.. BAKIT MAY GAN'ON PA?!
YOU ARE READING
Making Him Mine
Teen FictionIsang simpleng babae lang si Keizel Artemis Gonzales na hinahangad mapasakanya ang pabebe na si Israel Dee Agustin. First Year Highschool palang ay may gusto na sya sa binata at ngayong Third Year College na sila ay wala pa ring nagbabago. Habang tu...