MHM 27: Three Months
"Hey, you better stop chewing." inis na sabi sakin ni Kian.
Umiling lang ako at pinalobo ang nginunguya kong chewing gum.
Three years have passed. CHAROT! HAHA! Almost three months have passed since the last time na nakita ko sya.
Hindi ko naman masasabing nakamove-on na ko.
"Hindi ka pa ba uuwi sa Pinas at pumasok? Two weeks ng nakakalipas ang pasukan, aba. Tell me Keizel Artemis, nag-rerebelde ka ba?" singhal ni Kuya Kier sakin.
That's right. Nagsisimula na ang First Sem bilang Third Year College. Enrolled na din ako. Last month pa.
"Hindi ako nag-rerebelde!" sabi ko at tumawa. "Nagmomove-on lang," mahinang usal ko at ngumisi.
"What?" sabay na tanong nila ni Kian.
Palibhasa mga walang aatupagin. Si Kian kasi ay nag'home study noon. Maarte e. Si Kuya naman, vacation leave.
"Wala! Kapag nga kayo nag-uuwi dito ng babae hindi ako nagrereklamo. Oo na! Uuwi na 'ko bukas!" sabi ko at pumunta sa kwarto ko. Nilock ko ang pinto dahil hilig na hilig nilang tumambay sa kwarto ko.
Nagbakasyon kasi kami dito sa New York. Me, Kian, Kuya, Dad and Mom. Family bonding ba. Nauna na si Mommy at Daddy umuwi dahil sa business matters. And 8 months na rin si Baby Kist Anthony.
Hindi sya pinangalanan ng Gods. Miracle Baby kasi si Kist. Imagine? Ilang taon na si Mommy? She's now 42. When she gave birth to Kuya she's 20. And Kuya's 22 now. Kian's 20 and me turning 19. The gap, tho.
Daldal ko 'no? May pilit kasi akong iniiwasang maiisip e.
I didn't bring my cellphone and laptop with me. Ayaw kong macontact nila 'ko.
Puro cellphone ni Kian ang pinangseselfie ko.
Binuksan ko ang bintana ng kwarto ko at dinura ang chewing gum ko. Kababoy, dude.
Humiga ako sa kama at tinitigan ang kisame.
'Wag mo silang isipin, Kei. Please lang. Maawa ka sa sarili mo.
Keizel oh! Ang daming tupa sa kisame ng kwarto mo. Bilangin mo!
Nagsisimula ng mabuo ang luhang akala ko ubos na ng araw na 'yon. Natawa ako. Nagmahal lang naman ako. Bakit kailangan kong masaktan ng ganito?
Simula ng araw na 'yon ay pinilit kong magpakatatag kahit na alam kong imposible.
Nalaman ko din ng gabing pag-uwi ko na kinabukasan ang alis namin papunta rito.
Tinawagan nila ako ng tinawagan hanggang sa ma-lowbatt ang cellphone ko. Chinarge ko 'yon habang nakapatay para pagbalik ko, hindi ko na kailangan icharge.
Bukas na ang uwi 'ko. Naka'book na ang flight ko ng 2 am. Para pagdating ko d'on ay makapagpahinga ako at walang jetlag.
Galing kong sumegue 'no?
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang nagbabadyang mga luha.
Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama ko.
I had flings here. Hindi naman ata pwedeng sya lang ang mangaliwa! Tangina, ako din!
Sa loob ng three months, pito ang naging ka'fling ko. I smirked. That's what you called a brokenhearted's Night Life.
Alas tres palang ng hapon dito pero magsesenti na 'ko.
Napahikab ako. Nakakaantok talaga kapag walang ginagawa. Pumikit ako habang nakasandal sa headboard.
Bakit gan'on? Kung kailan mas lalo ko syang minahal saka nya 'ko ginanito.
"Oh, baby you should go and love yourself!" nangunot ang noo ko.
"HOY, KIAN! ANG SAKIT SA TENGA NG BOSES MO!" inis na inis na sigaw ko at pinulot ang alarm clock ko. Ibinalibag ko 'yon sa dingding dahil sa kabilang kwarto ay kwarto nya.
SA LAHAT BA NAMAN NG PWEDENG KANTAHIN?!
"What the hell, Keizel Artemis?! Ang daming ng umiyak para sa boses ko 'no!" hiyaw din nya.
"OO, UMIIYAK SILA KASI ANG PANGET AT ANG SAKIT NGA SA TENGA!" sabi ko at tumahimik kasi nagbabara ang lalamunan ko.
Unti-unting bumuhos ang luha ko. Kung kelan naman uuwi na 'ko, saka ko pa sila iiyakan.
Tinignan ko ang maleta kong nakaayos na at tumayo.
Pumasok ako sa banyo at napagpasyahang maligo.
Napatingin ako sa salaming nasa lababo.
Tinignan ko ang repleksyon ko d'on. Hinawakan ko ang pisngi kong basa pa rin ng luha.
Mahinang umiyak ako. Bakit kung kelan masaya na saka magkakaganito?
Inangat ko ang tingin ko sa salamin at nakita ang mukha kong halatang-halata ang sakit na nararamdaman ko.
"I-ipangako mo sa s-sarili mong hindi ka maaapektuhan sa h-harap nila. H-hindi mo ipapakitang na.. nasasaktan ka dahil sa k-kanila." tuloy-tuloy ang luha ko.
Nanginginig ang labi ko at tuluyan ng napaiyak.
"I-ipakita mo sakanya kung sinong ginago nya. Hayop sya! Haha!" mukha akong tanga. Sariling sikap sa pagpapatawa sa sarili ko.
Success naman e.
"Manigas kayong dalawa! Magsama kayo! Hah! Ang kapal ng mukha niyong paiyakin ang magandang katulad ko!"
Bakit gan'on? Mas lalo akong naiiyak. Bakit mas lalo akong nasasaktan?
Umupo ako sa sahig ng banyo ko and cried my eyes out.
Ayoko na. Nakakapagod na masaktan. Kailan ba 'to matatapos?
YOU ARE READING
Making Him Mine
Teen FictionIsang simpleng babae lang si Keizel Artemis Gonzales na hinahangad mapasakanya ang pabebe na si Israel Dee Agustin. First Year Highschool palang ay may gusto na sya sa binata at ngayong Third Year College na sila ay wala pa ring nagbabago. Habang tu...