MHM 43: Stolen

75 6 0
                                    

MHM 43: Stolen

"Shush, baby Kist.." kinuha ni ID si Kist sakin at sya ang nagpatahan dito.

Since wala ng pasok at kakatapos lang ng exam namin sa Business Ad, heto at hayahay kami.

May date kami ni ID ngayon. Pero pinagtulungan nila akong lahat.

Si Mommy at Daddy may Business meeting daw at sinama nila si Kuya Kier. Si Kian, may taping. Ako, eto! Nganga habang inaalagaan si Kist. Tinawagan ko nalang si ID.

Ayaw pa ngang pumunta kasi wala daw sina Mommy. Ayaw daw nyang pumupunta dito sa bahay ng wala ang parents ko. Disrespect daw 'yon.

Kinilig ako e. Kainis na lalaki talaga! Kaya tinawagan ko agad sya na nandito pa sina Mommy at pagkadating nya, nagalit sya sakin kasi ako lang ang naabutan nya dito.

"Baliw ka ba?! Diba sabi ko, kapag nandito ang parents mo! You hard-headed woman!" 'yun ang eksaktong sinabi nya kanina.

Ngayon ay nasa sofa sya at pinapatahan si Kist. Nagulat ako kasi tumahan sya at tinaas ang kamay nya.

Tumabi ako sakanila at tinignan si Kist. Nanlaki ang mata ko dahil titig na titig sya kay ID tapos biglang ngumiti. Na-expose tuloy 'yung dimple.

"Waaaaaaah! Ang unfair!" pinisil ko ang baba nya at nagpout. "Bakit sakin lagi kang umiiyak? Tapos sa boyfriend ko pangiti-ngiti ka pa! Bakla ka ba?" singhal ko sakanya.

"Mouth, Keizel Artemis." sabi ni ID at sinamaan ako ng tingin. Inirapan ko lang sya at tinignan ulit si Kist na bahagyang nakakunot ang noo.

"Hey, little fella. You like me, huh?" sabi ni ID at ngumiti.

Itinaas ulit ni Kist ang kamay nya kaya ibinaba ni ID ang mukha nya.

Napangiti ako ng hinaplos ni Kist ang mukha ni ID. Ngumiti din si Kist at ibinaba na ang kamay nya at nilikot ang mga paa.

"He likes me.. for you." ibinulong nya ang huling dalawang salita pero narinig ko parin.

Agad na kumalabog ang dibdib ko. Naramdaman ko din ang pag-init ng pisngi ko. "Dami mo talagang alam." sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Isang linggo na ang nakakaraan simula ng birthday ko. Puro surprises ang nangyari. Even Kian greeted me through media. Loko talaga!

Since kakagising lang ni Kist ay magiliw na magiliw ito.

Hinalikan ko sya sa pisngi dahil lumabas na naman ang dimple nya. Napangisi si ID at hinalikan din si Kist. Sa parte kung saan ko sya hinalikan. Kiniss ko ulit sya pero sa kabilang pisngi naman. Hinalikan din ni ID si Kist d'on.

"Indirect kiss." nakangiting sabi ni ID habang nakatingin kay Kist.

"Asus, pa-indirect indirect kiss ka pa jan. Pwede ka namang humingi ng kiss galing sakin." natatawa 'kong sabi.

Napansin kong namula ang tenga't pisngi nya.

Tumikhim sya bago nagsalita, "P-pwede?" namumulang tanong nya.

Agad na lumakas ang tawa ko. "Loko!" sabi ko at sinapak sya sa braso. Nakakainis kasi. Ewan ko ba, kinikilig ako!

Buong araw naming nilaro si Kist. Nang mag-alas tres na ng hapon ay naghikab na sya.

"Akin na si Kist," sabi ko sakanya. Ayaw nya kasi bitawan.

Nangunot ang noo nya, "Bakit?"

"I-be-breastfeed ko." sarcastic na sabi ko.

Namula ang mukha nya at lumunok, "I s-should go,"

Agad nyang kinuha ang jacket nya at tumayo.

Nanlaki ang mata ko, "Saan ka pupunta?"

"You said, you'll breastfeed Kist. Isn't it awkward-"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" muntik ko ng mabitawan si Kist sa sobrang pagtawa ko.

Walang humpay ang tawa ko, fuck. Naniwala sya?!

Ang kaninang nahuhulog na mata ni Kist ay titig na titig na sakin. Ngumiti sya kaya lumabas na naman ang dimple nya. Ang gwapo!

Hinalikan ko sya sa pisngi. "I'm sorry, baby boy. Natatawa lang talaga si Ate sa kaengotan ng boyfriend nya. Pfft." natawa ulit ako. Hahahahahahaha!

"Lagi mo nalang akong pinagtitripan." nakakunot noong sabi ni ID.

Hindi ko na sya pinansin kasi natatawa ako sakanya. Kinantahan ko si Kist para makatulog sya.

"Teach me how to dougie. Teach me, teach me how to dougie. Teach me how to dougie. Teach me, teach me how to dougie." humagikhik ako pagkatapos. Hahahaha!

"Is 'Teache Me How To Dougie' a lullaby song now?" natatawang sabi nya at ibinaba ang cellphone nya.

"Oo, 'yun kaya ang gusto ni Kist." tulog na sya ngayon.

Hinalikan ko sya sa noo at umupo sa sofa. Hinaplos ko ang ulo nya. Masyadong malambot.

"Oy, anong oras na, ah? Di ka pa uuwi?" tanong ko sakanya.

Nakangiting umiling sya. Inirapan ko nalang.

Nagshrug nalang ako at tumayo. "Gusto mo sumama? Lalagay ko lang 'to si Kist sa taas."

Tumango sya at nakangiting sumunod sakin. Binuksan ko ang pinto ng kwarto nina Mommy at inilapag si Kist sa kama.

"Your room?" tanong nya habang iniikot ang tingin sa buong silid.

Umiling ako at nilagyan ng unan sa gilid si Kist. "Nope, kina mommy." sabi ko at tumabi na kay Kist. Inaantok rin kasi ako.

"I'll just go downstairs. Iinom at iihi lang ako." sabi nya at agad akong tumango.

Humikab ako at pumikit na.

Naalimpungatan ako sa isang boses. "Keizel, I need to go. Nandito na ang parents mo." sabi ni ID at hinalikan ako sa noo.

Dumilat ako at nginitian sya. Napamura sya. "Even your just-woke-up face, you managed to be beatiful and attractive to my eyes." hinalikan nya si Kist na ngayon ay gising na rin.

Ngumiti ako at napailing. Bola.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Tumayo sya sa harap ko at sya na mismo ang nag-ayos ng buhok ko.

Binuksan ko ang pintuan at nakita kong nakatayo si Daddy d'on at nakangisi.

"Good evening, Tito Kleo." Tinapik lang sya ni Daddy sa balikat at nagpaalam na.

Hinatid ko sya hanggang sa gate namin. "Thanks for this day. I really enjoyed being with you and baby Kist today." hinalikan nya ako muli sa noo at umalis na. Pumasok ako ng bahay at pumunta sa kwarto ko. Narinig ko ang pag tunog nito.

Kinuha ko ito at kumunot ang noo ko ng makita ko ang pangalan ni ID.

Sinagot ko ito, "Bakit?"

"Check your facebook later. I love you." hindi na nya ako hinintay makasagot at agad nya na itong pinatay.

Naguguluhang binuksan ko ang facebook ko. Maraming notifications.

At sunod-sunod pa. Tinignan ko iyon at pinindot ang post ni ID na kung saan, nakatag ako.

Natutop ko ang aking bibig sa gulat, hiya at higit sa lahat dahil sa kilig.

Napangisi ako sa korni nyang banat.

"Napakorni mo talaga! Porket maganda ako sa lahat ng anggulo, pipicturan mo na ako? Hahahaha! I love you!" nagcomment ako at madaming naglike at nagreply doon.

Muli kong binasa ang post nya at napangiti ulit dahil sa kilig.

Kung ano 'yon? Stolen shot ito kung saan nakaupo ako sa sofa at hawak ko ang kamay ni Kist, pangalawa ay nung inuugoy ko sya. At ang pangatlo, noong natutulog kami ni Kist. Nakaharap kami sa isa't-isa.

At ang caption?

' Keizel Artemis, mukha kang nanay..

NANAY ng magiging anak natin. I love you. '

Abnormal talaga.

Making Him MineWhere stories live. Discover now