MHM 49.5: Klein
"Ah. I get it, Meryielle. Is he the reason why you can't give me a chance?" napalingon ako sa nagsalita.
Agad akong patayo kahit na nanlalabo ang mga mata.
"Klein.." nanginginig ang labing pagtawag ko sa pangalan nya.
Napasabunot sya sariling buhok at tumingin sa langit. At naramdaman ko ang pagkawasak ng puso ko ng makitang may luhang tumulo mula sakanyang mata.
At parang lalo akong nadurog ng tignan nya ako gamit ang mga mata nyang sumisigaw ang emosyon na sakit.
"Sya ba ha, Meryielle? Sya ba?" nagtitimping tanong nya.
I want to lie but I don't want to hurt him more.
"Sagutin mo ko! Si Israel Dee ba?!" napahagulgol na ako sa biglaang pagsigaw nya.
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi atsaka tumango.
Ayoko na. Ayoko nang magsinungaling pa sakanya. Ayoko na.
Tuloy-tuloy na rin ang pagtulo ng luha nya. At lalo akong nasasaktan.
No, Klein. Please don't cry. I'm not worth of your tears. I'm sorry..
Kumuyom ang mga palad nya at agad na sinuntok ang punong nasa likod nya.
"Klein!" agad akong napatakbo palapit sakanya.
"WAG KANG LUMAPIT!" napatigil ako sigaw nyang iyon. Napatingin ako sa kanyang kamao na ngayo'y nagdudugo na.
Napailing ako. Still, I don't want to see him hurting. "Klein, please.. Kailangan nating ipagamot sa clinic iyan-"
Natahimik ako ng tumawa sya ng sarkastiko.
"To tell you frankly? Wala pa sa kalingkingan ng sakit nito ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pwede ba? 'Wag ka ng magkunwaring nag-aalala ka na kahit ang totoo, hindi naman talaga!"
Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Napakatanga ko!
"Paasa ka, alam mo iyon? Ang galing mo rin e, no? Palakpakan!" matalim ang tingin nya sakin habang pumapalakpak.
"Naniwala ako na totoo 'yung mga sinasabi mo. Para kang magic-ero. May daya, niloloko at pinapaikot lang ako, tuwang-tuwa pa ako. Sobrang astig, no? Tangina, sa sobrang astig sobrang sakit na!" sabi nya habang umiiyak sa harap ko.
"Yung Radio Booth? Sinabihan mo ko ng 'Gusto kita'. WOW. JUST WOW! Bakit hindi mo masabi sakin ng personal? Bakit kailangan mo pang idaan sa Radio Booth? Para romantic? Para mas kapani-paniwala? Ha?!" nanggagalaiting hinaing nya.
Tinanggap ko lahat ng sinasabi nya. Dahil alam ko sa sariling kong, tama 'yon. Dapat lang sakin 'yon.
"Kaya pala.. Kaya pala kapag nasa tambayan nyo ako at nasaktong nandon si Dee at Keizel, pinipilit mong umalis tayo don. Para saan? Para hindi ka masaktan?" napahagulgol ako lalo ng maisip ang mga panahong iyon.
"Tell me, Meryielle. Ano bang ginawa ko sayo para saktan mo ko ng ganito? Why Israel Dee, when you can have me? Bakit si Dee na taken na, kung nandito naman ako at hinihintay ka?" puno ng hinanakit ang tono nya.
"I'm sorry..." napayuko na ako dahil hindi ko kayang tignan na nasasaktan sya dahil sakin.
"Sana naman nung una palang naisip mo na, na kung hindi mo ako kayang mahalin sana hindi mo nalang ako pinaasa. Kasi Meryielle ang sakit e, sobrang sakit." patuloy lang ang pagtulo ng luha naming dalawa.
Huminga sya ng malalim, "I'm sorry but don't expect me to be casual with you after this. And please, stay away from me." sabi nya at agad na tumakbo palayo sakin.
"Hays! Ang tatanga!" napalingon ako sa babaeng nagsalita.
Naka-white dress na magandang babae ang nasa puno ngayon.
"Bakit ba kada makikita ko kayong magkakaibigan, lagi kayong umiiyak?" naglabas sya ng panyo at inilahad ito sakin.
"Ang tanga nito. Gumaya kay Mariel. Oy, magkatunog lang pangalan nyo, pero hindi dapat kayo pareho!" sabi nya at kinotongan ako.
"Sino ka ba?!" singhal ko sakanya.
Ngumiti sya ng malungkot. "Ako ang magsasabi sayong para kang si Mariel. Ang tanga mo."
"Pwede ba? Wala ako sa mood." sabi ko at tinalikuran sya.
"Tama naman sya e. Bakit kay Dee ka pa nahulog na may sinalong iba, kung pwede namang kay Klein na nakahanda na at hinhintay nalang na mahulog ka? Ano teh, tanga lang?" naiinis na tanong nya.
Magsasalita na sana ako pero hindi ko na natuloy.
"Alam mo kung anong mali mo? 'Yung pinilit mong ipasok 'yung sarili mo sa istoryang hindi ka naman talaga parte. Pinilit mong ipinasok ang buhay mo si Dee habang wala si Kei. Oo, ikaw 'yung nandyan para kay Dee ng nagkasakitan sila ni Kei. Nahulog ka pero ano? Wala kang napala kasi mahal nya si Kei. Mahal nya ang kaibigan mo. Alam mo bang kataksilan ang ginawa mo. Though, hindi mo naman inagaw pero mahal sya ng kaibigan mo at sinamantala mo 'yung pagkakataon para mahalin mo ang isang taong nakalaan na para sa iba."
Her words hit me. Every words that coming out of her lips is like a dagger targeting my heart.
"Kaya ng malaman mong babalik na si Kei ay hinayaan mo si Klein na pormahan ka. Para hindi sya maghinala. As well as your other friends. Kaya ginawa mong shield si Klein, right? Na sa totoo lang hindi lang mga kaibigan mo ang masasaktan mo dahil hindi mo sinasabi sakanila ang totoo pati na rin si Klein na ginawa mong panangga na sinalo lahat ng sakit na dapat ay para sayo."
Nanghina ako at agad na napaupo sa damo. Sakit no, Meryielle?
"Just stay away from Klein. Let him move on and get the pieces of his broken heart back. He doesn't need you to be with him while he is doing that. Just let him."
Tumango ako at tinakpan ang mukha. "Oh, kulang pa ata 'yung panyong binigay ni baby Dee sayo. Eto panyo ko. Byeeeee."
"Wait!" pagpigil ko sakanya. "Pano mo nalaman ang lahat ng iyon at sino ka?"
Napapalakpak sya. "Oh! I thought you wouldn't ask. 'Coz I'm great, yeknow! And I'm Future. Future ni Kian Apollo Gonzales. Hindi ikaw, hindi si Ronna, hindi si Aira, hindi si Thea, hindi si Mary Ann, kundi ako. Ako ang Future ni Kian Apollo. I'm Future!" at umalis na sya.
I smiled. Thank you for making me feel okay, Future.
And Klein, I'm sorry. I'm really sorry. For all the pain I caused you.. I hope when the right time comes, you can forgive me. I know you can't forgive me now nor soon. But I hope, someday. Someday..
YOU ARE READING
Making Him Mine
Fiksi RemajaIsang simpleng babae lang si Keizel Artemis Gonzales na hinahangad mapasakanya ang pabebe na si Israel Dee Agustin. First Year Highschool palang ay may gusto na sya sa binata at ngayong Third Year College na sila ay wala pa ring nagbabago. Habang tu...