MHM 49: Meryielle
Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno ng feild habang nakatingin sa kalangitan. The sky looks peaceful. I sighed. Why does it hurt so much?
Mahirap pala talagang magmahal sa taong alam mong masaya at may mahal na iba. Lalo na kung palihim lang. Kasi palihim ka lang ding nasasaktan.
"Meryielle!" napabaling ang tingin ko sa pamilyar na boses.
Ngumiti sya sakin at kumaway. Ngumiti at kumaway ako pabalik sakanya. Ano nga bang panama ko sa babaeng 'to?
Maganda, talented, matalino at higit sa lahat, mahal sya ng mahal ko.
Ngumiti sya sakin muli bago lumapit sakanya.
Napayuko ako at ibinaon ang mukha ko sa mga tuhod ko.
No, Meryielle. You can't cry here.
Pinuno ko ng hangin ang baga ko at inangat ang tingin. Nabuga ko ang hangin na 'yon ng makita kung sino ang papalapit sakin.
"Hi, Yel." bati nya at ngumiti.
Parang gusto kong maiyak lalo ng ngitian ako ng lalaking 'to. Ano bang nagawa nya sakin para saktan at pahirapan sya ng ganito?
"H-hi." nilunok ko ang kung ano mang nakabara sa lalamunan ko.
Nangunot ang noo nya. "You okay?"
Ngumiti na lamang ako at tumango. "Want some?" alok nya sa dala nyang pagkain.
Kumuha ako at kinain 'yon dahil feeling ko kapag nagsalita ako ay bigla na lamang akong iiyak.
Katahimikan ang namayani saming dalawa. Hanggang sa nagsalita sya.
"I want to.. uhm.. court you." mahinahong sabi nya.
I smiled. The guilty one. "Klein.."
Kung papayagan ko syang ligawan ako, mas lalo ko syang masasaktan.
Tama na 'yung mga kasinungalingang sinabi ko sakanya noon. Ayoko ng lalong makonsyensya.
He sighed. "I know. You're not yet ready, right? I understand." ngumiti sya sakin ng malungkot.
Nangilid ang luha ko. "I'm sorry.."
Nagso-sorry ako sakanya kasi alam ko sa sarili kong hindi 'yon ang totoong dahilan.
"Ano ka ba? I said it's okay." sabi nya at hinawakan ang pisngi ko.
"Gotta go. May kailangan pa 'kong gawin e. I just came here to give you this." ani nya at ibinigay sakin ang isamg paperbag.
"Luto ko 'yan. Kainin mo mamayang lunch ah? 'Wag kang papagutom. Magiging tayo pa." sabi nya at kinindatan ako. Tumawa na muna sya bago tumakbo palayo.
Tuluyan ng tumulo ang luha ko. I hate myself! He don't deserve to be treated like this! Hindi ako deserving para sakanya. Napaka-walang kwenta ko!
Pinunasan ko ang mga luha ko pero may bumabagsak na panibago. Lalo lang akong napahagulgol.
"Here," napaangat ang tingin ko sa nagsalita.
Parang naging waterfalls ang luha ko na masaganang bumubuhos ng makita kung sino ang nasa harap ko ngayon. Bakit sa lahat ng tao, ikaw pa?
"Mamaya makita tayo ng kaibigan mo tapos isipin non pinaiyak kita." at tumawa sya.
I can't believe that his laugh was music to my ears.
Pinunasan nya ang mga luha ko at ngumiti. "Bakit ka ba umiiyak? Smile, Yel. Don't stress yourself too much. Mamahalin ka pa ni Klein."
I cried harder. No, you're the one I want to love me, please.
"Hala! May nasabi ba 'ko?" natataranta nyang tanong kaya natawa ako.
Bakit ba sobrang saya ko kapag nakikita kita? Makita lang kita buo na ang araw ko.
Patuloy nyang pinupunasan ang walang tigil kong luha. Sana hindi na sila tumigil para nandito lang sya sa harap ko.
Napatingin kami pareho sa cellphone nya ng magbeep ito. Umilaw 'yon kaya binuksan nya. Parang nawasak ang puso ko ng makitang wallpaper nya ay sya.
"I want to stay longer but she already texted me. Here, take my handkerchief." nginitian nya ako at inabot ang kamay nyang hawak ang panyo.
Hinila ko ang kamay nya kaya halos bumagsak sya sakin.
Sinulit ko na ang pagkakataon at niyakap sya. Pumikit ako at sinabi sa sarili kong, bahala na.
"Thank you for being here. Salamat. Lalabhan ko nalang 'tong panyo mo. Isosoli ko rin."
Tinap nya ang likod ko kaya nagsimula na namang tumulo ang luha ko. Mahal kita, kung alam mo lang.
"But please. 'Wag mong sasabihin sa kaibigan ko kung anong nangyari ngayon."
My mind wants to let go of the hug but my heart is protesting. You need to let go, Yel. You need to.
I released the hug and cry hard. He again smiled at me.
"Okay. Kung iyon ang gusto mo. Bye!" ngumiti nalamang ako sakanya.
I don't want to say goodbye. Not now.
"Ah. I get it, Meryielle. Is he the reason why you can't give me a chance?" napalingon ako sa nagsalita.
And to my horror it's Klein. What the hell?
YOU ARE READING
Making Him Mine
Genç KurguIsang simpleng babae lang si Keizel Artemis Gonzales na hinahangad mapasakanya ang pabebe na si Israel Dee Agustin. First Year Highschool palang ay may gusto na sya sa binata at ngayong Third Year College na sila ay wala pa ring nagbabago. Habang tu...