MHM 18: Dance

75 3 0
                                    

MHM 18: Dance

"Baby, aren't you going to eat?" tanong sakin ni Mommy.

Kanina pa kasi ako kinakabahan. Anong sasabihin ko? Baka magmukha akong tanga sa harap ni ID!

"A-ah. Nag-aalala kasi ako kina Kuya." pagsisinungaling ko.

"Oh. Your Kuyas texted me. They're not coming. Nakakita ng bar. Tinext ka na daw nila." buking.

"W-wala akong na-receive, mmy." sabi ko at tumingin sa pagkain ko.

Malapit ng matapos ang birthday nya at finale 'yung sayaw chuchu.

Ang arte naman nya! Alam ko sa mga babae lang 'yon, ah.

"Sweetheart, where's the gift? Iprepare mo na. Konti lang naman kayong isasayaw e." ang alam ko, may permission ng magbibigay. Hindi naman ako pumayag ah! Sapilitan 'to!

Napalingon ang lahat ng biglang bumukas ang pinto ng venue.

May biglang pumasok na mas matured na version ni ID. WHOA. ANG GWAPO!

OMG. MAHAL KO NA SYA--Charot.

May piercing sa isang tenga at ang katawan! Nag-iwas ako ng tingin at tumingin nalang sa harapan kung saan nadon si ID.

Nakita ko syang nakatingin sakin at bigla akong inirapan.

Nanlaki 'yung mata ko. Bakla ba sya? Tanong ko sa isip ko. HINDI SYA PWEDENG MAGING BAKLA! MAGKAKAANAK PA KAMI!

Nagsmirk 'yung lalaki at tumabi na sa parents ni ID.

Kuya nya siguro? Oh my gosh. The genes!

Tumingin na ako sa harapan at nakita ko si ID na nakasimangot habang may sinasayaw na magandang babae.

OMG. Ibig sabihin, nagsisimula na?!

Isang buong kanta sila nagsayaw. May sumunod na babae at isinuot 'yung regalo nyang bracelet kay ID.

Shocks. Gan'on ba 'yung gagawin?

Kinagat-kagat ko ang ibabang labi ko. Ganito talaga ako 'pag kinakabahan.

"Baby, it's already ten o'clock. Uuwi na kami ng mommy mo. Israel Dee insisted that he'll be the one to take you home." nanlaki 'yung mata ko.

"W-without my consent, dad?" naguguluhang tanong ko.

Hindi naman sa ayaw ko syang kasama. Binibigyan ko nga sya ng space e!

"Mapagkakatiwalaan naman 'yang batang 'yan. Ang bait nga nya e." sabi pa ni Mommy.

"But mom-" pinutol nya na ko.

"No buts, Keizel Artemis. Nakakahiya naman kung walang matitira dito." Nagpaalam na sila sakin.

Ano ba 'yan! Loner ang peg ko-

"Hello there, beautiful." nilingon ko ang nagsalita at halos matumba ako sa kinauupuan ko.

Ang gwapo nya sa malayo. Jusko. 'Pag malapitan! Tao pa ba 'to?

"H-hello." nag-iwas ako ng tingin.

MAS MATURE VERSION TALAGA SYA NI ID!

"I'm Ivan Gio Agustin. You are?" sabi nya at naglahad ng kamay.

"Keizel Artemis." sabi ko at tinanggap ang kamay nya.

Hinalikan nya 'yung kamay ko. Nanlaki naman daw ang mata ng lola nyo.

"A-ahm.. Hehe." sabi ko at unti-unting kinuha pabalik 'yung kamay ko.

Tumingin na ulit ako sa harap at kung kanina nakasimagot si ID ngayon naman lukot na lukot na ang mukha nya.

Nakita ko si Amy na ang sinasayaw nya.

"Hahahahahaha! Grabe naman!" tawa ako ng tawa kasi nagkukwento sya about sakanila ni ID. Nalaman kong isang taon lang ang tanda nya kay ID.

"Miss Keizel Artemis, you're next." may lumapit sakin na organizer.

"H-ha?" masyado ba akong nalibang sa pagkukwentuhan namin ni Ivan?

Tumingin ako sa harap at mommy nya na 'yung sinasayaw nya.

"A-ah. Sige, Ivan. Excuse me," sabi ko at tumayo na. Dala-dala ko na din 'yung kwintas na regalo ko.

Tinanggal ko na 'yon sa box at tinanggal sa lock.

Hinalikan nya sa noo 'yung mommy nya bago ito umalis.

"And now, for the last dance. We're calling for Miss Keizel Artemis." nagpalakapakan ang mga tao.

Shet, shet. Hindi ako makahakbang! Kinakabahan ako! Shocks!

Nagulat ako ng sya na ang lumapit sakin at dinala ako sa dancefloor.

Huminga ako ng malalim at, "Tumalikod ka." mahinang sabi ko.

"Why?" nangunot ang noo nya.

"Isusuot ko 'yung kwintas sayo." nahihiyang sabi ko. Ang dami kasing kumukuha ng picture samin. Even his parents, ghad!

"Don't wanna." parang batang sabi nya. Dinig na dinig ko 'yung kalabog ng dibdib ko dahil sa kaba!

"Israel Dee, don't be stubborn. Turn around!" I hissed.

"Why don't you do it without turning around?" what the heck? Isusuot ko ng paharap sakanya?!

Kinalma ko ang sarili ko at nanginginig ang kamay na isinuot ito sakanya.

ITO NAMANG KWINTAS NA 'TO AYAW MAKISAMA!

Hinawakan nya ako sa baywang at maya-maya'y bumulong.

"There's nothing to be nervous about, honey." napatigil ako sa pagsuot n'on sakanya at nilingon sya.

Nagtama ang ilong namin kaya sinamantala nya at ninose-to-nose ako.

Ayaw mo ng lips-to-lips, ID?

Ano ba 'tong iniisip ko?! Nagtatampo ka! Nagtatampo!

Argh! I can't take this anymore!

Making Him MineWhere stories live. Discover now