MHM 39: Confidence

103 5 0
                                    

MHM 39: Confidence

"Have a nice day, everyone! Mamimiss ko na naman kayo. Hahaha!" tapos na ang shift namin ni Risen ngayon sa pagiging DJ.

"Ako din, mamimiss kita kasama dito." ngumiti sya sakin at kumindat.

Huling araw na ng Heather University Week ngayon. Huling araw ng mga booths at mamayang gabi'y Battle of the Bands na.

"Oo na. Ako rin," napailing nalang ako at napangisi.

Tuluyan na kaming nagpaalam sa mga listeners namin at nagpatugtog ng kanta. Work by Rihanna.

Nagulat ako ng paglabas ko ay may humila agad sakin.

"Oh, ID?" agad akong napangiti pero sya ay nakasimangot lang.

Lumingon ako sa likod at nakita kong makayuko si Risen sa pinto. Problema n'on?

"Bye, Risen-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil mas lalong binilisan ni ID ang paglalakad nya.

"Teka, saan tayo pupunta?" mukha kasi syang nagmamadali.

"Shut up!" nanlaki ang mata ko ng sumigaw sya.

"Problema mo?" nahihibang na naman sya.

"If you'll not gonna shut your mouth, I will do it myself." inis nyang sabi at tinignan ako.

Nanahimik ako hanggang sa makarating kami sa ilalim ng puno sa may field.

"Galit ka ba?" nag-aalinlangang tanong ko sakanya.

"No," maikling tugon nya.

"Eh, bakit ang init ata ng ulo mo?" takang tanong ko.

He murmured something that I didn't understand.

"Ano? Wala akong naintindihan sa sinabi mo!" sobrang bilis kasi tapos ang hina pa.

"Psh." iritang sabi nya at umupo sa ilalim ng puno.

"Eh, ano bang kinagagalit mo?" naiiritang tanong ko kay ID.

"Wala nga!" nakakunot-noong sabi nya.

"Alam mo ikaw, sinasapian ka na naman!" sabi ko at tinalikuran sya pero agad ding sumunod sakin.

"Ano ba?! Hindi mo ba sasabihin?" nakakainis na kasi.

"I'm hella jealous! I'm fuming mad because I'm always jealous! You're always making me feel jealous! Bakit hindi mo nalang ako lambingin kaysa awayin mo ko?" naiinis na sabi nya at tinalikuran ako.

Here we go again. Childish Israel Dee is in the house!

Napabuntong-hininga ako. "Malay ko kung anong kinagagalit mo diba?!" nag-aaway na naman kami. Nakakainis!

"Ewan ko sayo." napamura ako sa isip ko dahil sa sinabi nya.

ABA, MAY PA GAN'ON-GAN'ON NA SYA NGAYON?!

Gigil na tumili ako! "Israel Dee!" sigaw ko sa buong field.

Hindi sya huminto at tuloy-tuloy sa paglalakad. Tinignan ko sya hanggang sa mawala sya sa paningin ko.

I breathed in and breathed out. I need to calm.

Pumikit ako at sumandal sa puno. "Future, I need you-" napatigil ako sa pagsasalita ng biglang humangin ng malakas.

"Bakit?" napadilat ako ng marinig ko ang boses ni Future.

"F-future?" gulat na sabi ko.

"Oh? Need anything my dear sister-in-law?" ngiting-ngiting tanong ni Future.

Naglaglag ang panga ko. What the?

"Hay nako. Kayong dalawa talaga! Pati ako na-i-stress sainyo. Oh, anong advice ang gusto mo?" parang stress na stress na tanong nya.

"Eh kasi si ID! Masyadong seloso." napalitan mg inis ang gulat na nararamdaman ko.

"Aba, magalit ka kapag hindi na nagselos 'yon." natatawang sabi nya.

My forehead creased. "What do you mean?"

"Eh kasi kapag hindi nagselos 'yon, kabahan ka na! Hindi ka na mahal n'on." sabay tumawa sya.

Napairap ako. "Thanks for the advice." sarcastic na sabi ko.

"De, seryoso. Pasalamat ka nagseselos. Kasi kung hindi.. pfft!" tapos tumawa ulit sya.

Takas ba sa mental 'tong babaeng 'to.

"Maganda lang ako pero hindi ako baliw." saka sya humagikhik.

Napailing nalang ako at bumuntong hininga.

"Ang lalim n'on, ah." natatawang sabi nya.

"Gusto kong malaman ang pangalan mo." sabi ko at tumingin sakanya.

Ngumiti sya sakin, "Saka na kapag kasal na kami ni Kian Apollo." kinikilig na sabi nya.

"Blank blank blank Gonzales! Wow, bagay!" napailing ako. Anong maganda doon e, puro naman blank ang sinabi nya.

Huminga sya ng malalim at ngumiti. "Grabe 'yung pinagdaanan mo para lang makuha mo si ID, ano? Pinaghirapan mong makuha tapos ganito lang ang mangyayari? Kaya 'wag kayong mag-away dahil sa selosan. Mapag-uusapan naman 'yan e. Tiwala lang sa isa't-isa ang susi para sa masayang relasyon. Pero wala pa namang kayo kaya pwede na muna 'yan." ani Future at tumawa.

Nag-iwas ako ng tingin sakanya. May punto sya r'on. Nadala lang siguro ako ng inis.

Nanlaki ang mata 'ko ng makita ko si Kasandra na nakayakap sa braso ni ID.

Agad na kumulo ang dugo ko. So, ano? Bumabawi sya ngayon?!

"Hahahaha! Iyan. Iyan ang problema sa inyong dalawa. Seloso't selosa. Mga walang tiwala. Iyang si Kasandra? Isa lang 'yan sa mga pagsubok na dumating sa buhay nyo. At walang pagsubok na hindi kayang lagpasan ng isang tao." tumingin ako sakanya at nakita kong nakangiti na naman sya.

"Gandang-ganda ka sakin, sister-in-law! Sige na. Aalis na 'ko. Stay Strong sainyo ni ID. Sabunutan mo na si Kas, hindi kita pipigilan." sabi nya at tumakbo na palayo.

Nang makawala na sya sa paningin ko ay tumayo ako at pinagpagan ang pants ko.

Kitang-kita ko ang pag-alis ni ID ng mga braso ni Kas sakanya pero ibinabalik nya lang iyon.

Taas noong naglakad ako papunta sa direksyon nila.

Napangisi ako ng tumingin sakin si ID at Kas.

Ganyan nga. Show 'em what you've got, Keizel Artemis. You're a Gonzales. Gonzales is next to confidence.

Making Him MineWhere stories live. Discover now