MHM 48.5: Jaimel
Pero nagulat ako ng may mag-abot sakin ng isang puting panyo.
Inangat ko ang paningin ko sa taong may hawak niyon at halos matulala ko sa ganda nya.
Ipinantay nya ang sarili nya sakin upang magkatapat kami.
"S-sino ka?" tanong ko sakanya.
Puting dress at nakablack na doll shoes lang sya pero sobrang ganda nya.
"Ako 'yung magsasabi sayong tanga ka." ngiting-ngiting wika nya.
Napanganga ako sa sinabi nya.
"Duwag ka, bes. Bakit ganern?" nakapout na sabi nya.
Kinuha nya ang kamay ko at inilagay doon ang panyong hawak nya.
"Alisin mo na 'yung luha mo sa mukha. Sana kasabay din nyan, alisin mo na din ang takot mo." nakangiting sabi nya sakin.
Her smile seems so comfortable.
"Hindi ka naman sasaktan ni Fafa Jaimel. Hays, sana akin nalang sya. 'Wag ka kasing tanga Mariel. 'Wag kang gumaya kay Keizel." saka sya humagikhik.
Nanlaki ang mga mata ko. "B-bakit mo kami kilala? Sino ka ba?"
Hindi ako nakakuha ng sagot mula sakanya pero binigyan nya ako ng isang ngiti.
"Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala. 'Yun 'yung sabi ni Cupid kay Psyche noon. Parang kayo lang 'yan e. Oh, mali. Hindi nga pala kayo. Pero sa case mo, pano mo mabibigyan ng chance kung hindi pa kayo nagsisimula, wala ka ng tiwala?" inayos nya ang buhok ko saka mahinang tinampal ang pisngi ko.
"Hays. Ang hirap sayo tanga ka na nga, duwag ka pa. Gising-gising din. Kayo naman talaga ang para sa isa't-isa." nangalumbaba sya at tinitigan ako.
"Hindi ka sasaya kung habang buhay matatakot ka. Masaya ka ba dahil sumuko na si Jaimel sayo? Hindi diba?" umiling ako at nagsimula na namang pumatak ang luha ko.
"Hindi ka masasaktan kung wala kang nararamdaman. Hindi ka manghihinayang kung walang chance. At lalong hindi ka umiiyak ngayon kasi mali ako. Umiiyak ka kasi may point ako." kinuha nya sakin ang panyong bigay nya at sya na mismo ang nagpunas ng luha ko.
"Free yourself from fear. 'Wag mong hayaang balutin ng takot ang puso mo. Kasi kapag nangyari 'yon? Hindi ka sasaya." napaiyak na ako ng todo.
Dahil alam kong tama sya.
"Thank you." humahagulgol kong pasasalamat sakanya.
Nginitian nya ako saka ako itinayo. "Go and get your man back. Hindi naman pakipot si Jaimel. Mahal ka non."
Nginitian ko sya pabalik at tumango. Pero may naalala ako, "Anong pangalan mo?"
Bigla naman syang natawa. "Oh, that! I'm Future!"
Nangunot ang noo ko. Future? It's kinda.. weird?
"It's not weird, honey. Ako kasi ang future ni Kian Apollo Gonzales." saka nya ako pinaghahahampas sa kilig.
--
HUMAHANGOS na dumating ako sa rooftop. May nakapagsabi kasi na nandito raw si Jai.
Binuksan ko ang pinto at agad ko syang nakita na nakasandal habang may earphone. Mukhang natutulog.
Nakahinga ako ng maluwag. Naglakad ako papunta sa direksyon nya at naupo sa tabi nya. Pumikit rin ako at ipinatong ang ulo ko sa balikat nya.
"Sinoㅡ" napatigil sya sa pagsasalita ng makita nya ako.
Napabuntong-hininga sya. "Mariel, please. I want to move on." nahihirapang sabi nya.
Napangiti ako. "Gago. Sino nagbigay sayo ng permiso na magmove-on? Hoy, wala akong sinabi!"
Inalis ko na ang pagkakasandal ng ulo ko sa balikat nya. Nakita ko ang nanlalaki nyang mata ngunit unti-unti itong napapalitan ng kunot ng noo.
"What are you talking about?" naguguluhang sabi nya.
"Mahal kita." sabi ko at kinotongan sya.
"Please lang, 'wag mo kongㅡ" hindi ko na sya pinatapos magsalita at nilagay ko ang daliri ko sa labi nya.
"Shush, ang dami mong dada. Para kang bakla. Manahimik ka. Hahalikan kita." tuluyan ko ng tinakpan ang bibig nya.
Nginitian ko sya. "There this woman na nagparealize sakin ng lahat. I shouldn't be afraid of giving you a chance. Pinarealize nya sakin na, hindi ako sasaya kung habang buhay akong matatakot."
Nararamdaman ko na ang pamumuo ng luha ko. "Hinahawahan mo ko ng kabaklaan mo, bwisit ka. Oo na tama ka. Mahal kita! Kaya, sorry na. Ligawan mo na 'ko ulit!" tuluyan na kong naiyak.
"Oo na! Desperada na kung desperada. Natakot ako e! Anong magagawa ko? Nakakainis kasi! Natrauma na 'ko nung sobrang naging manhater si Yel dahil sa ex-boyfriend nya, kung gaano naging heartbroken si Keizel dahil kay Dee, kung gaano naging bitter si Aira dahil kay Luke. Kaya simula non natakot na ko. Feeling ko lahat ng lalaki tulad nila. Na sasaktan din nila ako. I'm so sorry, Jai. Nagkamali ako." inalis na nya ang pagkakatakip ko sa bibig nya.
Bigla syang tumayo at lumapit sa pinto.
"Jaimel Patrick Dela Cruz.." pagtawag ko sa buong pangalan nya.
"Galit pa rin ako. Pero may parusa ako sayo." malamig na sabi nya.
Tumayo ako sa likuran nya. Pero bigla akong nagtaka ng makitang sobrang pula ng tainga nya.
"Ligawan mo ko ngayon. Tapos ano.. ehem! S-sasagutin kita bukas. I love you!" saka sya lumabas.
Feeling ko umurong lahat ng luha ko.
"What the hell?" napahawak ako sa tyan ko dahil sa sobrang lakas ng tawa ko. Pumunta ako sa railings ng rooftop at hinintay na makababa si Jaimel.
Nang makita ko sya ay pulang-pula ang mukha nya. Napahagikhik ako. Sakto, nagsisilabasan na 'yung mga schoolmate namin.
"KAYONG LAHAT! MAKINIG KAYO SA SASABIHIN KO! 'WAG NYONG PAALISIN SI JAIMEL! KINUHA NYA 'YUNG PUSO KO!" natatawang sigaw ko.
Nakita ko ang mga kaibigan ko na naglalakad kaya narinig nila ako. Agad na hinarang nila si Jaimel.
"JAIMEL PATRICK DELA CRUZ! CAN YOU BE MY BOYFRIEND?!" sigaw ko mula sa rooftop at naglabas ng banner. Bigay sakin ni Future kanina.
"ANG SABI KO BUKAS PA KITA SASAGUTIN ANG DAYA MO! PERO SIGE, SINASAGOT NA KITA!" nagtawanan ang mga taong nanonood.
"YIE! PAKIPOT PA 'TO! I LOVE YOUUUUUUUUUUU!" wala na akong paki kung mamalat pa 'ko.
"EWAN KO SAYO! I LOVE YOU TOO!" sabi nya at nagtatakbo.
Nababakla na naman ang boyfriend ko. Shit. Ang sarap pakinggan.
Hi, I'm Mariel Argoncillo, Jaimel Patrick Dela Cruz' girlfriend. Mahal ko sya at kami lang para sa isa't-isa.
Payo lang, girls? 'Wag kayong matakot na aminin sa taong mahal mo na mahal mo sya. Malay nyo.. may pag-asa pala.
YOU ARE READING
Making Him Mine
Teen FictionIsang simpleng babae lang si Keizel Artemis Gonzales na hinahangad mapasakanya ang pabebe na si Israel Dee Agustin. First Year Highschool palang ay may gusto na sya sa binata at ngayong Third Year College na sila ay wala pa ring nagbabago. Habang tu...