MHM 14: Possessive
Matapos ng mangyari kanina, hindi na ako nagpakita kay ID. Duh, may LQ kami.
Nandito ako sa mall ngayon. 6PM na at heto ako, nag-i-spy.
Oo na. Hindi ako nagpapakita sakanya kasi sinusundan ko sya. Baka mambabae, pano naman ako?
Kasalukuyan syang naglalakad kaya naglalakad din ang lola nyo.
Bigla syang huminto at tumingin sa likod nya kung saan medyo malayo ako sakanya.
May mga babaeng nagtsitsismisan kaya lumapit ako sakanila at nagkunwaring kasama nila ako.
"Hahaha! Oo nga, girls! Tapos anong nangyari?" natatawa ako sa sarili ko kaya hindi pilit 'yung tawa ko.
Mukha naman silang nagtataka. Lumingon ako kay ID at nakita kong lumilinga-linga sya.
Buti nalang nagpalit ako ng damit tapos may aviators pa ko. Wahahahaha.
Pinagtitinginan din ako ng mga tao. Ngayon lang sila nakakita ng maganda?
"Familiar sya." sabi nung babae nang tinanggal ko 'yung aviators ko.
Hindi naman nawawala si ID sa paningin ko. Pumasok sya sa Bench. One store away from where I'm standing.
"Oo nga e. Parang nakita ko na rin sya somewhere." Huh? Ganito na ba ko kaganda?
"Parang nakita ko na rin sya." tsismis pa. -.-
"Wait. Somewhere in TV, girls." tinuro pa 'ko nung kulot.
Nang tinignan ko 'yung anim na babae ay nakatingin din sila sakin.
Nagkibit-balikat ako at tumingin na sa store ng Bench. Kita mo nga naman. Si Kian 'yung model.
Nilingon nila ang tinitignan ko at kulang nalang makakita ako ng bulb sa itaas ng ulo nung isa.
"AH! GIRLS! SYA 'YUNG DINEDATE NI APOLLO!" nagulat ako ng bigla silang naghiyawan at nag-uunahan silang pumunta sakin.
Nakuha nila 'yung atensyon ng ibang taong naroon at tumakbo narin sila papunta sakin.
Uhh.. Kailan pa ko naging sikat?
"Hi!" nagtitilian pa sila.
"Aaaaaaah! Ang ganda nya!" hindi agad ako nakatakbo dahil sa gulat.
Lumingon ako sa Bench at nakita kong palabas narin si ID kaya medyo nagbend ako para hindi nya ako makita.
Nakuha rin kasi ng tilian nila 'yung atensyon nya.
"Hello po! Ikaw 'yung dinedate ni Apollo diba? Anong pangalan mo?"
"Eottoke? (What to do?)" medyo malakas kong sabi.
"Ano daw?" sabi nila.
"Hello.." nahihiya kong sabi.
"Shocks, 'yung boses! Mala-anghel!"
"Jinjjayo? (Really?)" natatawa na ako. Hahaha.
Wait! Nasan na si ID?!
Nakakarinig narin ako ng pagclick ng camera.
"Ano raw? Uhh. What's your name?" hindi ko pwedeng sabihin 'yung pangalan ko, shems.
"Artemis." nagtilian sila pagkasabi ko n'on.
"Shit! Greek Mythology!" Nagpapicture sila sakin at lalong dumami 'yung mga tao.
Waaaaah. 'Yung boyfriend ko, nasan na?
"I hope you don't mind. I have something to do. My boy- I mean my bestfriend is waiting for me. Excuse me. I'm sorry, girls. Till next time, bye!" sabi ko at tumakbo na.
"Nakakatomboy!" sabi nila.
Sinuot ko na ulit 'yung aviators ko at inikot ko ang mata ko sa second floor ng mall. At nakita ko sya sa may Forever21.
Malapit na ako sakanya ng may mabangga syang babae.
Nag-init ang ulo ko ng napahawak si ID sa bewang nung babae.
You, handsome. No kiss for tonight. Charot.
Mukhang nanghingi ng sorry si ID pero 'yung babae, nastarstruck ata.
Lumapit pa ako lalo.
"Ahm.. ahm.. I-It's okay," lalagpasan na sana sya ni ID pero pinigilan nya sa braso ang boyfriend ko.
Dapat na ba 'kong mainis?
"I-I'm uhh.. I'm R-Raina." nahihiyang pakilala nya.
Gusto kong matawa kasi mukhang nagtaka ang boyfriend ko.
Mukhang nag-aalangan si ID na makipag-shakehands dun sa babae.
Nang itataas na nya 'yung kamay nya ay naglakad ako papunta sakanila at ako ang kumuha ng kamay ni Raina.
"Hi, Raina, I'm Kei. Girlfriend nya. It's nice meeting you." and I don't want to see you again.
Tinignan ko si ID at nakita kong nanlalaki 'yung mga mata nya.
"Hi, sweetie." sabi ko with my sweetest but the most sarcastic smile.
"Raina, gotta go. May date kasi kami ni Sweetie ko. See you around." sobrang plastik ng ngiti ng lola nyo.
Hinatak ko na si ID.
Naniniwala ako sa kasabihang, magselos na ang lahat. 'Wag lang si Keizel Artemis Gonzales.
YOU ARE READING
Making Him Mine
Dla nastolatkówIsang simpleng babae lang si Keizel Artemis Gonzales na hinahangad mapasakanya ang pabebe na si Israel Dee Agustin. First Year Highschool palang ay may gusto na sya sa binata at ngayong Third Year College na sila ay wala pa ring nagbabago. Habang tu...