MHM 32: Bumped

85 5 0
                                    

MHM 32: Bumped

"What the hell? Hinarang ka? Pigilan nyo 'ko, susugurin ko 'yung ubod ng gwapong lalaking 'yon!" sabi ni Ronna.

Agad ko syang binatukan.

"Pwede ba? Manahimik ka dyan." Dismissal na at nagmi-meeting pa rin kaming pito.

"Psh, kabanas talaga 'yon. Pasalamat sya, ang gwapo nya." naiinis na sabi ni MeAn.

"Seriously? May pagpuri talaga sa dulo?" kunot-noo kong tanong sakanila.

"Kailangan 'yon. Pogi naman talaga si Dee." napairap nalang ako sa hangin sa sinabi ni Thea.

"Bitter, oh. Ikaw nga pinagkakalandakan mo samin dati kung gano kagwapo si Dee." sabi ni Aira at tumawa silang lahat.

Inirapan ko sila, "Oy, ah. Pwede ba, hindi ako bitter. Hindi naman ako umangal na gwapo sya ah?" hindi na big deal sakin ang pag-usapan sya. Kanina lang. Psh!

Gaya ng sinabi ko, manhid na 'ko pagdating sakanya.

Napabuntong-hininga ako. Hindi nga ba big deal, Keizel Artemis? Bakit bumibilis 'yung tibok ng puso mo?

"Oh? Nag-e-emo ka na naman? Tara na nga. Nanjan na si Manong Roger." sabi ni Ronna at tumayo na.

Nagsitayuan naman kami at nagpaalam kay Yel at Aira.

"Uy, sama kami sayo. Tara sa bahay nyo. Bonding tayong lima." excited na sabi ni MeAn.

"Hindi pa 'ko uuwi. Pupunta kasi ako sa Mall ngayon or kahit saang Grocery Store." sabi ko habang hinahanap ang susi ng kotse ni Kian.

"Para saan? Wala na kayong stock? Imposible." sabi ni Ronna.

"Para kay Kian." agad silang nagtilian at niyugyog ako.

"WEH? WEH? WEH?!" hysterical na tanong sakin ni Mariel.

"Oo nga." sabi ko ng sa wakas nakita ko na ang susi.

"EEEEEEH. SAMA KAMI!" sabay na sabi ni Ronna at MeAn sabay kapit sa magkabilang braso ko.

"OH MY GOSH! MAKIKITA KO 'YUNG ASAWA, SHIT!" sabi ni Thea kaya napatingin ako sakanya.

"Eto naman, joke lang! Hindi ko sya asawa, fiance palang. Hihihihi!" napairap ako sa hangin.

Obssessed nga pala kay Kian ang mga 'to.

---

Since sumama sila, sila ang naghawak ng mga plastic ng na-grocery namin. May bayad 'yon. Video greeting from Kian, haaaays.

"Oh, dito na. Bawal kayo dito." sabi ko ng nasa tapat na kami ng unit ni Kian.

In-enter ko ang passcode at napalingon sa likod dahil para silang inasinan na bulate. Mga nangingisay.

"Kian?" sabi ko at ipinasok ang mga pinamili ko bago pumasok at hindi na nag-abalang isinarado ang pinto.

Pumunta ako sa kwarto nya at nakita ko syang nakahiga habang nanonood ng TV.

Kinalabog ko ang pinto ng kwarto nya kaya napatalon sya sa gulat.

"Papatayin mo ba 'ko?!" naiinis na sabi nya at tumayo para lumapit sakin.

Tinaasan ko sya ng kilay at hinawakan ko ang noo nya.

"Why so hot?" nangunot ang noo ko. Nilalagnat pala sya. Akala ko kung anong sick ang sinasabi neto.

"Baby, hindi kita mabibigyan ng dahilan kung bakit hot ako. Inborn na 'yon." nakangising sabi nya.

Binatukan ko nga.

Making Him MineWhere stories live. Discover now