MHM 42: I love you

80 6 0
                                    

MHM 42: I love you

Naalimpungatan ako sa isang maliit na boses ng batang umiiyak.

Napakamot ako ng ulo ko. Tinignan ko ang clock dito sa kwarto at nakita kong 3 am palang. Inaantok pa ko!

Lumabas ako ng kwarto at walang sabi-sabing pumasok ako sa kwarto ni Kian.

Nakita kong nakadapa sya habang nakabaling ang mukha nya sa kabilang gilid. Topless at nakaboxer. Siguro kung nakikita 'to ni Future, maglalaway 'yon.

"Kiana! Si Kist, umiiyak!" tumalon ako at lumanding ako sa likod nya.

Napahiyaw sya dahil siguro sa bigat ko. "Kian, Kian, Kian, Kian, Kian! Si Kist nga sabi!" pero hinila nya lang ako at niyakap. Nasa ulo ko 'yung braso nya. Hindi ako makahinga! 'Yung ilong ko pa nakasakto sa kili-kili nya. Infairness, mabango.

"Putek, Kian Apollo!" sabi ko at kinurot ang abs nya.

"Aray, ano ba!" naiinis na sabi nya at tumingin sa orasan. "May photoshoot ako mamayang 7 am!"

Sinapak ko na. "Uunahin mo pa 'yang photoshoot mo kesa kay Kist?!" tumayo na ako at lumabas ng kwarto nya. Pumunta naman ako sa kwarto ni Kuya.

"Kuya, Kuya, Kuya, Kuya! Si Kist, umiiyak!" sabi ko kay Kuya at niyugyog sya. Ganon din ang itsura nya katulad kay Kian. Topless with boxer. Bakit ba ganito ang mga lalaki?

Binuksan nya ang kaliwang mata nya at ginulo ang buhok nya. Mukha syang model ng kama, seriously.

Walang pasabing tumayo sya at nakaakbay saking lumabas kami ng kwarto nya.

Pumunta kami sa kwarto nina Mommy na kung saan ako natutulog. Wala sila para sa isang business trip.

Yes, pinanganak na si Kist. 4 months have passed at 3 months na si Baby Kist.

Muntik ng magkasabay ng birthday si Kian at Kist. August 26 si Kist at 27 naman si Kian.. 11 ng gabi sya pinanganak ni Mommy.

November na ngayon at birthday ko na bukas. Yes, tomorrow!

Pinatahan nila si Kist. Bugnot naman na binuhat ni Kian si Kist. Abnormal talaga. Mukha talaga silang mag-ama. Magkamukha sila e. Kamukha nila si Mommy, samantalang kami ni Kuya ay kay Daddy.

"Ian, pano kaya kung magkaanak kayo ni Future?" wala sa sariling nasabi ko.

Bagay kasi talaga sila. At, yep. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan nya.

"No way!" parang nawala ang antok nya sa sinabi ko.

"Arte mo, gwapo ka ba?" napataas ang kilay ko. Sobrang ganda kaya ni Future.

"Oo. Maiinlove ba sakin 'yon kung hindi?" saka nya ako inirapan.

"Hoy, ang kapal ng mukha mo. Minahal ka daw nya dahil sa abs mo!" natatawang sabi ko. Totoo, sinabi talaga sakin ni Future 'yon.

Naging trending ang araw ng Birthday ni Ian. At nagulat ako kasi nung araw na 'yon, napakadaming dalang regalo ni Ian. At mas lalo akong nagulat ng makita ko si Future sa sala namin.

"Ikaw, kuya, kelan ka mag-aasawa?" tanong ko kay Kuya. Pwede naman na. He's turning 23 this coming December.

"Kapag nakita ko na 'yung babaeng para sakin." napangiwi ako.

"Bro, anong kabaklaan 'yon?" tanong ni Kian.

"Gago, hindi kabaklaan 'yon. Baka ikaw, bakla. Wala ka pa ngang napapakilala dito sa bahay." mapang-asar na sabi ni Kuya.

"Ipakilala mo na kasi si Future kina Mommy." nakangising sabi ko at naghigh-five kami ni Kuya.

Magkamukha knows best. Hahahahaha. Kilala na si Future ng pamilya namin. At ang nakapagtataka, samin nya lang hindi sinasabi ang pangalan nya.

Making Him MineWhere stories live. Discover now