MHM 23: Punishment
"Oh, bakit ngiting-ngiti ka?" tanong sakin ni Yel.
"Hmm, wala naman." sabi ko at umupo sa tabi ni Mariel.
"Ano nga? Pa-mysterious pa." sabi ni Aira at umirap.
"Si Amy kasi." sabi ko at ngumiti ng malaki.
"Sabi na e! Kaya hindi ka kinikilig kay Dee kasi si Amy Tacorda na ang type mo!" sabi ni Thea with matching hampas pa sa table.
"The heck, Thea Xandrea Kallel Rosete?" sarap sakalin ng babaeng 'to!
"What? Lesbian ka 'no?!" tanong nya at dinuro pa 'ko.
"Hell, no! Pahalikan kita kay Brix dyan!" sabi ko at inirapan sya.
"Ako nalang, be. I'm more than willing! Ahihi!" maharot na sabi ni Ronna.
"Ikaw talaga!" sabi ko at kinurot sya.
"Joke lang!" sabi nya at nagpout.
--
Kakatapos lang ng klase ko at napagpasyahan kong pumunta sa SC Room.
Gusto ko talagang makausap si Raven.
Nang makarating ako d'on ay kumatok ako.
"Pasok," it's Raven.
Dumungaw ako sa pinto at sila lang ni ID ang nand'on.
Oh, noes! It can't be!
Napatingin silang dalawa sakin pero parehas ding nag-iwas ng tingin.
I find the situation awkward. Who's with me?
"U-uhm, Raven.. C-can we talk?" nahihiyang sabi ko at tumingin sakanya.
Nakita ko namang nagulat sya at napatingin kay ID.
"Ako?" nagtatakang tinuro nya ang sarili nya. Tumango naman ako.
"ID, favor please? Labas ka muna. Mag-uusap lang kami. Sorry to bother you." sabi ko at ngumiti.
Hindi ko rin alam kung bakit big deal ang hindi namin pag-uusap ni Raven. Siguro ay dahil dalawang taon ko na syang kaibigan?
Tumingin muna sya sakin bago inis na lumabas.
Tahimik ang buong room. Tanging ang pagbukas lang ng zipper ng kanyang bag ang maririnig.
Bumuntong hininga ako at nag-a-alinlangan kung magsasalita o hindi.
Dumapo ang tingin ko sa bawat sulok ng silid upang humanap ng mga salita.
Pumikit ako ng mariin at yumuko.
"I thought you want us to talk?" cold na sabi nya habang pinapatay ang laptop nya.
"I'm sorry, Raven. Hindi ko alam kung bakit mo 'ko iniiwasan pero sorry. Wala naman tayong problema nung huli tayong nag-usap, right?" sabi ko habang nag-aayos sya ng gamit.
Patuloy lang sya sa paglalagay ng gamit nya sa bag nya. Hindi manlang tumingin sakin.
"Raven, please.. Talk to me." desperadang sabi ko.
"Are you that dense, Keizel Artemis?" malamig na sabi nya sakin.
Is this about his feelings?
Tumalikod na sya at lumapit sa pinto. Natatarantang humarap ako sakanya.
"Are you.. moving on?" hindi na ako makatingin sakanya ngayon.
"To tell you honestly? Yes, I am. So, please, 'wag ka na munang lumapit sakin." sabi nya bago humarap at isinukbit na ang bag sakanyang balikat.
Napayuko ulit ako. Raven is a good friend of mine. I can't lose him just like that.
Narinig kong bumukas ulit ang pinto.
Napatingin ako d'on at nakita ko si ID na seryosong nakatingin sakin.
Nag-iwas ako ng tingin at dumiretso sa pintuan pero agad nya itong sinara.
Hindi ako tumingin sakanya. Diretso lang ang tingin ko sa pintuang nakasara na ngayon.
"Don't you think it's unfair?" panimula nya na syang ipinagtaka ko.
Napatingin ako sakanya.
"You'll kiss me whenever you're jealous, while me I can't do anything to you." sabi nya habang hindi iniiwas ang tingin sa mga mata ko.
Unti-unting umaawang ang mga labi ko.
"Ano bang mayroon sayo at kaya mong pagselosin ako ng dalawang beses sa isang araw?" seryosong sabi nya at umalis na sa pinto.
He didn't spoke Tagalog. No. Hindi. Hindi! Waaaaaah! Nagtatagalog lang sya kapag sobrang nagagalit na!
Did I push his limits? Oh, crap! I hope I didn't!
YOU ARE READING
Making Him Mine
Fiksi RemajaIsang simpleng babae lang si Keizel Artemis Gonzales na hinahangad mapasakanya ang pabebe na si Israel Dee Agustin. First Year Highschool palang ay may gusto na sya sa binata at ngayong Third Year College na sila ay wala pa ring nagbabago. Habang tu...