MHM 48: Mariel

58 4 0
                                    

MHM 48: Mariel

MARIEL ARGONCILLO's POV

Bumaba ako ng kotse namin ng makarating kami sa gate ng H.U.

Hinintay kong makaalis ang kotse namin at saka ako pumasok ng University.

Hinahanap ko ang cellphone ko sa bag ko ng may biglang sumulpot na rose sa mukha ko.

Lumipat ang tingin ko sa kamay na nakahawak don at sunod kong tinignan ang mukha ng taong 'yon.

"Good Morning, my lady." ngiting-ngiting bati nya.

Napakunot ang noo ko sa naging reaksyon ng puso ko. Ohmy. Bakit ang bilis ng tibok mo?!

Iniwas ko ang tingin ko sakanya at lalagpasan na sana sya pero hinarangan nya ang dadaanan ko.

"Ano ba, Jaimel. Lumayas ka nga dyan!" umagang-umaga pinapainit ng panget na 'to ang ulo ko.

' Weh? Panget nga ba talaga? Eh, naghuhumiyaw nga ang kagwapuhan nya ngayon kaya ka naiinis kasi naiinlove ka lalo. ' bulong ng konsensya ko.

"ARGH! HINDI! SHIT!" napatalon sya sa biglang pagsigaw ko.

Uminit ang mukha ko sa hiya at tuluyan syang nilagpasan.

Napahinto ako ng may nakapilang cards sa may hallway.

WILL YOU BE MY GIRLFRIEND, MARIEL?

Ang mga katagang 'yan ang nakalagay roon.

He's been courting me for 8 months now. At hanggang ngayon ay hindi ko pa sya sinasagot.

Ang dahilan? Takot akong masaktan.

I've never been in a relationship before. Lalo akong natakot ng makita ko kung pano umiyak at masaktan si Kei sa harap namin.

"So?" napatalon ako ng may biglang bumulong sa likod ng tenga ko.

Napabuntong hininga ako. "I'm sorry, Jai." nawala ang ngiting nakapaskil sa mukha nya.

"But it's a no." napabuntong hininga ako ng makita ko ang sakit sa mga mata nya at nagtutubig na rin 'to.

"Leave us." parang mga robot na nagsi-alisan ang mga tao at ilang minuto lang wala ng tao.

Nanatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa tumalikod sya sakin.

"It's the 12th time that you reject me, my lady." basag ang boses na sabi nya.

Napalunok ako ng marinig ko 'yon.

"Kasi ayoko pa." saka ako nag-iwas ng tingin sakanya.

"No. It's not that you're not ready yet. Takot ka lang masaktan." bumuntong-hininga sya bago tumingala.

"Hanggang ngayon hindi mo parin ako pinaniniwalaan. Bakit? Ano bang tingin mo sakin? Hindi ako marunong magmahal ng totoo? Na hindi ako seryoso sayo?" may hinanakit na tonong sabi nya.

Napayuko ako. Ganun naman talaga 'yung nasa isip mo, Mariel diba?

"Ah, so tama ako? Bullshit!" napapikit ako ng magmura sya.

"Hindi ka mahirap mahalin pero ang hirap mo angkinin. Para kang star e. Ang lapit mo sa paningin pero ano? Ang hirap mo abutin." bigla syang tumawa. Bitter laugh, rather.

Nanatili lang akong tahimik. Pero nararamdaman ko na ang pangingilid ng luha ko.

"Mariel.." parang may kung anong sumaksak sa puso ng tawagin nya ako sa pangalan ko. He used to call me 'my lady'.

"Ano pa bang kulang? Nagawa ko na naman lahat ah? Hindi naman sa minamadali kita pero kasi nakakapagod na rin. Imagine? In 8 months of courting you, you already rejected me 12 times. Heard that? 12 fucking times!" tinignan ko ang mukha nya at kitang-kita ko ang hinanakit sa mga mata nya.

"Alam mo ba kung bakit gustong-gusto kita maging akin? Kasi ang dami ko nang kaagaw sayo. Naiinis na ko sa sarili ko kasi pinagdadamot kita sakanila pero wala naman akong karapatan sayo kasi hindi naman tayo."

Gusto ko sanang magsalita kaso may malaking bato na nakaharang sa lalamunan ko.

Sinabunutan nya ang sarili nya at biglang may luha na lumandas sa pisngi nya.

Napayuko ulit ako at pinigilan ang iyak ko.

Namayani ang katahimikan saming dalawa. Hanggang sa halos manginig ako sa tanong nya.

"Should I g-give up?" napatingin ako sakanya at napansin ko ang pag-akyat taas ng kanyang balikat.

"Answer me, my lady. Should I?" lalong nabasag ang boses nya kaya agad na namuo ang luha ko.

"Y-yes.." mabigat ang puso na sabi ko. There's a part of me shouting that I should say 'NO'.

Malakas ang naging pagbuga nya ng hangin at tumalikod na sakin.

"Tandaan mo lagi na mahal na mahal kita. Alam ko naman na mahal mo rin ako. Ang problema lang? Masyado kang duwag. Hindi mo kayang ipaglaban 'yung nararamdaman mo kasi takot kang masaktan. Inisip mo manlang ba minsan 'yung nararamdaman ko?" tanong nya pero hindi na ko nakasagot dahil umiiyak na ko. Pakiramdaman ko kapag binuka ko ang bibig ko bigla nalang akong humagulgol.

"Syempre, hindi. Kasi ako kaya kong magtake ng risk. Kasi kung hindi? Edi sana huminto agad ako nung unang araw na binasted mo ko. Pero, ano? Matapang ako. Kasi pinaglaban ko kahit ayaw mo. Kasi nga mahal kita." narinig ko ang pagsinghot nya.

"I'm sorry." pinilit kong magsalita ng hindi nahahalata ang pag-iyak ko.

Nagsimula na syang maglakad palayo sakin. Lalong bumuhos ang luha ko ng hindi manlang sya lumingon sakin.

TANGNA, MARIEL! ANONG INEEXPECT MO HA?! NA BABALIKAN KA NYA? TANGA!

Bigla nalang ako napaupo sa kinatatayuan ko at dinamdam ang lahat ng sakit na nararamdam ko. Hikbi lang ako ng hikbi. Hindi narin ako makahinga ng maayos.

"I'm s-so sorry, Jaimel. I l-love you but I'm not brave enough." napahagulgol ako lalo ng maamin ko na sa sarili ko 'yung totoo.

Nasa huli ba talaga ang pagsisi?

Pero nagulat ako ng..

Making Him MineWhere stories live. Discover now