MHM 52.5: Him

49 1 0
                                    

MHM 52.5: Him

"Good evening, Sir." bati ni Carl sa akin.

"Good evening." bati ko pabalik at ngumiti.

Kakarating ko lang sa resto bar na pagmamay-ari ko. I've been running this business since I was nineteen. I'm twenty-four now so, it's been almost five years, huh?

Patuloy na bumati ang mga empleyado ko sa akin. Binabati ko sila pabalik at sinusuklian ang kanilang mga ngiti. I need to be a good boss for me to have good employees.

Nagpunta ako sa aking opisina sa loob ng aking bar. Napatingin ako sa aking relo. Hmm, 9:30 na pala. Nagpalit na ako at lumabas na. Kumain ako saglit at nakipagkuwentuhan sa mga staff ko.

Nang pumatak ang alas diyes ay umakyat sa stage upang kumanta.

I once find the time boring then sang at my own bar. Madami namang naghanap sa akin at humanga. Sabi ng mga staff dito sa panahong wala ako.

Ngayon lang din ako napunta ulit dito sa loob ng dalawang linggo.

"Namiss nyo ba 'ko?" tinignan ko ang mga naroon at nakita ko ang mga babaeng suki na ng bar ko.

I think they're my fans dahil tinuturo rin sa akin ito nina Carl.

They're pretty, yes. But they're too young. Alam kong gago ako pagdating sa babae pero hindi ko kayang pumatol sa halos sampung taon ang tanda ko.

Kinanta ko na ang mga nirequest ng mga hangal kong kaibigan.

Inilibot ko ang paningin ko at bahagyang napatigil ng mapadako ang tingin ko sa isang babaeng nakaupo malapit sa bar counter.

Mahaba ang buhok, may maliit na nunal sa sentido at magagandang mga mata. Pero.. bakit malungkot sila?

Why can't it be?
Why can't it be the of us?

Iniwas ko ang paningin ko nang napalingon sya sa akin.

Alam kong matanda na 'ko para sabihin ko pero, sya ang online crush ko. Nakita ko ang picture nya kasama ang mga kaibigan nyang magaganda din, pero ewan ko ba. Sa kaniya natuon ang paningin ko.

Ronna. Ronna Andrea Castillo.

Napakunot ang noo ko ng parang nagkakamabutihan sila ni Carl.

Should I fire him after this?

Nang kantahin ko na ang Tayo nalang ay napayuko sya. Parang masyado syang nakakarelate sa kanta? Tapos may lumapit na magandang babae sakanya parang kinocomfort sya.

May boyfriend ba sya? Pero, ang alam ko wala dahil tinanong ko pa iyon nung nakaraan kay Keizel, 'yung kaibigan nya.

Nang matapos akong kumanta ay parang tumigil ako sa paghinga ng matamaan kong papalapit sya sa stage. Parang gusto kong sapakin 'yung sarili ko sa naramdaman.

Pinilit kong maging normal kahit na parang gusto ko nalang makipag-usap sakanya ng matignan ko ang mukha nya sa malapitan.

Making Him MineWhere stories live. Discover now