MHM 45: Mine
"Is everything settled?" tanong samin ng tumatayong tour guide namin.
Trip ito ng buong Third Year students. Tradional na ito. Retreat ba. Hindi raw kasi pwede kapag fourth year na dahil paniguradong may mapapahamak.
Magkakasama kami ng mga kaibigan ko at ng mga lovelife nila. Si Yel at Klein. Mariel at Jaimel. MeAn at Jasper.
Habang si Aira, Thea, Ronna ay nasa dulo dahil wala silang boyfriend.
Si Raven at Amy naman ay nandon nasa harap namin. Naglalambingan.
Hetong katabi ko nakatingin lang sa kamay ko habang nilalaro ito.
Dumaan si Risen sa gilid namin kaya binati ko sya. "Hello, Risen!" ngiti ko.
"Hello, baby." sabi nya at kinindatan ako.
Walang nagbago sa pakikitungo nya sakin. Hindi katulad ni Raven noon.
"Tss." sabi ni ID at hinawi ang kamay kong hawak nya.
Nasa tabi sya ng bintana at nasa gilid naman ako.
"Tabi nga. Ako uupo dyan." iritadong sabi nya.
"Inaano kita?" nagtatakang tanong ko.
"Nag-" hindi natapos ang sasabihin nya ng biglang nagsalita si Risen.
"Baby Kei, chips gusto mo?" nakangiting alok nya.
Tatango na sana ako kaso, "Mayroon kaming dala dito, Bernardo." matalim ang titig ni ID kay Risen.
Ngumisi naman si Risen at kinindatan ulit ako. Hindi ko napigilan ang pagngiti.
"Why are you fucking smiling?" inis nyang sabi.
Natawa ako at umusod na para makaupo sya. "Naaabno ka na naman. Ewan ko sayo."
Sinamangutan nya lang ako at padabog na umupo.
Buong byahe ay inaasar ko sya. Baler ang punta namin kaya medyo matagal ang byahe.
"Uy, ID." humagikhik ako.
Naiinis na tinignan nya ako. "What?"
"I love you," malambing kong sabi.
Inismiran nya ako, "Tell that to Risen."
Napangisi ako, "Okay. Baby Ri-!!" tinakpan nya ang bibig ko at lalo akong sinimangutan.
"What the hell?" hindi makapaniwalang sabi nya.
Tinanggal ko ang kamay nyang nasa bibig ko, "Sabi mo kay Risen ko sabihin? Sasabihin ko naman ah!" kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang pagngiti.
"Stop tripping!" sabi nya at inirapan ako.
"May menstruation ka ba, sweetie? May dala akong sanitary napkin. Baka tagusan ka dyan." tumawa ako pero sya ay inis na inis sakin.
Nang makarating kami sa retreat house ay nag-inat ako. Kabagot. Tinignan ko ang orasan ko at alas dos na pala.
Agad na kinuha ni ID ang mga bag namin. Badtrip na naglakad sya paalis ng bus.
Nagulat ako ng may umakbay sakin. "Hahahaha! Ang sarap talaga pagtripan nyang boyfriend mo. Seloso!" sabi nya at humagalpak ng tawa.
Tumawa na rin ako, "Loko ka kasi. Sukat tawagin akong baby."
Nang makababa na lahat ay nagsimula na kaming lumabas ni Risen pero umakyat si ID.
Agad na tumalim ang tingin nya samin ni Risen. Madilim ang aura na lumapit sya samin at hinatak ako.
"Back off," sabi nya kay Risen at kinaladkad ako palabas.
Hindi nakatakas sa pandinig ko ang patawa ni Risen at pagmumura ni ID.
Hinatid nya ako sa assigned room para sa girls at ipinasok ang bag kong may kabigatan.
"Don't go anywhere without me. Or else.." mapagbantang sabi nya.
Tumawa ako, "As if makikipagtanan ako kay Risen."
Pero hindi sya natuwa sa joke ko.
"Hindi ako natutuwa, Mrs. Agustin. Kapag ako naiinis, ako magtatanan sayo." bwisit na sabi nya at lumabas na.
Kasabay ng pagkalaglag ng panga ko ang pagtili ng tatlong kasama ko sa kwarto. Sina Ronna, Thea, at Aira.
"OMG! Babe, naiinggit ako!" sabi sakin ni Ronna at hinampas ako.
"HAYUP NA AGUSTIN! WAHAHAHA!" sabi ni Aira at hinampas naman si Thea.
"Waaaaaah! Grabehan na talaga si Dee! Dee, ako nalang please!" sabi ni Thea at hinampas ang unan kay Ronna.
"Oy, panget. Uso magreact!" sabi ni Ronna at niyugyog ako.
"OH. MY. GOD." sabi ko at sabay-sabay kaming nagtiliang apat.
---
Lumabas kami ng dinner na. Sa dalampasigan kami magdidinner para daw presko. Ibibigay samin ang araw na 'to at bukas kami gagawa ng mga activities chuchu.
Pagkatapos naming magtilian na apat ay nakatulog kami. Pagkagising namin ay alas singko na kaya unahan kami sa pagligo at pag-aayos.
Pagkarating namin sa dalampasigan ay inaayos na nila ang tables. Nakita ko ang tatlo ko pang kaibigan na kasama si Amy at nakaupo malapit sa dagat.
Inilibot ko ang tingin ko at hinanap ng mata ko si ID.
Nasan kaya 'yon?
Nagkibit balikat ako at lumapit na kami kina Yel.
"OMG GIRLS! MAY KWENTO KAMING TATLO!" sabi ni Aira magkarating namin sa pwesto nila at automatic na nagtilian silang tatlo.
"Ano ba 'yan at mukhang kilig na kilig kayo?" seryosong tanong ni Yel.
Kinuwento nila ang nangyari kanina na parang wala ako doon. Pagkatapos ng ilang minuto ng pagkukuwento nilang tatlo ay sabay sabay silang nagtilian at naghampasan.
Napa-facepalm ako.
"OH MY GOSH! IMPROVING NA ANG BESTFRIEND KO!" natatawang sabi ni Amy kaya nagtawanan sila.
Napangiwi ako habang tinitignan silang nagkakasiyahan. "Mga gaga kayo."
"Kapag ako sinabihan ni Apollo ng ganun, PAPAYAG AGAD AKO!" kinikilig na pahayag ni Ronna kaya natawa ako.
Nagkuwentuhan kami doon habang hinihintay na matapos ang iba sa pag-aayos ng dinner.
"Uy, girls. Ready na 'yung pagkain." nakangiting sabi samin ni Jasper at inalalayang tumayo si MeAn.
Kitang-kita ko ang pagpula ng pisngi nya.
"Aba, don kayo! Respeto saming mga single!" bitter na sabi ni Aira at nagmartsa paalis. Tumawa lang si Jasper sa sinabi nito.
Napangiti ako habang nakatingin kina MeAn at Jasper. MeAn got the right guy. He's very nice.
Napapitlag ako ng may humawak sa baywang ko. Nakasimagot na mukha ni ID ang bumungad sakin.
"Who told you to wear that kind of shorts?" sabi nya at bumaba ang tingin nya sa binti ko.
Kinilig naman daw ako sa sinabi nya. "I love you."
"Dinadaan mo ako sa mga I love you mo. Palibhasa alam mong 'yan ang kahinaan ko." sabi nya at naglakad na kami paalis don.
May kung ano syang sinasabi na hindi ko maintindihan sa sobrang hina. "Ano?"
"Sabi ko, tumitingin sila sa legs mo. Hindi ba nila alam na akin ka? Akin ka kaya pati legs mo akin din!" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
OH MY GOD. HINDI KO KINAKAYA ANG LUMALABAS SA BIBIG NYA.
YOU ARE READING
Making Him Mine
Teen FictionIsang simpleng babae lang si Keizel Artemis Gonzales na hinahangad mapasakanya ang pabebe na si Israel Dee Agustin. First Year Highschool palang ay may gusto na sya sa binata at ngayong Third Year College na sila ay wala pa ring nagbabago. Habang tu...