MHM 33: Risen
Mag-isa akong nakaupo sa tambayan namin ngayon. Kakatapos lang ng unang klase ko kung saan kaklase ko ang magjowa ng taon.
Yeah, magjowa ng taon. Napairap ako sa hangin. Nakakainis silang tignan.
Kaya ka naiinis kasi mahal mo pa! Sus! may naririnig akong nagsasalita sa likod ng utak ko.
Gusto lang naman nyang mag-move on e. May narinig naman akong sumagot.
Pano sya makakamove-on kung lagi nyang iniisip? tanong nung isa.
Hindi naman maiiwasan ni Kei na magreminisce. Normal lang 'yon. Tatlong buwan palang naman ang nakakalipas. sagot nung isa.
Shit, nababaliw na 'ko!
Sinabunutan ko ang sarili ko at yumukyok.
"Lintek, Kei! Ano bang nangyayari sayo?!" tinampal ko ang noo.
"Uhh.. Keizel Artemis.." hindi ako natinag at nakayuko pa rin ako.
Kanina pa nya ako kinukulit. Style nya bulok!
"Ano na naman?!" sinadya ko ang inis sa tono ko. Bumibilis na naman kasi ang tibok ng puso ko.
Shit, akala ko ba magmomove-on ka, Kei?!
"Aaaaaaaaaaaah!" nanggagalaiting tili ko. Inis para sa sarili ko, hindi para kay Israel.
Pinagpapadyak ko ang mga paa ko at tinakpan ang mukha ko.
I should move on! Eh, bakit sa tuwing lalapit o di kaya magsasalita sya, tumitibok ka ng mabilis kang puso ka?!
Anak ng tinola! Hindi ka pa nadala?!
Inangat ko ang tingin ko sakanya.
Agad syang napatalon ng makita ang nagbabagang mga tingin ko.
"May sasabihin ka ba? Makakaalis ka na kung wala! Naiirita ako sa mukha mo e!" sa mukha nga ba nya? Oh, sa nararamdaman mo?
Confirmed. Baliw na 'ko.
Nag-iwas naman sya ng tingin at yumuko. Pinaglaruan nya ang kamay nya na may hawak na paperbag.
Agad na kinurot ang puso ko. Napapikit ako ng mariin. Hindi ka pwedeng maawa, Kei!
"I.. I uhm.. I.." kinakabahan ata sya. Hah! Utal-utal ka pa dyan!
"I uhm ano?!" iritadong sabi ko.
Susko, pa'no naman ako makakamove-on kung lagi syang lalapit?!
"I just w-want to give this to you. I c-cooked this for y-you." nahihiyang inilapag nya 'yon sa harap ko.
Tumingin sya sakin at parang may hinihintay na kung ano.
Tinaasan ko sya ng kilay, "May sasabihin ka pa?" mataray na tanong ko sakanya.
"Yeah.." mahinang sabi nya.
Agad akong nag-iwas ng tingin dahil tumatagos sakin ang mga titig nya.
"Ano 'yon? Sinasayang mo lang ang oras ko e, alam mo-"
"I'm sorry and.. I love you." ngumiti sya ng malungkot sakin at nakayukong lumakad paalis.
Yumukyok ulit ako ng maramdaman ko ang pag-init ng gilid ng mata ko.
Bakit.. gusto ko ng bumigay?
Kailangan kong umiwas pero ang nakakainis lang, isang buwan na nya akong sinusuyo. May mga panahon na gusto kong marinig ang mga paliwanag nya pero agad na napapalitan ng galit kapag nakikita ko sila ni Kasandra na magkasama.
Tulad ngayon! Tss!
"Oh, dahan-dahan naman jan." natatawang suway sakin ni MeAn.
"Yie, selos sya! Hahahaha!" sabi ni Ronna at binato ako ng papel.
Taga ibang course sila pero tinutulungan nila ko. Si MeAn kasi ay Law at si Ronna naman ay Fine Arts.
Busy ang mga estudyante dahil inaayos na ang gagawin namin para sa Heather University's Week. Booths, Battle of The Bands, Contests, Quiz Bee, FoodCourts at kung anu-ano pa.
Nabunot namin ang Dedication Booth. Magsusulat ang isang tao para sa babae o lalaking gusto nyang paratingan ng sulat. Isa ako sa parang magiging DJ.
May microphone kaming nakakonekta sa lahat ng speakers ng campus. Kahit sa Gym ay mayroon din.
Siguradong papatok ang Dedication Booth namin dahil maraming couple dito.
Pwedeng sulat at pwede ring kanta. One at a time, bawal ang dalawa. KASI KUNG DALAWA, TIMER 'YON!
Ay, putspa! Bakit ako humuhugot?
Tuloy tayo. Five pesos kada isang sulat. Yes, syempre may bayad 'yon. Para iyon sa napili naming charity.
Bukas na ang umpisa ng H.U Week at patapos na halos lahat ng booths.
Nang sawakas matapos kami ay lunch na. Ako kasi ang nakatoka sa cutting of letters. Sila naman ay sa design ng Room.
Tumingin ulit ako direksyon nina Israel at Kas at nakita kong kinukulit sya ni Kas.
Napairap ako sa hangin. Whatever.
"Okay, unahin mo 'ko." Nagabayad sakin si Ronna ng five pesos at nag-umpisa ng magsulat.
"Uy, ako din! Ayan, may buena mano na kayo!" sabi nya at kumuha narin ng papel.
Inayos ko ang mga pinaggamitan namin at agad naman akong tinulungan ng lalaki kong kaklase.
Sya ang makakasama ko sa pagiging DJ. Si Risen Bernardo.
"Thanks, Ri." ngumiti ako sakanya.
"Okay lang, basta ikaw." natawa nalang ako.
Gusto nya raw ako. Hahahaha. Ewan ko, hindi ko naman sineseryoso e.
"Excited na 'ko para bukas. Ikaw, Kei my loves?" napangiti ako sa tawag nya sakin.
"My loves ka dyan. Oo na, excited din ako." sabi ko at sinapak ang braso nya.
Agad naman nyang hinawakan ang parte na 'yon at tumawa.
He's charming, down to earth, gentleman, funny, always positive and kind. Hindi malabong.. alam nyo na. He's one of a kind.
"Gusto mo na din ako, Kei?" inilapit nya ang mukha nya sakin.
Ang gwapo nya. 'Yun lang ang masasabi ko. Napalayo ang mukha ko sakanya. Muntik ko ng makalimutan.
He's tall, not-that-dark, and handsome. In between sya ng moreno at maputi. Kayumanggi, I guess? Lagi syang nakangiti at dumagdag pa sa karisma nya ang hikaw nya sa kaliwang tainga.
My type of man. Madali akong ma-attract sa lalaking may piercing sa tainga.
Kaya hindi na ako magtataka kung bakit magaan ang loob ko sakanya.
"Loko. Hahahaha-"
Natigil ako sa pagtawa ng may umubo sa gilid ko.
Napasimangot ako.
Matalim ang titig ni Israel kay Risen. Eto namang si Risen ay inakbayan ako at ngumiti ng malaki kay Israel.
Lalong tumalim ang titig nya kay Risen.
Don't tell me, he's jealous?
----
It's Ray-sen not Ri-sen po. :) Ganyan po 'yung pronunciation nya. Ray-sen. :) Thank you.
YOU ARE READING
Making Him Mine
Teen FictionIsang simpleng babae lang si Keizel Artemis Gonzales na hinahangad mapasakanya ang pabebe na si Israel Dee Agustin. First Year Highschool palang ay may gusto na sya sa binata at ngayong Third Year College na sila ay wala pa ring nagbabago. Habang tu...