MHM 16: Everytime
Limang araw na ang nakakalipas pero hindi parin kami nagpapansinan ni ID.
Okay na rin 'yon. Ayaw nya n'on? Walang gumugulo sakanya?
Birthday nya ngayon at heto ako, nakikipag-away sa sarili ko kung babatiin ko ba sya o hindi.
Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko habang pabalik-balik sa kwarto ko.
Tuesday ngayon at 1PM pa ang klase ko. Isang subject lang naman 'yon. 1PM-4PM.
10:00AM na at alam kong bukas na ang isang mall malapit dito sa village namin.
Balak ko kasi syang isurprise katulad ng ginawa ko last year. Bibili na din ako ng magandang regalo.
Nagulat ako ng magring ang cellphone ko.
Mommy calling...
Sinagot ko agad, "Mmy?" tanong ko sakanya.
["Hey there, my daughter. Buy a dress. Buy a gift, too. A necklace. We're going to a party later. The investor of our company invited us. His son's birthday."]
"Huh? Hindi ko naman kilala 'yon, Mom!" sabi ko sakanya. Huhu! Isusurprise ko pa si ID e!
["You're saying something, Keizel Artemis?"] huhuhu!
"Nothing, mom. Sabi ko nga, sasama ko." give-up na. Si Athena Gonzales na ang nagsabi e.
["Good. You're Kuya Kier and Kuya Kian are coming too."] pahabol pa nya.
"Yeah, yeah. Bye, mom." sabi ko at nag-I love you pa sya bago patayin ang tawag. Syempre nag-I love you too ako.
"Aish! 'Wag ko na ngang batiin." sabi ko at kinuha ko na ang gamit ko at pumunta na sa kwarto ni Kian para kunin ang isa sa susi ng limang kotse nya.
Kinuha ko 'yung may keychain na 'Apollo'. Bumaba na ako at pinuntahan ang garahe namin.
Pinindot ko 'yung parang remote na kasama ng susi. Tumunog 'yung paborito kong kotse ni Kian.
Pagkakataon nga naman, I smirked.
Tumakbo kaagad ako d'on at binuksan 'yon.
"Ma'am! Teka! Sabi ho ni Sir Kian, 'wag ko daw papagamit 'yan kahit kanino." pagpigil sakin ni Butler Levy.
"Butler, hindi naman ako 'kahit kanino'. I'm his beloved sister." sabi ko at sumakay na.
Inistart ko ang engine at pinaandar na ang kotse. Yes!
Inihinto ko muna 'yung kotse ni Kian at binuksan ang bubong.
Sunod kong binuksan ang speaker ng kotse nya at kinonnect ko ang cellphone ko para makapagpatugtog.
Hinalungkat ko ang kotse nya at may nakita akong shades kaya sinuot ko na.
Pinaandar ko na ulit at ang daming lalaking napapatingin sakin. O sa kotse ni Kian?
"She looks so perfect standing there. With my american aparrel underwear." 5SOS. LUKE HEMMINGS!
Nililipad ng hangin ang buhok ko. I laughed, ang saya.
Nang makarating ako sa mall ay pinark ko na 'yung kotse ni Kian.
Pumasok na ako sa loob at pumunta sa isang jewelry shop.
Malapit na ako sa school at hindi ko pa rin itinataas ulit ang bubong ng kotse ni Kian.
Nakita ko ang mga kaibigan kong sina Aira, Mariel, Ronna at MeAn na nagtsitsismisan kaya binusinahan ko sila.
Ang mga mukha!
"Pasalamat ka, miss, maganda ka kasi--KEI?!" sabay sabay na sabi nila.
"Hello, there!" sabi ko sabay kaway sakanila.
"Ganda ng kotse. Kanino 'to?" tanong ni Aira.
"Kian." simpleng sagot ko.
"WEEEH?! KAY APOLLO 'TO?! PA-EXPERIENCE!" Pinagtinginan tuloy kami nung mga tao. Pumasok na sila sa loob bago pa ko makaangal.
Pinaandar ko na at pinark sa ilalim ng puno.
Kinuha ko 'yung phone ko at tinext si Kian.
To: Kian Pogi
Kiaaaan. Kinuha ko 'yung isang kotse mo. Love youuu. Hahahaha❤😘
Sent.
Bumaba na ako at nagsisunuran ang mga kaibigan ko.
"Tara na! Bilis!" nagulat ako ng bigla akong hilahin nung apat.
"Huh? Bakit- teka! Dahan-dahan naman!" sabi ko at lumingon sa likod.
Napatigil ako ng makita ko si ID na may kasamang babae.
Nakakapit pa ang babaeng iyon sa braso ni ID.
Kailangan ba kada makikita ko sya, lagi akong nagseselos?
YOU ARE READING
Making Him Mine
Teen FictionIsang simpleng babae lang si Keizel Artemis Gonzales na hinahangad mapasakanya ang pabebe na si Israel Dee Agustin. First Year Highschool palang ay may gusto na sya sa binata at ngayong Third Year College na sila ay wala pa ring nagbabago. Habang tu...