Chapter Eighteen: Rumurupok Na Koneksyon

7.2K 217 5
                                    

-Angus-

MAY KAKAIBA sa mansiyon ni lolo Carlos nang dumating kami. There is something heavy and ominous in the air. Noon pa man may unapproachable atmosphere na ang mansiyon pero hindi iyon ang nararamdaman ko doon ngayon.

"It feels like this place is grieving," sabi ni Cain na bumaba na rin sa kotse niya.

Iyon mismo ang nararamdaman ko. Noong bata pa ako napansin ko nang nakikiayon ang mansiyon na iyon sa emosyong nararamdaman ng pamilyang nakatira sa loob. Ganoon din sa Old Alpuerto mansion. Siguro dahil mahabang panahon nang pag-aari ng pamilya namin ang mga iyon kaya nabahiran na rin ng hindi pangkaraniwang kapangyarihan ang mga mansiyon.

At ngayon damang-dama ko na nagluluksa ang buong kabahayan. "Hindi maganda ang kutob ko."

Dumeretso ng tayo si Cain. "Kailangan pa rin nating pumasok sa loob para komprontahin sila tungkol kay Ayesha."

Tumango ako at kinuyom ang mga kamao. Saka kami pumasok sa mansiyon.

ISANG mayordoma ang sumalubong sa amin. Halata ang pagkagulat at pagkataranta niya nang makita kami. Una dahil matagal na panahon na akong hindi umuuwi doon. Pangalawa, aware ang mga kasambahay sa mansiyon na hindi gusto ng immediate family ko si Cain. Lahat ng mga helper doon nagmula sa mga piling pamilya na maraming henerasyon na naglilingkod sa mga Alpuerto. Alam nila na may unspoken rivalry ang henerasyon ng Elders na gusto ng mga magulang namin na maipasa hanggang sa aming magpipinsan.

Madidismaya lang sila dahil kahit hindi kami lubos na malapit kay Cain wala rin naman kaming nararamdamang hindi maganda para sa kaniya. In fact, I think he's the best candidate for the position as clan leader. He's more calm and authoritative.

Ang katangian niyang iyon ang ginamit niya nang igiit sa mayordoma na gusto namin makita sila lolo Carlos. Nang magdalawang isip ang matandang kawaksi ay ako naman ang nagsalita, "Nasaan sila?" Nakita ko na bibigay na siya kaya ngumiti ako at medyo naglabas ng kapangyarihan ko. "Sabihin mo sa amin."

Nakita ko nang sandaling mapasailalim siya sa kapangyarihan ko. Na-relax ang kanyang katawan at nawalan ng focus ang mga mata. Nagkaroon rin ng nahuhumaling na ngiti ang kanyang mga labi. "Sundan niyo ako." Saka siya tumalikod at humuhuni pa na umakyat ng hagdan.

"Pambihira ka. Kahit matanda ginamitan mo ng kapangyarihan mo," kunot ang noo na bulong sa akin ni Cain habang nakasunod kami sa mayordoma.

"I have no choice. Nagmamadali tayo baka nakakalimutan mo," sagot ko na lang. Dahil sa totoo lang ay hindi rin naman ako komportable na gamitin iyon sa kahit na sino. Kahit nga kinokontrol ko iyon, madalas ay kusa pa ring may kumakawala.

Dinala kami ng mayordoma sa library. Nasa labas pa lang kami naririnig ko na ang mga boses mula sa loob. Nagkatinginan kami ni Cain. Mukhang nagtatalo ang mga tao sa loob ng library. Nagtanguan kami bago ko inunahan ang mayordoma at hindi kumakatok na binuksan ang pinto.

Natahimik at gulat na napalingon ang lahat sa akin. Ilang segundo lang rumehistro na sa akin ang hinagpis at pagod sa mukha ni lolo Carlos; ang pamumutla at panic sa mukha ng aking inang si Corazon Viloso; ang seryosong ekspresyon pero bagsak na mga balikat ng aking ama na si Demetrio at ang nanlilisik na mga mata at mapulang mukha ng tiyuhin kong si Victor.

"A-angus!" Si mama ang unang nakahuma sa kanilang lahat. "What are you doing here –" Naging singhap ang sasabihin pa niya at naalis ang tingin sa akin. Napunta kay Cain na naramdaman ko nang pumasok na rin sa library at tumayo sa tabi ko.

MOON BRIDE [2017 PHR NOVEL OF THE YEAR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon