Chapter Four: Pag-usbong Ng Mga Katanungan

10.8K 362 16
                                    


-Ayesha-

"YOU heard me. I am going to be your husband. Itinakda na iyon sa araw pa lang ng iyong kapanganakan. You cannot run away from your destiny, Ayesha."

May kumalat na kilabot sa likod ko paakyat sa batok habang nakatingin pa rin sa lalaking nagpakilalang Cain. May kung ano sa intensidad at kaseryosohan sa boses niya ang nagpakaba sa akin. Pero pilit kong pinatatag ang loob ko at itinaas ang noo. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Hindi kita kilala kaya bakit ako maniniwala sa iyo?"

Naningkit ang mga mata ni Cain. "Wala talagang sinabi sa iyo ang nanay mo?" tanong niya.

Napakurap ako. "M-may alam si mama sa mga sinasabi mo? Kilala ka ba niya?"

Umangat ang mga kilay ng lalaki. "No. Hindi niya ako kilala pero sigurado akong kilala niya ang pamilya ko. After all, she ran away from us almost eighteen years ago."

Lalong tumindi ang kaba ko. Dahil kung totoo ang sinasabi ni Cain na tinakbuhan ni mama ang pamilya niya ibig sabihin hindi sila mapagkakatiwalaan. Ibig sabihin kailangan ko ring lumayo kanila. Pasimple akong huminga ng malalim at umatras para tumakbo pabalik sa direksiyong pinanggalingan ko. Mas marami kasing tao doon at pwede akong humingi ng tulong kung kailangan.

Pero bago pa ako makatalikod sa dalawang lalaki maagap nang umangat ang kamay ni Cain at hinawakan ang braso ko. Napasinghap ako sa parang kuryente at nakakapasong init na naramdaman ko nang lumapat ang kamay niya sa balat ko. Kasing init nang kapag aksidente kong nahahawakan ang lutuan ng fries sa fastfood chain kung saan ako nagtatrabaho at may kumukulong mantika sa loob. Na para bang ayaw ng balat ko ang hawak ni Cain.

"Aray!" hindi ko na napigilan ang mapahiyaw sa sakit. Mukhang si Cain din naramdaman ang nakakapasong epekto ng paghawak niya sa akin dahil gulat na binawi niya ang kamay at nanlalaki ang mga matang napatitig sa akin. Nanlalaki rin ang mga mata ko nang masalubong ko ang tingin niya. Hindi ko mapigilan ang mamangha habang hinahaplos ko ang braso kong kanina hawak ni Cain. "A-anong nangyari? Bakit nakakapaso ang kamay mo? Sino ka ba talaga?"

"You... you're repelling my power," sagot ng lalaki at gulat pa ring nakatitig sa akin. Pagkatapos lumingon siya sa lalaking kasama niya. "Hindi sinabi sa akin ng Elders na hindi eepekto sa kaniya ang kapangyarihan ko."

Humakbang palapit kay Cain ang lalaking kasama niya. "Hindi nila sinabi sa iyo na gamitin ang kapangyarihan mo, Master Cain. At hindi natin ito dapat pag-usapan sa lugar na ito. Baka may makarinig."

Kapangyarihan? Elders? Ano bang sinasabi ng mga lalaking 'to? Pareho naman silang mukhang disente at propesyunal. Pero bakit may palagay ako na hindi sila normal na tao?

Habang nag-uusap ang dalawang lalaki nakita ko sa 'di kalayuan ang humintong jeep na sasakyan ko papunta sa amin. Pero kung sasakay ako 'don baka sundan ako ng dalawang lalaki at malaman pa kung saan ako nakatira. Hindi pwede 'yon. Kailangan ko tumakbo papunta sa kabilang direksiyon at magtago sa kung saan hanggang sa hindi na nila ako masundan. Pero saan ako magtatago? Ah, mamaya ko na nga iisipin.

Sinamantala ko ang maiksing sandali na wala sa akin ang atensiyon nila Cain. Kumaripas ako ng takbo palayo.

"Wait!" narinig ko pang sigaw ni Cain pero hindi ako lumingon. Lalo ko pa nga binilisan ang pagtakbo. Palampas sa fastfood chain kung saan ako nagtatrabaho, palampas sa mga shop na unti-unti nang nagsasara dahil lampas alas diyes na ng gabi, hanggang sa lumiko ako sa isang residential area na malapit lang sa College campus. Nang makarating ako 'don saka lang ako lakas loob na tumingin sa likuran ko para alamin kung nasundan ba nila ako o hindi.

Walang nakasunod sa akin na sasakyan. Wala si Cain at ang kasama niyang lalaki. Binagalan ko ang pagtakbo hanggang sa tuluyan akong mapahinto. Hinihingal ako sa pagod at mabilis ang tibok ng puso ko. Malayo ang distansyang natakbo ko. At mukhang hindi na nila ako nasundan.

MOON BRIDE [2017 PHR NOVEL OF THE YEAR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon