Chapter Twenty Six: Ang Pagbagsak Ng Pamilyang Alpuerto

6.2K 212 7
                                    

-Cain-

PARA akong nasa loob ng bangungot sa nakaraang mga araw. Gusto kong tumakbo pero hindi pwede. Mayroon akong responsibilidad sa pamilya ko na kailangan kong gawin. Umaasa sila sa akin. Kaya kahit pa biglang sumulpot si Ambrosio Alpuerto, ang biological father ko na hindi ko matandaan at nakita ko lang sandali sa alaala ni Rebecca, kinailangan kong siguruhin na hindi mawawala ang kontrol ko sa emosyon ko. Mahigpit kong pinanghawakan ang talas ng isip ko kahit na hindi niya ako binalingan man lang sa araw na 'yon sa conference room – nang ibagsak niya ang bombang dala niya. Na siya ang nasa likod ng pagbili sa mga stocks sa lahat ng negosyo ng pamilya. Na siya na ngayon ang may hawak sa Alpuerto Group Of Companies.

Pagkatapos, habang tahimik at parang hindi humihinga sa pagkamangha ang mga tao roon, para siyang bagyong dumating at mabilis ding umalis.

Tatlong araw na mula nang mangyari 'yon. Pero hindi pa ako nakakahinga man lang para damdamin na mukhang hindi niya napansin na naroon ang anak niya. Wala rin akong oras para magtanong kung bakit niya ako iniwan gayong buhay naman pala siya. O kung nasaan ang aking ina.

Ang alam ko lang, hindi ko nakita sa mukha niya ngayon ang ngiti at kislap ng saya sa mga mata ng mas batang Ambrosio sa alaala ni Rebecca. They even look like two different persons.

Bakit siya nagbago? Bakit ngayon lang siya nagbalik makalipas ang halos dalawang dekada? At bakit parang matindi ang kagustuhan niyang pabagsakin ang pamilya Alpuerto?

Hindi lang pag-agaw sa pamumuno sa mga negosyo ng pamilya ang nangyari sa nakaraang mga araw. Sa kung anong dahilan wala ring inatupag ang media kung hindi ang sundan kami at hukayin ang lahat ng balitang may kinalaman sa amin. Simula pa noong unang panahon, nanatili sa anino ng mga kilalang tao ang pamilya namin. Oo at ang gusto ni papa Gregorio ay unti-unting makilala ang pamilya. Kaya nga siya dapat tatakbong presidente. Pero hindi sa ganitong paraan. Hindi sa isang expose na nakatuon hindi sa mga nagawa ng pamilya para sa bansa mula pa noon kung hindi sa mga hindi kanais-nais na sikreto na wala akong ideya kung paano nila nalaman.

Maliban na lang kung mayroong nagsabi sa kanila. Hindi na ako magtataka kung si Ambrosio din ang may gawa 'non.

But what happened today is really too much. Kahit na hindi ako malapit ng husto kay tiyo Demetrio at marami siyang ginagawa na hindi ko aprubado, katulad ng malamig na pagtrato niya kina Chance at Angus, hindi pa rin ako naniniwala na sangkot siya sa Graft and Corruption. Masyado niyang mahal ang trabaho at posisyon niya sa AFP para gumawa ng isang bagay na sisira sa reputasyon niya.

Pero dumating pa rin ang warrant of arrest niya. Hinuli siya ng sarili niyang mga subordinate. Nagkagulo dahil nataranta at nagwala na ang mga Elder. Sinubukan nilang pigilan ang marahas na pag-aresto kay tiyo Demetrio pero hindi sila umubra. Sa unang pagkakataon narealize ko na talagang hindi na kami kaya protektahan ng mga espesyal na abilidad na taglay namin. Hundreds of years ago, our ancestors had the power to fight enemies. Ngayon, para kaming mga latak ng dati ay makapangyarihan naming pamilya. Nakaka-frustrate isipin.

Si Angus lang ang nagkaroon ng kakayahan na pakalmahin ang kaguluhan. Ang kapangyarihan lang niya ang naging kapaki-pakinabang. Hindi naging madali na para bang may kumokontra sa ginagawa ni Angus pero kalaunan napasailalim din sa kaniya ang dalawang humuhuli kay tiyo Demetrio.

"Bakit niyo ito ginagawa? Sino ang nagbigay sa inyo ng ideya na may kasalanan siya?" tanong ni Angus sa dalawa.

Halos maglumuhod at sumamba sa pinsan ko ang dalawa. May kislap ng longing at desire sa mga mata nila habang nakatingin kay Angus. Nakakakilabot tingnan kung tutuusin, lalo at mga lalaki ang dalawa. Pero ang pinsan ko, seryoso ang mukha, nakatiim ang bagang at kahit may iritasyon sa mga mata, may nakahalo ring pagtanggap doon. Na para bang sanay na siya na pinagnanasaan ng mga tao, ano man ang kasarian.

MOON BRIDE [2017 PHR NOVEL OF THE YEAR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon