(Introduction)
Ng matapos ang pag lalagay ng kolorete ko sa mukha ay lumabas na ako sa intablado.
Lalong umingay ang hiyawan ng mga lalaking tigang na sawa na sa mga asawa nila.
Nag simula na akong gumiling kasunod ang pag ikot ko sa pole.
"Sampong libo!"
Sigaw ng isang lalaking may katandaan na at panot."Bente mil!"
Sabi ng lalaking naka uniporme pa ng isang kompanya."Ang mahal naman niyan!"
Sigaw nung isang lalaki sa may kanan, bago lang siya dito, sigurado ako."Ay sorry po Sir. Mahal po talaga siya, isa po kasi siya sa pinaka sikat na dancer dito."
Sabi ni Mama Ses, baklang manager ng club.Lumakad ako pa ikot sa intablado at nag simulang tanggalin ang denim jacket na suot ko kaya naka bra na lang ako.
Akala mo nasa lugar ka ng mga istudyanteng sa wakas makaka labas na sa eskwelahan. Naging wild na sila.
"No touch!"
Sigaw ni Mama Ses.Para namang sinakluban ng langit ang mukha nila.
Sari-saring mura ang umalingaw ngaw sa club.
"5K! Hanggang legs lang."
Sabi ni Mama Ses.Para namang mga asong ul*l na nag si hawakan sila. Lalong lumakas ang tugtog sa Club kaya mas nilambutan ko pa ang giling ko.
"Oh eto na 5k ko!"
Sigaw nung lalaking madalas dito sa Club binigay niya kay Mama Ses yung pera niya tsaka niya ako hinaplos.Hindi ko alam kung paano ko nasikmura to. Easy money kase pero kahit kailan hindi ko to ginusto.
"Oh 5k ko Mama Ses!"
Sigaw nung lalaking madalas kong makita sa labas, kasama ang asawa niya pero halos mabali ang leeg kaka titig sakin.Halos gabi-gabi pag uwi ko naliligo ako ng tatlong oras. Hilod dito, hilod doon. Pero kahit anong gawin ko hindi parin mabura ang marka ng pang bababoy nila.
"FIVE MILLION. TAKE IT OR LEAVE IT!"
Sigaw ng isang lalaking kanina ko pa napapansin sa Club. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya dito. Napa tigil ako sa pag sasayaw dahil sa gulat. Ganun rin ang reaksyon ng ibang customer. Kahit si Mama Ses halos malaglag ang panga.Ako, si Kara Medina, at dito na nga nag simula ang kwento ko.
__________________________
"A friend loves at all times, and a brother is born for a time of adversity." -Proverbs 17:17
BINABASA MO ANG
Her Imperfections [Fukanzen]
Romance[ Fukanzen formerly known as her imperfections.] Lalong umingay ang hiyawan ng mga lalaking tigang na sawa na sa mga asawa nila. Nag simula na akong gumiling kasunod ang pag ikot ko sa pole. "Sampong libo!" Sigaw ng isang lalaking may katandaan na a...