Ni-ju

577 12 0
                                    

"Sige! Ano ba yon?"
Sabi ni Cessa mula sa kabilang linya.

Isa-isa kong inalala yung mga sinabi niya sa akin.

Yung unang beses niya akong sinabihan nung sa puntod ng Mama niya.

"Nakanai de kudasai."
Ano? Ano daw? Pagka tapos niyang sabihin yon pinunasan niya yung luha ko.

"Hindi kita minumura diyan! Dun ka na nga wala ka namang pake e!"
Sigaw ko.

"Anata no sewa o shimasu."
Sabi niya at bigla akong niyakap.

Nag pumiglas ako pero kalaunan yumakap rin sakanya. Tuloy lang ako sa pag iyak. Gusto kong ibuhos lahat ng sakit.

Tapos nung nakita ko siyang may kahalikan.

"Gomen nasai, Sooiutsumori de yattanja arimasen."
He wishper pero sakto lang para marinig ko.

Ano bang pinag sasabe ng g*gong to! Hinayupak na yan anong klaseng lenggwahe ba to!? Makapag research nga mamaya.

"Naknai de kudasai?"
Sabi ko.

"Wait. Aalalahanin ko lang. Do not cry, please. Teka? Sino bang nag sabi sayo non?"
Diko na nasagot yung tanong ni Cessa. Iniisip ko ngayon kung gano kahiya-hiya yung reaksyon ko nung sinabi niya sakin yon. Akala ko minumura niya ko.

"Eto Anata no sewa o shimasu?"
Tanong ko ulit.

"I care for you? Teka Kara. May inutos sakin si Mama Ses. Tawagan na lang ukit kita."
Sabi niya.

"Wait!"
Pero huli na. Napatay niya na yung kabilang linya.

Do not cry, please.

I care for you.

Eh yung sunod!? Ano yung kasunod!?

Gomen nasai, Sooiutsumori de yattanja arimasen!?

Ano yon?

Hindi ko namalayan ang oras dahil sa pag iisip. Nandito na pala ako sa harap ng simbahan. Kaya naman agad na akong nag bayad at bumaba ng sasakyan.

Pag kapasok ko ng simbahan ay agad akong lumuhod sa luhuran atsaka nag dasal. Matapos ang ilang minutong pag dadasal ay umupo na ako.

Hinanap ng paningin ko si Gabriel. Bakit wala siya?

Di bale. Susulpot din yun bigla sabi ko sa likod ng isip ko.

Pero lumipas ang ilan pang minuto walang Gabriel ang lumalabas.

Kaya naman napag pasyahan ko ng tumayo. Malungkot akong lumbas ng simbahan. Nasan kaya siya?

"Hey."
Halos lumabas ang kaluluwa ko nung may humawak sa balikat ko. Hawak-hawak ko parin yung dibdib ko ng lumingon ako dun sa humawak sa balikat ko.

Halos mapawi naman lahat ng galit ko dahil sa panggugulat sa akin kung malaman kung sino yon.

"Sorry. Nagulat ka ata."
Sabi niya at bumitaw sa balikat ko tsaka tumingin sa napaka interesante niyang sapatos.

"No, no its okay!"
Sabi ko with hand gesture. Si Gabriel pala.

Tinaas ko yung chin niya pano naka yuko na naman.

Shet. Ang gwapo mga te. Yung baby hair niya na nagiging bangs na tas sobrang puti niya pa. Ang tangos ng ilong, sobrang pointed.

"Pa uwi ka na?"
Tanong niya. I nod.

"Ganun ba? Sige alis na ko."
Sabi niya at yumuko ulit. Yung pink niyang labi sarap i kiss.

Wait!? What? Manyak na nga yata ako!
Nakakahawa pala yon. Lalayo na nga ako kay Yohan.

"Kung gusto mo i'll stay."
Sabi ko at ngumiti. Tila nabuhayan naman siya sa sinabi ko kaya napa angat siya ng tanong.

"Really?"
He said.

"Yes."
I said.

Nag lakad-lakad kami at pumunta sa park. Malapit lang yon sa simbahan kaya naman agad kaming nakarating.

Maraming bata ang nag lalaro. Halos 4-7 yung average age nila.

"Wow. Ang ganda naman po ng kasama niyo!"
Sabi nung isa sa grupo ng mga batang babae.

"Salamat."
Nahihiya kong tugon.

"Girlfriend niyo po ba siya?"
Tanong nung pinaka maliit na batang babae. Pero bago pa maka sagot si Gabriel ay may sumagot na.

"Syempre hindi niya girlfriend yan! Bawal kaya siyang mag girlfriend!"
Nagulat naman ako dun sa sigaw nung batang lalaki na mataba.

"Oo nga pala. Sayang naman."
Sabi nung batang babae na nag tanong.

"Bad daw yun e. Sabi ni Mama."
Naka ngusong sabi nung bata na katabi nung bata.

Teka? Naguguluhan ako! Ano ba talagang nangyayari!?

Pero bago pa ako makapag tanong sa mga bata ay tumakbo na sila palayo at nag laro ulit.

Naguguluhan na ako. May bago na naman ba akong pro-problemahin?

Napaka misteryoso mo talaga Gabriel.

Sabi ko sa sarili ko habang naka titig kay Gabriel na naka upo sa swing tapos naka ngiting naka tingin sa mga bata.

"Ang gwapo mo."

"Ha?"
Nagulat ako ng nilingon niya ako. Nasabi ko ba ng malakas na gwapo siya? Jeez.

Lumapit ako sa kanya. Dahan-dahan.
Dahil sa nakita niyang pag lapit ko tumayo siya.

"Hey?"
He snap at me.

Hindi naman siguro masama kung babae ang mag fe-first move? Hindi naman yon nakaka bawas ng kagandahan diba? Tsaka normal na lang yon ngayon.

Lumapit ako sa kanya at pumikit tsaka ako nag tip toe dahil sa matangkad siya. I gave him a smack. Naramdaman ko yung pagka gulat niya dahil lumayo siya agad mula sa akin.

"What did you do?"
He ask. In a calm tone. Siguro kung si Yohan yung hinalikan ko baka nahawakan niya na yung hindi dapat mahawakan sa akin. Yung manyak na yon.

Teka? Why do i compare them anyway?

Tsaka i just kiss Gabriel para lang ma confirm yung nararamdaman ko.

"Sorry."
I said.

"Tell me if you have a problem. Im always here, you can lean on me."
He said then tap my shoulders.

Hindi ko pa siya nakikitang magalit. Parang may nag tri-trigger sa akin na galitin siya. I don't know why. Sinasapian na ata ako. Ang bait-bait niya tas pag tri-tripan ko? Am i that insane? O sadyang tinamaan lang ako ng malakas sa kanya.

There's something on him. Gusto ko siya.

Is this infatuation or what?

Pero parang may mali. May something e. Nababaliw na ako kaka isip. Mabuti pang mag paka single na lang ako. Kaso hindi e. May something kay Gabriel na hindi ko alam kung ano. Gusto ko siya na hindi ko ma intindihan.

I can't even understand myself.

Nginitian niya ako bago lumagpas tsaka pumunta sa mga batang nag lalaro. Nakipag laro siya na parang matagal niya ng kilala yung mga bata.

Matagal niya na nga bang kakilala yung mga yon? Tsaka bakit bad pag nagka girlfriend siya?

Napaka misteryoso.

Her Imperfections [Fukanzen]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon