Ni

1K 16 1
                                    

(Two)

Dalawang linggo.

Dalawang linggo na ang lumipas mula ang nangyaring yon. Pero na aalala ko parin lahat, memoryado ko parin ang lahat.

Si Papa? Di parin bumabalik. Ni wala nga akong balita sakanya.

Si Mama? Hindi pa rin bumabalik. Na kalimutan na yata ako.

Na kalimutan na ata nilang may anak sila na nag hihintay sakanila. Na kaylangan ng aruga nila.

"Kara is that your Dad?"
Nilingon ko kung saan naka tingin si Jessy.

Si Papa may kasamang Babae. Hindi lang sila basta mag kasama. Nakita ko ang pag hipo niya sa kasama niya.

My gosh. What's happening to him? Angsaya pa niya kasama yung babae niya. Samantalang ako halos miserable na ang buhay. May maslalala pa ba dito?

Pakiramdam ko pasan ko ang mundo.

"N-no. Kamukha lang niya yan."
Nabasag yung boses ko dahil nag sisinungaling ako.

Nandito kami sa isang resto. Dahil wala akong kasama sa bahay. Sa mga kaybigan ko na binuhos lahat ng oras ko dahil wala naman akong kasama sa bahay at sila lang ang nandito. Pero diko magawang mag open sa kanila.

"Are you sure? Kamukha niya talaga yung Papa mo."
Sabi ni Camille.

Kumakain kami dito ngayon sa isa sa mga sikat at pinaka mahal na restaurant sa mall. Mas okay na to kesa kumain na naman akong mag isa sa bahay.

"Yeah. I meet your Dad once, kamukha niya nga."
Sabi naman ni Shiera.

Dahil sa diko na kinaya ang nakikita ko ay pumunta na ako sa counter para mag bayad ng mga inorder namin.

"Libre mo ba Kara?"
Tanong ni Shiera, tumango na lang ako dahil sa sobrang pagka lutang.

At nung mag babayad na nilabas ko na ang credit card ko galing kay Mama.

"Eto oh Miss."
Sabi ko sabay abot.

"Ah Ma'am kulang po yung pera dito."
Sabi nung cashier.

"Anong gusto mong gawin ko?"
Iritang tanong ko.

"Sorry po Ma'am. Na punch na po kasi lahat hindi pwedeng i cancel."
Nilabas ko lahat ng credit card isa lang ang galing kay Mama at kulang pa. Halos lahat to galing kay Papa.

"Ma'am wala pong laman lahat."
Sabi ng cashier. Nag simula na akong kabahan.

"Please paki doble check. Don't tell me sira yang machine niyo!?"
Sigaw ko,it's like deja vú.

"Please lower down your voice Ma'am natatakot po yung ibang customer."
Sabi ng cashier na tuloy parin sa pag swipe ng mga cards.

Hindi ko alam kung kinuha niya na ba halos lahat ng laman ng bank account ko. Si Papa, ano na naman kayang ginawa niya?

"Ah Miss. Eto na lang oh."
Sabi ni Camille sabay abot nung credit niya.

"Thankyou."
I mouthed to Camille. Tumunog ang phone ko sa sling bag ko kaya kinuha ko ito.

"Yes, hello?"

"Ma'am may mga tao po dito hinahanap ang Papa niyo."
Si Manang isa sa mga katulong namin.

"Po? Sino raw po sila?"
Tanong ko dito.

"M-ma'am diko po sila k-kilala. Hinahakot na po nila yung ibang g-gamit sa ba-bahay."
Na uutal na sabi ni Manang.

"What!?"
Sigaw ko agad kong tinapos ang tawag at nag pa alam kila Jessy.

"Mga sissy, I need to go may emergency sa bahay."
Sabi ko sakanila.

"Gusto mo bang ipahatid kita sa Driver ko?"
Sabi ni Camille.

"Wag na salamat na lang."
Sabi ko at kinuha na ang sling bag ko.

"Sigurado ka ba? Okay ka lang ba Kara? namumutla ka."
Sabi naman ni Jessy.

"I'm sure. Okay lang ako."
Sabi ko at tumango.

"No I insist, tinext ko na si Manong hinihintay ka niya sa parkinglot."
Sabi ni Camille habang nag ce-cellphone.

"Salamat talaga."
Sabi ko at nag madaling umuwi sa bahay.

Pag dating ko sa bahay halos manlumo ako sa nakita ko. Tatlong truck ang naka park sa labas ng bahay. Pag pasok ko sa loob halos kalahati ng gamit sa bahay ang nahakot na.

"Excuse me? Bakit niyo po kinukuha yung gamit namin? Di niyo ba alam na pwede ko kayong kasuhan dahil diyan!"
Sigaw ko dun sa lalaking may hawak ng mga papel at chine-chekan ang bawat nialalabas nag gamit ng mga lalaki.

"Excuse me rin Miss ano? Kayo po ang pwedeng kasuhan kung hindi niyo ibibigay samin yang gamit niyo. Ikaw ba ang anak ni Mr. Medina? Kung oo. Pinirmahan na ng Papa mo lahat ng papeles na nag sasabing pwede na naming kunin to."
Sabi nung lalaki.

"Wait. Naguguluhan ako!?"
Sabi ko, na fru-frustrate na talaga ako.

"Sinangla niya po lahat ng ari-arian niyo. Nag kanda utang-utang rin siya sa Cassino namin kaya ito ang kabayaran."
Sabi nung lalaki.

Kinapa ko agad ang phone ko. Buti nasa speed dial si Mama.

"Ma?"
Sabi ko ng sagutin niya ang tawag.

"Kara?"

"Mama i need your help right now."
Sabi ko at tuluyan ng umiyak.

"What happen!?"
Narinig kong sigaw niya mula sa kabilang linya.

"Ma'am calm down. Baka mapano pa kayo."

"Nurse paki tawag yung Doctor baka atakihin na naman si Ma'am."

Narinig ko may mga ibang boses na nasa kabilang linya.

"M-ma? Nasan ka?"
Tanong ko pero di siya sumagot.

Bagong kamalasan na naman!?

"Mama!"
Sigaw ko.

"N-nasa hospital ako."
Sagot niya mula sa kabilang linya.

Naputol na ang tawag. Halos di ako mapakali kung anong gagawin!

Kumuha ako ng isang bag pack at nilagay don lahat ng mga importanteng gamit.

Tiningnan ko ang bahay namin. Hindi na pala namin to bahay.

Yung mga katulong namin nag impake narin at nag pa alam sakin.

Pati sila iniwan na ako.

Ako? Nandito sa tapat ng dati naming bahay. Suot ang isang bag pack.

Sobrang bilis ng pangyayari. Yung marangyang buhay ko dati wala na. Wala na lahat.

Her Imperfections [Fukanzen]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon