"Mama... mama, Mama buntis ako!""Edi ayos! Masaya! Kelan ko makikita ang apo ko?"
Sabi niya at tinuloy ang pagkain. Parang wala lang sa kanya yung nariig niya ni hindi man lang siya nagulat."MA?"
Sigaw ko rito."Ano?"
Inosente niyang tanong."Walang sampal? Sabunot? Mura? Hindi mo ba ako sasaktan Ma? Walang sigaw-sigaw?"
Gulat na tanong ko."Iwas-iwasan mo ang pa nonood ng drama, Kara. At baka mahawa sayo ang apo ko!"
Sabi nito at kinurot ang singit ko."Ma naman."
Sabi ko tapos niyakap siya."Ano ka ba Kara? Cool Mama ako diba? Tsaka andyan na yan e. Kung sasaktan ba kita may mag babago?"
Tanong niya."Mahal na mahal talaga kita Ma."
Sabi ko tapos hinalikan siya sa pisngi."Mahal rin kita baby."
Sabi ni Mama at hinalikan ang ulo ko."Hindi mo po ba tatanungin kong sinong Ama nito?"
Tanong ko."Para saan pa e kilala ko naman. Si Yohan diba?"
Nagulat naman ako sa sinabi ni Mama."Oh kitams tama ako."
Sabi ni Mama at hinigpitan ang yakap sakin."Group hug."
Masayang sabi ni Kuya Gabriel tsaka sumama sa amin para yumakap.Sana laging ganto. Laging masaya kahit may konting drama.
Lumipas ang mga araw at masaya naman kami sa mga nangyayari, kuntento kumbaga.
Habang nanonood ako ng TV sa condo ni Kuya Gabriel diko maiwasang mapa isip sa mga kung anong pwedeng mangyari kung sakaling hindi ko iniwan si Yohan.
Ayokong lumaking walang ama ang anak ko. Ayokong mapariwara siya gaya ng nangyari sa akin. Ayokong humantong sa puntong sisihin niya ako at hindi ko siya ipinakilala sa Ama niya.
Mahirap ang walang Ama. Ako nga hirap na hirap kahit may Ama na ako e. Paano pa kaya siya? Baka tuksuhin siya ng mga kaybigan niya.
Ayokong mahirapan siya.
Andami kong ayokong mangyari at kung hahanapan ko ng solusyon babagsak sa sagot na kahit ayoko siyang magiging sagot.
Tumayo ako at lumabas sa unit ni Kuya Gabriel. Pumikit ako.
Lord bigyan niyo po ako ng sign. Sana pag dilat ko ng mga mata ko mag karoon na ng sagot ang mga problema ko.
Lord tulungan niyo po ako.
Pag dilat ko ng mata ko, wala. Blangkong hallway lang ang nasilayan ko. Sobrang tahimik hanggang sa narinig ko ang pag bukas ng pinto nang kabilang unit. Sa pag kaka alam ko walang tao rito e.
"Kara!"
Sigaw ni..."Micael?"
I said really shock."D*mn! Dito lang pala kita matatagpuan. Yohan almost kill us. Baka daw kung anong sinabi or nagawa namin sayo."
He said and sigh for relief.Ah dear Lord, is this the sign?
Hindi ko alam pero parang lumulutang ako ngayon. Ni hindi ko nga napansin na may kausap na pala si Micael sa phone niya.
"Leon! Ano? Hindi pwede. Hindi ko ma contact si Yohan. Pupuntahan na lang namin siya sa unit niya. Anong wag? Hoy, chappy ka na. Wag ka diyan! Matutuwa yon pag nakita si Kara, bahala ka. Pupuntahan namin siya."
Sabi ni Micael tapos binaba na ang tawag."A-anong sabe? Nasan raw si Yohan."
Tanong ko ng kinakabahan. Parang may masamang mangyayari."Hindi ko siya ma contact e. Pero we'll find ways. Halika na, try natin sa unit niya."
Sabi ni Micael."T-teka lang Micael. Can you wait for me? May importanteng kukunin lang ako sa loob."
Pag papaalam ko."Osige! Mag papalit lang ako ng tsinelas."
Sabi nito at pumasok na sa unit niya.Ako naman ay pumasok narin sa loob ng unit para halungkatin yung pregnancy kit na ginamit ko.
Hindi naman siguro itataboy ni Yohan tong bata? Mamahalin niya rin naman siguro to.
Thank God! Nandito pa yun. Kinuha ko ito at binulsa. Buti na lang talaga at maaga akong naka ligo at matino itong na isuot kong damit.
Agad akong lumabas ng unit.
"Tara na!"
Sabi ni Micael at na una ng pumasok ng elevator kaya sumunod ako agad.Habang nasa biyahe kami hindi ko ma iwasang dalawin ng kaba.
Ano na lang mangyayari sa akin at sa magiging anak ko kung hindi kami tatanggapin ni Yohan.
"Kara? Bat ka ba umalis? Halos ma baliw-baliw yung kaybigan ko kakahanap sayo. May naging problema ba kayo?"
Tanong ni Micael habang nag mamaneho."Kung hindi mo mama samain Micael. Gusto ko sanang si Yohan ang unang balitaan sa inyo."
I said."Okay."
Sabi nito at tahimik na nag drive.Wala pang sampung minuto ay nakarating agad kami sa condo ni Yohan.
"Micael! G*go ka talaga!"
Nagulat ako sa pag salubong ni Leon sa amin."Ano na naman yon Leon?"
Sabi ni Micael."Andyan si Reign."
Hindi ko ma intindihan yung sinasabi niya dahil sobrang hina tapos kung ano-ano pang hand gesture ang pinag gagawa niya."Ano yon!? Ayusin mo Leon!"
Sabi ni Micael na mababakasan na ng inis sa kaybigan."Maririnig ni Kara."
Mahina na naman ang pag kakasabe niya."Ma una na ako sa inyo. Mukhang may mahalaga pa kayong pag uusapan."
Pag papaalam ko. Nanlaki naman ang mata ni Leon sa narinig mula sa akin. Ang weird niya talaga. Seryoso."Wag!"
Sigaw ni Leon."Ha? Baket?"
Takhang tanong ko rito."Wag mo ng pansinin to Kara. Sige umakyat ka na. Nababaliw lang to!"
Sabi ni Micael kaya naman sinunod ko siya.Dahil sa hindi pa ako nakaka layo sa kanila. Naririnig ko pa ang usapan nila.
"Ikaw ang mababaliw kapag nalaman mo kung bakit ko siya pinipigilan!"
"Ano ba kase yon!"
"F*ck you! Mayayari tayo neto kay Yohan!!"
"Ano ba kase yon Leon? G*go di kita ma intindihan."
Tuloy parin sila sa pag tatalo at rinig na rinig ko ito.Mabilis akong naka punta sa unit ni Yohan.
Kagaya nung nadatnan ko dati ay naka half open ito. Bakit kaya? Mamaya manakawan ang isang yon! Hindi marunong mag lock ni pintuan.
"Shame on you Reign."
"Y-yohan please."
I heard two people arguing on something. But one thing im sure si Yohan yung isa.
Tiningnan ko kung sino sila. At tama ang hinala ko,si Yohan at isang mestisang mukhang hapon gaya niya.
"Babe im sorry. Ibalik ulit natin ang dati okay? I love you."
Sabi nung Reign daw at tuluyan ng hinalikan si Yohan.
BINABASA MO ANG
Her Imperfections [Fukanzen]
Romance[ Fukanzen formerly known as her imperfections.] Lalong umingay ang hiyawan ng mga lalaking tigang na sawa na sa mga asawa nila. Nag simula na akong gumiling kasunod ang pag ikot ko sa pole. "Sampong libo!" Sigaw ng isang lalaking may katandaan na a...