San-ju Ichi

467 10 0
                                    

No matter how strong am i, meron parin akong limitasyon.

Ang sakit lang isipin na ang unang taong inakala ko tatanggap sa batang dinadala ko ay ang lalaking paka mamahal ko.

Dahan-dahan akong pumasok ng condo.

"Honey!"
Sabi ni Yohan at sinalubong ako ng yakap. Parang gusto ko ng bumigay dahil sa ginawa niya. Gusto kong iiyak lahat at ibuhos ang sakit na nararamdaman ko.

Pero wag na lang...

"Pagod ako Yohan. Pwede mag pahinga muna ako?"
Sabi ko at humiwalay sa kanyang yakap.

"O-oo. Sige lang!"
Sabi niya kahit na guguluhan sa ikinikilos ko. Ako rin naguguluhan.

Dahil dapat ngayon ay nag wawala na ako. Dapat lumayas na ako sa condo niya. Dapat walang tigil sa pag agos ang luha ko.

Pero hindi, dahil na rin siguro na manhid na ako sa dami ng sakit na dinanas ko.

Nag kulong ako sa kwarto. Mag papa ka matay na ba ako?

Dahil sa dami ng iniisip ko hindi na ako makapag isip ng matino.

Inumpisahan ko ng mag impake. Lahat ng damit sa cabinet nilagay ko sa maleta. Lahat ng gamit nilagay ko sa isang malaking bag. At nang matapos na ako sa pag iimpake ay na upo ako sa kama.

Wrong move. Ibinalik ko lahat ng damit sa cabinet lahat ng gamit sa respective place nila. In the first place wala naman talaga akong gamit dito.

Inabot siguro ako ng siyam-siyam doon.

"Honey!"
Narinig ko na ang pag katok ni Yohan mula sa labas.

"Ano yon?"
Casual na tanong ko.

"Ayos ka lang ba?"
He ask. G*go hindi! I want to shout it to him pero wag na lang.

"Ofcourse!"
Sigaw ko pabalik tsaka ko siya pinag buksan ng pinto. Kahit papa ano hindi naman mugto ang mata ko sa pag iyak kaya ayos lang

"Good. Aalis na kami. May pasok pa ako e."
He said tsaka ko nilingon si Leon at Micael mga kaybigan niya. Naka ngiti sila sa akin.

"Sasabay ako."
I said.

"H-ha? Katatapos lang ng klase mo ah."
Oo nga kakatapos lang at hindi ako pumasok dahil sayo.

"Oo pero may dadaanan kase akong importante."
I lied. Kasi aalis na ako dito!


"Tara na."
Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Gusto kong bumitiw sa kanya pero ayaw ko. Gusto ko dahil alam kong ma mi-miss ko siya. Ayaw kase baka ma miss ko to. Ma miss ko tong manyak nato.

Nanlalabo ang paningin ko habang nag lalakad kaming papuntang elevator. Nag babadyang tumulo ang mga luha ko. Halos gawin ko na lahat wag lang tumulo to. Hanggang maka punta kami sa parking lot.

"Leon."
Pag tawag niya sa kaybigan niya.

"You drive."
Utos nito sa kaybigan niya sabay bato ng susi ng kotse niya.

"May dala akong kotse."
Sabi ni Leon.

"Daanan mo na lang mamaya."
Sabi ni Yohan at pumasok na sa kotse niya kasunod ako syempre. Mag ka hawak yung kamay namin e.

Nung nasa kalagitnaan kami ng biyahe hindi ko na mapigilan ang pag luha.

"Why are you crying?"
Sabi niya at dali-daling pinunasan ang mga luha kong tuloy-tuloy sa pag agos.

"I... i just m-missed you."
Sabi ko ng humihikbi.

Sorry Yohan. Ilalayo ko sayo yung anak mo. Pangako mapapa buti siya sa akin. Hindi mo man siya kayang tanggapin ngayon ayos lang. Ayokong madamay ka pa sa problema ko. Aakuin ko na lang tong kalandian ko. Kasalanan ko naman e. Wala naman tayong label pero nag pa buntis ako.

"Kiss mo na lang ako para dimoko ma miss."
Pag aalo niya sa akin sabay nguso. Natawa naman ako sa ginawa niya.

"Aish! Ginawa pa akong driver. Kaya pala."
Inis na sambit ni Leon sabay kamot sa ulo.

"Wag kang mag inarte. Pag tayo nabangga dimo na makikita yung kotse mo."
Pananakot ni Micael.

"D-dito na lang."
Sabi ko kay Leon at inabot ang balikat niya.

"I-ihinto... mo dito."
Sabi ko ng umiiyak parin pero pinupunasan ko agad.


"Anong gagawin mo dito?"
Tanong ni Yohan nung mapansin kung saang lugar ako nag pa hinto.

"Don't tell me mag kikita na naman kayo ni Gabriel?"
Seloso talaga tong manyak nato.

"Sinong Gabriel?"
Tanong ni Leon pinandilatan naman siya ni Micael.

"Ow. Si Gabriel ni Au-"
Hindi na natapos ni Leon yung sentence dahil tinakpan ni Micael yung bibig niya.

"Mag sisimba lang ako."
Sabi ko kay Yohan and gave him a re assuring smile. Last na kasinungalingan na to.


"Okay. Keep safe."
Sabi nito tapos tuluyan na akong bumaba ng kotse niya.

Huminto ako at hinintay ang pag alis ng kotse pero wala. Hindi parin umalis. So i try to knock on his window. Na agad naman nilang binaba.


"Bakit hindi pa kayo umaalis?"
Ma paos-paos kong tanong.


"Hinihintay ka naming umalis."
Sabi ni Yohan.



"Okay."
Tipid na sagot ko at tuluyan ng nag lakad palayo sa lalaking paka mamahal ko.

Paalis sa taong tumulong sa akin nung mga panahon na sobrang na ngangailangan ako. Sa taong masasaktan rin pala ako ng sobra.


Akala ko kase siya na talaga. Akala ko siya na habang buhay pero mukhang mali. Sobrang labo.

Pumasok ako ng simbahan at unang hinanap ng paningin ko ang lalakeng alam kong pwedeng tumulong at umintindi sa akin. Kahit hindi kami ganon mag ka kilala at napaka misteryoso ng dating niya para sa akin. Alam ko, alam kong kilalang kilala niya ako.

Siya na lang ang ma tatakbuhan ko ngayon.

Nakita ko siya sa may di kalayuan at nag lalakad papunta sa akin.

Tumakbo ako ng makita ko siya at agad na niyakap. Nasa gitna kami ng simbahan at sigurado ako, siguradong-sigurado na halos lahat ng mata sa simbahan ay naka tutok sa amin. Hindi ko na napigilan ang ma iyak na naman.


"Bakit bumalik ka? May na kalimutan ka ba? Tsaka bat ka umiiyak? Tahan na. Nandito lang ako."
Pag aalo niya sa akin habang naka yakap ako sa kanya.


"Gabriel..."
Sabi ko ng humihikbi.


"Gabriel. Tulungan mo kami. Tulungan mo kami ng magiging anak ko."

Her Imperfections [Fukanzen]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon