Ka uuwi ko lang at kasalukuyang naka higa sa sofa ng condo ni Yohan. Wala siya, and i don't know where he is.
Wala namang magawa dito. Hays. Tumingin ako sa kusina at halos walang stock na mga gulay, halos junk foods at can goods.
May pera naman ako galing sa bigay niya kagabi. Nasabi ko na bang may weekly allowance ako sa kanya hanggat nag aaral akong mabuti.
Grabe makapag sabing mag aral ako e siya naman tong laging wala. Kapag gabi at nagigising ako wala siya. Diko alam kung nag ba-bar siya o nag aadik. Wala rin akong pake.
At ayon napag pasyahan ko na ngang mag grocery. Naligo lang ako ng mabilis tsaka umalis.
Plano kong ipag luto si Yohan ng maka ganti naman ako sa mga nagawa niyang mabuti sakin.
Pag katapos kong mamili ay dumiretso agad ako sa condo ni Yohan.
"Good evening Ms. Alcaraz."
Bati sakin ng HR. Ha! Ano ka ngayon!?Hindi ko ka away yung HR. Trip ko lang siya. Lagi kasing naka taas yung kilay niya pag nakikita kaming magka holding hands ni Yohan.
Tsaka Ms. Alcaraz talaga kase akala nila live in kami nung manyak.
Tanging ngiti lang ang isinukli ko sa HR. Pumasok ako ng elevator.
Ako lang mag isa kaso nung mag sasara na sana yung elevator may matandang lalaki ang nag mamadaling pumasok. Pinag papawisan pa siya na parang hingal na hingal at galing sa mahabang takbuhan.
Nung tumunog na para sa floor na bababaan ko ay agad akong lumabas. Baka ano pang gawin sakin nung kuya noh!
Pumasok ako sa condo niya at agad na dumiretso sa kusina. Nilapag ko yung mga pinamili ko at nag umpisang humanap ng mga ingridients ng lulutuin ko.
Ano bang gustong kainin non?
Tiningnan ko yung pinto ng ref samut saring flyers ng iba't-ibang fastfood ang naka dikit. Puro pizza.
Ano bang pwede? Hays! Bandang huli bumagsak ako sa adobo. Ayos na to kesa wala. Inumpisahan ko ng lutuin yung adobo ko.
Nang matapos ko tong lutuin ay hinapag ko na yung kanin sa mesa at yung niluto kong adobo.
Mamaya na ako kakain pag dating niya.
Antagal. Antagal. Antagal. Hays!
Kanina pa ako naka pangalumbaba sa hapag kainan habang naka titig sa wall clock.
Bawat pag galaw nung kamay nung wall clock at tunog niya parang aantukin ako.
Isang oras.
Dalawa.
Tatlo.
Halos iba't-ibang posisyon na ang nagawa ko pero walang Yohan na dumadating!
Pumasok ako sa kwarto ko sa condo niya at agad na nag collapse sa kama.
Maaga akong nagising. Uunahan ko na siyang gumising para diko ma abutan yung pag mumukha niyang manyak siya.
Yung adobo? Ayon. May bawas ng isang pirasong karne. Pero yung kanin walang bawas. Ano pinapapak niya karne sa alagang daga ng kapit bahay namin!? Leshe siya.
Na ha-highblood ako.
Pumasok na ako ng kwarto para makaligo pag tapos kong maligo ay lumabas na ako ng kwarto. Alas sais pa lang.
Mamayang alas kwatro ng hapon pa yung pasok ko e! Tsaka ano ba tong inaarte ko? Hays bahala siya. Malamang tulog pa yon.
Kaso pag labas ko ng pinto ng kwarto isang malambot na kama ang humawak sa kamay ko. Muntik na kong mapa sigaw buti na lang nakita kong si Yohan yon. Napabuga ako sa kawalan.
"Oh ano?"
Hanggat maari pinapalamig ko yung boses ko. Galit ako sa kanya!Imbis na sagutin niya yung tanong ko eh hinila niyako.
"Hoy!"
Dun na ako napa sigaw.Leshe tong manyak na to! Mag papakita tapos biglang manghihila na parang walang nangyari e pinag hintay niya nga ako kagabi.
Sayang lang ang pagod ko kaya hindi na ako nag aksaya ng lakas. Hinayaan ko siyang hatakin ako kung saan.
"Saan mo na naman ako dadalhin?"
Tanong ko."To my Dad."
Halos mawala naman ako sa kaluluwa dahil sa sinabi niya.Ano na namang pakulo to!?
"At bakit!?"
Sigaw ko tapos napasipa sa loob ng kotse niya. Wala na akong pake kung sobrang mahal nitong kotse niya. Galit ako!"Ipapakilala kita bilang mapapangasawa-"
I cut his words."Sino namang nag sabi sayong pumayag na ako!?"
Sabi ko at sabay taas ng kilay."Ayaw mo ba?"
Mahinahong tanong niya mababakasan rin ng lungkot yung boses. Bakit siya malungkot? Dahil hindi ako pumayag na mag pakasal sa Tatay niya? Ganun ba siya ka determinadong ipakasal ako sa Ama niya!?Bat ganon, bat ang sakit?
Oo nga pala. May utang na loob ako sa kanya. Oo nga pala, kaya lang pala niya ako tinulungan na ipagamot si Mama kase may kaylangan rin siya sa akin.
Akala ko pa naman ayos na kami. Akala ko may kami kahit walang label. Ginagamit niya lang pala ako. Ginagamit ko rin siya. Kwits lang.
"We're here."
He said tapos bumaba sa kotse niya para pag buksan ako.Pag baba ko imbis na yung mansyon nila ang bumungad sa akin isang matayog na gusali ang nasilayan ko.
"Lets go."
Sabi niya at hinawakan yung kamay ko.Pumasok kami sa building na sobrang taas. Kumpanya ba nila to?
"G-goodmorning Sir Yohan!"
Sumalubong sa amin ang gulat na gulat na ekspresyon ng mga trabahador nila.Mukha silang mga puyat at wala pang tulog. Okay! May puyat bang natulog hahaha. Naka bow parin hanggang ngayon yung mga taga office nila.
Pero si Yohan walang pake at dire-diretsong pumasok sa elevator.
Pinindot niya yung 14th floor.
Tapos pag labas namin gaya ng eksena sa ground floor ay ginawa din ng mga tao dito.
Pumasok siya dun sa pinaka malaking pinto. Walang katok-katok.
"Dad."
He said tapos umikot yung swivel chair.Woah. Im expecting the opposite of his Dad.
Isang gwapong matangkad na sobrang puti. He looks like Yohan! He really do. Parang older version lang siya ni Yohan. Parang three years lang yung tanda niya sa manyak na to e.
"Son!"
He gladly said ang gwapo! Tas nung ngumiti, ai dai! Sa kanya na lang ako! Ayoko na sa manyak na to!Pero nung pumasok ulit sakin yung idea na ipapakasal niya ako nalungkot ako. Hays. Kaylangan ko yong gawin.
"Dad i want you to meet my fiance. And i'll marry her as soon as possible."
O ayan na.He wants his Dad to meet his fiance.
He wants what!?
Akala ko... Akala ko he want me to marry his Dad?
He want to Marry me.
Why?
BINABASA MO ANG
Her Imperfections [Fukanzen]
Romance[ Fukanzen formerly known as her imperfections.] Lalong umingay ang hiyawan ng mga lalaking tigang na sawa na sa mga asawa nila. Nag simula na akong gumiling kasunod ang pag ikot ko sa pole. "Sampong libo!" Sigaw ng isang lalaking may katandaan na a...