Ju Hachi

618 11 0
                                    

Tumatak sa akin ang mga katagang sinabi ni Yohan. Hindi ko alam pero parang may something.

Pero tsaka ko na to iisipin. Kaylangan kong makita kung maayos lang ba ang lagay ni Mama. Mag iisang linggo narin mula nung huli ko siyang binisita. At malala na ang lagay niya. Kamusta na kaya siya ngayon?

Hindi ko alam kung paano kami napunta sa sitwasyong to. Hindi ko alam kung ilang segundo ang lumipas. Hindi ko alam kung paano ako naka survive sa parang lumilipad na sasakyan ni Yohan papunta sa ospital ni Mama.

Ang alam ko lang ay tumatakbo akong umiiyak papuntang kwarto ni Mama.

Pag bukas ko ng pintuan nang kwarto ni Mama, walang ka tao-tao.

"Asan siya!?"
Sigaw ko.

"Ah Miss? Wala po yung pasyente diyan, tinakbo po sa E.R."
Sabi nung sumulpot na Nurse sa may likuran ko.

"What?"
Gulat na tanong ko.

"Im her legal guardian. Bakit hindi niyo man lang ako tinawagan!"
Inis na sambit ko.

"We try to contact you Madame but yo-"
I cut her words.

"Well nextime, try harder."
Sabi ko bago umalis sa hospital room ni Mama.

I ran as fast as i can. I feel like this is between life and death.

Hanggang sa nakarating na nga kami ng Emergency room. Nasa likod ko parin si Yohan.

Nanlumo ako sa nakikita ko. My Mother is fighting over her life. Pero yung mga Doctor na naka palibot sakanya wala man lang gingawa.

Lumabas ang isa sa mga Doctor nung nakita ako.

"Im glad to see you Ms. Medina."
Salubong niya sa akin.

"Im not glad to see you Doc! Ano pang ginagawa niyo? Treat her! Oh my gosh! I cant beleive na hinahayaan niyong mamatay yung pasyente niyo sa harap niyo! At wala kayong ginagawa para pigilan yon!"
Sigaw ko sakanya. Wala akong pake kahit mag iskandalo ako dito. Nanay ko ang pinag uusapan dito.

"Pero hindi pa po kayo bayad."
Sambit niya.

"Sh*t that money! Ngayon naniniwala nako na pera ang bumubuhay sa mga p*steng tao!"
Sabi ko sakanya habang tinuturo-turo siya.

"Treat her."
Nagulat ako sa sinabi ni Yohan. Mahinahon yet, nakaka takot.

"Pero Sir-"
Natigil sa pag sasalita yung Doktor.

"I said treat her! Gagamutin niyo siya or you'll lose your job Mr. Tse. You choose."
Sabi ni Yohan at mababakasan mo talaga ng galit. Sobrang pula niya na e.

Dali-dali naman siyang sinunod ng Doctor.

Hindi na ako makapag isip ng maayos.

Yung Nanay ko nag aagaw buhay at masyado ng kritikal ang lagay. Dapat sa akin na lang yung sakit e. Dalat ako nalang ang nakakaranas non.

Wala akong magawa kundi titigan siya mula sa bintana ng Emergency room.

Bumuhos lahat ng alaala ko kasama si Mama. Nung mga panahong masaya kami.

Pati narin nung nag aaway kami.

Sa mga simpleng bagay na hindi niya binibigay sa akin, ikinaka galit ko na agad. Kapag hindi niya ako pinapayagan sa mga lakad ko, kulang nalang ibato ko lahat ng makita ko dahil sa sobrang pag dadabog.

Yung mga araw na namumura ko pa siya sa isip ko dahil sa sobrang galit. Sa sobrang inis sa kanya dahil sa mga pansarili kong kagustuhan.

Hindi ko na nga halos maalala yung huling sinabi ko sa kanyang mahal ko siya. Yung nasabi kong importante siya sa akin. Yung mga kaybigan at jowa ko nasasabihan ko ng I Love You. Pero mismong magulang ko hindi ko masabihan.

Sana bumalik pa yung panahon na masaya kami at walang problema.

Mahal na mahal kita Mama. Ikaw ang nag silbing ilaw sa madilim kong mundo. Kung hindi dahil sayo wala ako dito. Wala ako sa mundo. Ikaw ang nag silang at nag bigay ng buhay sa akin. Binuhusan mo ako ng pag mamahal at pinaliguan ng pang uunawa.

Sorry Mama. Sorry kung hindi ako naging mabuting anak. Hindi ko nasasabe sayo kung gano ako ka swerte dahil ikaw ang Nanay ko. Hindi kita nayayakap dahil nahihiya ako. Hindi ko nasasabi yung mga sikreto ko sayo dahil sa tingin ko matanda na ako.

Akala ko kaya ko na ng wala ka. Nung mga panahong masyado akong nag mamagaling sa mga bagay-bagay. Yung sa tingin ko mas alam ko yung ginagawa ko kesa sayo. Akala ko kaya ko na ng walang magulang sa tabi.

Pero hindi, hindi ko kaya.

Mahal kita Ma.

Ngayon, walang kasiguraduhan kung mabubuhay ka pa. Wala kasiguraduhan kung makakasama pa kita.

Yung Mama ko walang malay at pinalilibutan ng mga Doktor. Ako? Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin sa mga oras nato. Wala akong magawa para maligtas siya.

Hindi maubos-ubos yung mga luha kong patuloy parin sa pag tulo hanggang ngayon. Pakiramdam ko namanhid na ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Shh. Maliligtas rin ang Mama mo."
Pag aalo sakin ni Yohan.

"H-hindi tayo sigurado."
Sabi ko ng humihikbi.

"Sigurado ako. Kaya tumahan ka na."
Tugon niya at tuluyan na akong niyakap.

Makalipas ang isang oras na gamutan ay sa wakas may lumabas narin na Doktor mula sa operating room.

"Anong nangyare Dok?"
Bungad na tanong ko sakanya.

"She's fine Ms. Medina, kaylangan niya lang ng sapat na pahinga. But she's good."
Sabi nito at ngumiti tsaka nag aalangang tumingin kay Yohan.

Okay. Eto naman ang pinag tataka ko. Don't tell me sila rin may ari nito.

"You'rw now paid. Kaylangan mo ng gawin ang trabaho mo."
Sabi niya.

Oras ma para pag bayaran ko yon. Ang mahalaga lang sa ngayon ay ayos na si Mama.

Lumipas ang mag damag at naka bantay lang ako kay Mama na mahimbing na natutulog sa kama niya.

"You eat."
Sabi ni Yohan at ngumuso sakin. Maging siya ay naka bantay rin kay Mama. Sinamahan niya ako, at hindi iniwan. Marami rin siyang naka usap sa phone kanina at kung ano-ano ng pagkaing ipinadala niya rito. Pinapakain niya ako pero maging siya ay dipa kumakain.

Halos maga ng ang mga mata ko.
Kakaiyak mag damag. Wala pa kaming tulog pareho ni Yohan. Ang laki ng utang na loob ko sakanya. Kaylangan kong maka bawi.

Susundin ko na ang gusto niya.

I will marry his Dad.

Her Imperfections [Fukanzen]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon