Chapter 6

637 11 0
                                    

Hinila ko ang Noah na wala sa sarili at matumba tumbang naglalakad.

"She's so freakin' hot." Rinig ko pang bulong niya habang tumatawa. Napailing nalang ako at kinaladkad siya.

Natanaw ko naman ang nakatingin saaming si Tristan. Heart, Ayan ka nanaman!

Nilapitan kami ni Tristan at inakay niya papasok si Noah sa loob nang sasakyan niya.

"Sa shotgun kana." Utos ni Nescafe kaya mabilis naman akong pumasok sa loob.

Napatingin ako sakanya nang sumakay siya sa Driver's seat. Namumula ang mukha niya hanggang sa leeg niya.

I can sense the alcohol in his system. Hindi maka-focus ang mga mata niya habang tinitignan ako.

"I honestly don't trust you right now, Tristan. Please drive safe--"

Hindi niya na ako pinatapos. Humarurot na ang sasakyan niya. 80 kilometers kahit na nasa kabilang street at dalawang likod lang naman ang bahay namin. Ni hindi ko pa nasusuot ang seatbelts ko.

Pinuno ko siya nang mura nang pinark niya nang mabilis ang sasakyan niya. Nakita ko pa ang guard na ninerbyos sa ginawa niyang mabilis na pagpa-park.

Bumaba na siya at bumaba na rin ako. Tumatawa lang siya na para bang ang saya nang ginawa niya.

"Damn! You nearly killed me!" Sigaw ko sakanya at inayos ang sarili ko.

Binuksan ko na ang pinto ni Noah at napamura rin siya. Marami at mabilis na pagmumura ang ginawa niya at nanlaki ang mata niya.

Tumawa lang si Tristan sa likod ko at hinila ako palayo para makadaan si Noah. Mabilis na bumaba si Noah at nagsuka sa semento.

"Fuck you man! Just... f you!" Sigaw ni Noah habang sumusuka.

I knew it, Sinadya niya yun para masuka si Noah. Napatingin ako sa natatauhan nang Noah.

"Masusuka din naman siya, Zara. Saan mo gustong sumuka siya? Sa Guest room niyo o dito nalang?" Dahilan ni Tristan, Napairap nalang ako.

Napatingin ako sa kakaparak na Fortuner. Bumaba si Haylee na akay-akay ang kuya niya.

"Kuya! You're so heavy!" Sigaw ni Haylee sa kay Axel na papikit-pikit. 

Tinulungan naman ni Keegan si Haylee sa pagakay kay Axel. Representing my wasted cousins.

"Tristan, Do you wanna sleep here? It's kinda late." Tanong ni Mars.

Marahan namang umiling si Tristan sakanya kaya tumango nalang ang mga pinsan ko at nagpaalam na para pumasok sa loob nang bahay namin.

Hindi ko alam kung bakit hindi na rin ako pumasok, Gaya ng ginawa ng mga pinsan ko.

Nagtaas siya ng kilay saakin. Napayakap naman ako sa sarili ko ng umihip ang hangin.

"Sleep now, Zaranget." Utos niya at sumandal sa hood ng sasakyan niya.

Umiling ako sakanya at umupo sa may gutter. "I'm not yet sleepy." Sabi ko at pumangalumbaba.

Naglakad siya papalapit saakin at umupo sa may tabi ko. Napatingin ako sa relos ko 12:01, Mabilis na pumikit ako at nagwish. It's my thing, Na magwish tuwing 12:01.

Napatingin ako sa katabi kong nakataas ang isang kilay na para bang naguguluhan sa ginawa ko.

Nakakabinging katahimikan ang nanaig saamin... The air here is soffucating me.

Inabot niya saakin ang jacket niya, Tinaasan ko naman siya ng kilay pero binato niya lang saakin ito.

"I hate the freakin' dean." Utas niya habang nakatingin sa malayo.

Napakunot naman ang noo ko. "And why is that?"

"She doesn't want.... you to be my secretary." Malamig na sabi niya. "She said that it will be hard for you because you're already my tutor."

"She's right though." Sagot ko at tumingin sakanya. "Don't make it harder for me, Nescafe."Sabi ko at tumawa ng mahina.

"What the Hell?" Napatingin na rin siya saakin at pinaningkitan ako ng mata.

Bahagya akong natawa sa reaksyon niya. "What? I used to call you that when we're in grade 1." Sa puntong ito hindi ko na napigilang tumawa ng malakas.

Napaiwas ako ng tingin nang hindi naalis ang titig niya saakin. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok nang puso ko. What's for the fast heartbeat?

Tumayo siya dahilan para mapaangat ang tingin ko sakanya.

"Go inside now, It's kinda late." Tumango naman ako at tumayo na.

"Drive safe... Are you sure you don't wanna sleep here? Gabi na." Sabi ko at pinagpagan ang short ko.

Napataas naman ang kilay niya."Concern, Eh?" Napangisi siya.

Umirap ako at tinulak siya palapit sa sasakyan niya. "Drive safe or I'll kill you." Sabi ko at nagpamewang.

Tumawa naman siya at tumango. "I will." Sabi niya at sumakay na sa mustang niya at pinaandar ito.

Tumalikod na ako at bahagyang  napatalon nang may bumisina. Mabilis akong humarap at nakita ulit ang sasakyan ni Tristan na huminto. Bumaba siya sa sasakyan niya at lumapit saakin.

"I forgot to say goodnight." Aniya.

Lumapit siya ng mas malapit saakin at inilagay ang takas na buhok ko sa likod ng tenga ko.

Halos mapatalon kami pareho ng dumikit ang balat niya sa balat ko. Sabay kaming napalayo sa isa't isa kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Do you feel it too?" Sabi niya at mabilis na bumalik sa sasakyan niya at pinaharurot ito.

Does he feel it too? Does he feel the same feeling I feel whenever He's around? Dammit!

She Is His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon