Chapter 17

457 6 0
                                    

Mali ito... Sobrang mali na hinahayaan kong ligawan ako ni Jeoze habang alam ko naman sa sarili ko na hindi na siya ang gusto ko.

Oo, Ginusto ko si Jeoze. Pero hindi ito sapat para saakin para sagutin siya.

Kailangan ko na siyang patigilin, I need him to stop. Oo, Masasaktan siya pero mas masasaktan ko lang siya kung papatagalin ko pa. Hindi na nakakaya nang konsensya ko.

Jeoze deserves someone. He deserve someone better. I'm so sick of pretending.

"Let's go, Hinahanap na nila tayo." Sabi ni Haylee bago kinawayan ang mga ibang kakilala namin na papasok sa loob ng bar.

Sumalubong saamin ang mga nagkakasiyahan na mga kaibigan ni Jeoze. Umupo si Haylee sa mahabang table kung nasaan naroon ang mga pinsan namin at ang Black Magic.

"Happy Birthday." Bulong ko kay Jeoze nang makalapit siya sa table namin.

"Thank you." Natatawa niyang sabi.

Inabot ko ang regalo ko sakanya. Binuksan naman niya iyon at nginitian ako bago isuot ang Paige watch na regalo ko.

Napatingin kami sa kabilang table nang tinawag siya duon. Tumango naman ako kaya pumunta siya roon. Nakita ko ang paghalik sakanya nang isang babae sa pisngi.

Hindi nakita iyon nang mga pinsan ko dahil busy sila sa kanikanilang kausap. But that's okay for me. Ano nga bang karapatan kong magalit? Ako ang dapat makatanggap nang galit dahil sa sasaktan ko ang isang tulad niya.

Napatingin ako sa tinawag nina Ash. Kumalabog ang dibdib ko. Every time I looked at him everything would become slow motion and all I could see was my whole world standing in front of me and oh fuck I adore him.

Apat na oras na kaming nandito simula nang dumating kami. Napatayo ako ng hinila ako ni Haylee papasok sa CR.

"Kristine Zara Locsin. Alam kong natatakot ka, But fuck! We both know na hindi ito tama." Singhal ni Haylee saakin. "Masakit ito para sakanya, Wag mo nang palalahin."

Napatakip ako sa bibig ko nang kumawala ang mahihinang hikbi. "I-I can't r-ruin his day." Umiling ako.

"Tine, Birthday niya naman. Kahit ito nalang ang iregalo mo sakanya." Matalim ang titig niya. "Ang pakawalan siya."

"Bu---"

"No! Don't be selfish! Oo, Boto ako kay Tristan para sayo pero hindi ibig sabihin nito na hindi ako masasaktan para kay Jeoze." Tumalikod siya saakin. "Please, Tine."

Lumabas na siya at naiwan akong nakatulala habang patuloy ang paglandas nang luha ko sa pisngi ko.

"A-Ano, Kristine?" Nanliit ang mata ni Jeoze.

Nag iwas ako ng tingin. Narinig ko ang pagsinghap niya na tila pinapakalma ang sarili.

"You can't be my boyfriend." Sabi ko.

"W-What?" Hinilamos niya ang kanyang palad sa mukha niya. "You like me, Matagal na. I like you too, Bakit?"

Hindi ako nag salita. I can hear how frustated he is. Gusto kong sabihin na hindi ko siya sasagutin dahil kailangan ko ng time at hindi pa sapat. Pero hindi, May kung ano sa sistema ko na tinatanggihan ang bawat rason.

Tama nga si Haylee, Kailangan ko itong tapusin. Alam kong pinaasa ko siya pero ayaw ko nang mas masaktan pa siya ng dahil saakin.

Hindi ako papasok sa isang relasyon para lang kalimutan SIYA. Ang pagmamahal na nararamdaman ko para sakanya.

"I-I don't like you enough." Yumuko ako.

Alam kong wala akong karapatan para sabihin iyon sakanya pero iyong ang totoo. Alam nang lahat nang mga kaibigan ko at nina Noah na matagal ko na siyang gusto.

But lately, I've been feeling something damn strange. Hindi naman nagbago ang pagka-gusto ko kay Jeoze pero hindi ito sapat para baliwalain ang nararamdaman ko para sa isang tao.

Naririnig ko ang paulit ulit niyang paghinga nang malalim.

"Really, Tine? Is that the real reason?" Aniya.

Nasa parking lot kami at walang tao dito. Alam ng mga pinsan kong lalaki na kasama ko si Jeoze. Pero, Hindi nila alam na ba-bastedin ko ito. Paniguradong maiinis sila dahil binaliwala ko ang kaibigan nila.

"What do you want me to do? Kahit ano, Kristine." Humakbang siya papalapit saakin.

Umatras naman ako at umiling.

"I can't believe you." Sabi niya at naglakad papasok sa loob nang bar.

Hindi niya na hinintay na makapagsalita pa ako. Huminga ako ng malalim habang patuloy ang pagagos nang luha sa pisngi ko.

Napaupo ako sa semento nang maramdaman ang pagod. Am I that pathetic? Sinaktan ko ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang iparamdam na mahalaga ako.

Halo-Halong emosyon ang naramdaman ko. Sakit, Pagod, Galit, Ginhawa at Takot.

Napapikit ako nang mas mariin nang maramdaman ang pagyakap saakin nang isang tao mula sa likod ko. Kilala ko ito. Sa paghuhurmentado palang nang buong katawan ko, Kilalang kilala ko ito.

Mas lalo akong nanghihina sa yakap niya na para akong mawawalan nang malay. Bakit siya nandito? Gayong nagawa ko siyang saktan. Bakit nagawa niya akong yakapin sa kabila nang sakit na idinulot ko sakanya noong nasa Davao kami.

Magsasalita sana ako para paalisin siya dahil hindi dapat ako kaawaan dahil ako ang nanakit. "Sssh."

Naramdaman ko nalang ang pagbuhat niya saakin kasabay nang pag pikit ng mga mata ko.








She Is His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon