Chapter 35

377 8 1
                                    

"We're gonna board now." Paalam ko kay lola na nakangiti saakin.

"Have a safe flight. Wag mong kakalimutan ang dahilan ng paguwi mo." Aniya bago humalik sa pisngi ko.

Nagiwas ako ng tingin bago tumango at hinila ang mga maleta ko.


"Mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ang isang yun ah." Puna ni Axel kay Noah na padabog na lumabas ng van at mabilis na pumasok sa loob ng bahay nila.

Nagkibit lang ako ng balikat, hindi nila alam na may alitan kami ni Noah.

"I missed you anak!" Sinalubong ako ni mommy ng yakap.

Matamlay naman akong ngumiti bago yumakap pabalik sakanya. My comfort zone.

"Ayos na ba kayo ng lola mo?" Kumalas siya sa pagkakayakap saakin bago pinagmasdan ang mukha ko.

"We're okay, mom." Tipid akong sumagot.

"Mabuti naman kung ganun."

Itinuro ko ang hagdan. I want to rest, so bad. I'm tired, physically and mentally.

Tumango si mommy. "Magluluto ako, maagang uuwi ang daddy mo."

Hindi na ako nagabalang sumagot, pumanhik na ako sa kwarto ko.

Nagising ako ng makaramdam ng haplos sa buhok ko. Ngumiti ako ng makitang si mommy at daddy ay nakaupo sa gilid ng kama ko, pinagmamasdan ako.

"Mom... Dad." Kinusot ko ang mata ko.

"Let's eat? Dinner's ready." Ngumisi si mommy.

"Susunod na po ako. Magbibihis lang."

Mabilis akong nagpalit ng damit ko bago nagpasyang bumaba.

"Hindi mo talaga alam na ngayon ang uwi niya?" Rinig kong tanong ni mommy.

Lumapit ako sa dining room, napatigil ako ng tumambad sa akin ang makisig na likod ng isang lalaki na kaharap si mommy at daddy.

"Hindi po, wala siyang nabanggit saakin tita." Kumalabog ang puso ko.

Kumunot ang noo ni mommy bago tumango. Umangat ang tingin ni daddy saakin bago inginuso ang upuan na katabi ni kape.

"Uhm. Hi." Kinakabahan kong bati.

Nagsalubong ang kilay ni kape ng makita ako. Nagiwas ako ng tingin sakanya, sumisikip ang puso ko habang iniisip na iiwanan ko ang lalaking ito.

"Let's eat." Ani mom.

Nagpatuloy lang sila sa pagkkwentuhan habang ako patuloy ang pagkalabog ng dibdib sa tuwing susulyap saakin si kape.

"Sa garden lang kami, you can talk." Ngisi ni mommy. "Matagal rin kayong hindi nagkita."

Sinundan ko ng tingin sina daddy at mommy na sabay tumayo at lumabas ng dining room.

"Why didn't you tell me?" Mas lumamig ang boses niya.

"Uhhh." Isip, Tine! Magisip ka! "Baka busy ka at isa pa I wanna surprise you."

Tumitig lang ito sa mga mata ko. "I missed you."

"Namiss rin kita." Kinagat ko ang labi ko.

"Can you sleep at my condo then?" Ngumisi ito, oh damn.

"I just got here, Tristan." Tumawa ako. "Hindi ako papayagan nina Dad."

Ngumuso ito. "I'll sleep here, then." Mas lalong lumawak ang ngisi niya.

"Pwede naman kitang makasama bukas." Pabiro kong hinampas ang dibdib niya.

"I don't care, I want you now." Umirap ito saakin.

Umiling lang ako bago tumawa. May dalawang linggo pa naman ako para paghandaan ang sasabihin ko sakanya. Gusto ko pa siyang makasama, huwag muna ngayon.

"Paano mo napapayag si daddy?" Humalakhak ako habang paakyat kami sa kwarto ko.

"Basic." Aniya bago ako pinagbuksan ng pinto.

Humiga ako sa sofa ko, naramdaman ko rin ang paglubog ng kama ko ng humiga rin siya sa tabi ko. Humarap ako sakanya, he's staring at me. Hindi ko sasayangin ang mga oras na ito.

Hinawakan ko ang kamay niya bago mahigpit na pinasalikop ang mga daliri namin, napangiti siya sa ginawa ko.

"Pwede bang buong linggo kang nasa akin?" Wala sa sarili kong sinabi.

Ngumisi ito bago nag taas ng kilay. "Isang linggo lang?"

Tumango ako. "Hello! Babalik ako ng Korea."

Napawi ang ngisi sa labi niya at napalitan ito ng nakaawang niyang bibig.

"Babalik? I thought it's just one year?" Kinagat nito ang ibabang labi niya.

"Babalik rin naman ako." I lied.

"Pwede ka naman maging model dito." Frustrated niyang sinabi.

Umiling ako, hindi pwede! I need to go back, may desisyon akong ginawa at kailangan kong panindigan iyon. Pero hindi ko iyan sasabihin sakanya, sa ngayon. "Mas maganda sa Korea, come on Tristan."

Pinisil nito ang kamay ko. "I can't chill in this country when you're not with me."

Nagiwas ako ng tingin bago pinunasan ang takas na luha. Damn tears! not now, hindi pwede.

"Kinaya mo ang isang taon, Tristan. Ano ba naman ang ibang taon?" Pilit akong tumawa.

"Ibang taon? You can't live there for years again, Zara. No." Umiling ito. Wala akong magagawa.

Hinawakan ko ang pisngi niya. "I love you, mahal na mahal."

Unti-unti kong nilapit ang labi ko palapit sa labi niya. I will miss this soft lips of him!

She Is His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon