Dismayado akong umupo sa passenger seat nang makita na hindi si Nescafe ang makakasama ko sa sasakyan.
"Nasaan na ba iyon?" Tanong ko kay Black na nakangisi.
"He's still busy? Ewan." Inabot saakin ni Ash ang french fries.
Ngumuso ako habang inaabot ang inaalok niyang pagkain. Akala ko ay si Nescafe ang nasa loob nang trailblazer niya.
Isang linggo ko nang hindi nakikita ang Nescafe na yun! Pero kahit ganun ay naiintindihan ko naman na busy siya dahil sa siya ang humahawak nang kompanya nila sa ngayon.
Kinagat ko ang labi ko nang makaramdam nang lungkot. I miss him so much, I miss my main so much.
Sinabehan naman ako ni Nescafe na magimpake ako nang damit ko na pang tatlong araw, Masyado raw akong nas-stress. And that's true.
Pero ang akala ko ay makakasama ko siya pero hindi pa pala. Nakaabala pa tuloy ako nang ibang tao.
Nakaiglip din ako, Nang namalayan ko kung nasaan kami. Huminto ang sasakyan namin.
Tumingin saakin ang dalawa kong kasama habang nakangiti. "Tara." Sabi ni Ash bago bumaba at binuksan ang pinto ko.
Bumaba ako at ngumiti. Huminga ako nang malalim. "Tagaytay." Bulong ko.
Napawi ang ngiti ko nang maalala siya.
Mas maganda sana kung nandito siya. Mas maganda kung kasama ko siya. Mas maganda kung ganun.Inakbayan naman ako ni Black at hinila papasok sa front desk ng hotel. "Let's goooo!"
"Good Morning po." Masayang bati nang mga babae sa front desk, Kumindat naman si Ash na halos ikalupasay nang mga babae.
"Yung pinareserve ni..." Lumapit siya sa isang babae at hinalikan sa pisngi bago bumulong.
Napairap ako sa kawalan. Sanay na ako sakanila, They're like this. Palagi. Gaya nang mga pinsan ko.
Binuhat ni Black ang mga gamit ko. Pumasok kami sa elevator, Nasa pang 5th floor ang kinuha naming room.
Huminto kami sa tapat nang pinto nang room ko. "Sa kabilang room lang kami." Halakhak ni Black. "Papahinga muna."
Kinuha ko ang gamit ko kay Black. "Yes, Sure." Sabi ko at ngumiti bago pumasok sa loob ng kwarto ko na kinuha namin.
Malaki ito, Kahit nga kaming tatlo na ang matulog dito sa isang room ay pwede.
Ang laki nang bintana at kitang-kita ang tanawin. Lumapit ako sa bintana at pinagmasdan ang magandang tanawin ng Tagaytay.
"I missed you, Love." Unti-unti akong napaharap sa nagsalita sa likod ko kasabay nang paghalik niya sa pisngi ko.
Umawang ang bibig ko nang makita ang mukha niya. Magulo ang buhok nito at namumula ang mga mata niya, Napansin ko rin ang paglaki nang eyebags niya.
But damn, He's still handsome. "Hindi mo ba ako namiss?" Ngumiti ito saakin.
Niyakap ko siya nang mahigipit. Hindi ako umimik. I missed his scent, His tantalizing eyes, His perfect eyes, His pointed nose, I missed everything about him.
"No need to talk, I got the answer." Humalik ito sa ulo ko.
Umupo kami sa upuan at kinain ang mga pagkain na nakahanda duon. Ang pogi pa rin niya kahit na ngumunguya lang, Oh god.
"Pasyal tayo." Sabi nito at tumayo sa upuan.
Nagulat ako nang hinubad niya ang shirt niya. Nakatalikod siya saakin, Kahit pala nakatalikod ang isang Tristan Xavier sexy parin ito. Ang macho lang, Grabe!
Para akong magsusuka nang rainbow habang tinititigan ang likod niya. Parang ang ganda hawakan? Kinurot ko ang sarili ko nang maisip ang sinabe ko, Ang berde na nang utak ko! Thanks to Nescafe, Myghad!
Humarap saakin si Nescafe at nang makita niyang nakatingin ako sakanya ay ngumisi ito, Hala ka!
Mabilis kong ibinalik ang paningin ko sa pagkain na nasa plato ko, Uminit ang pisngi ko. Baka ano pang isipin nang kape na yan! Ubod nang kaberdehan pa naman ang utak niya.
"Love." Nangaasar ang pagtawag niya saakin. Lilingon ba ako? He's still topless!
"W-What?" Kinagat ko ang dila ko nang nautal ako. Sige, Patay malisya pa!
"You can look at me, You can look at my body. Sayo ako, Sayong sayo." Humakbang ito palapit saakin.
Emegesh. "Is it really impossible to wear shirt, Tristan?" Tanong ko.
He chuckled, That.is.so.sexy. "Stand, Please." Tumayo naman ako, Hindi ko siya nilingon.
"Magsawa ka sa katawan ko." Inangat nito ang nakayuko kong ulo. Bumungad saakin ang six pack abs niya, Para akong kinakapos nang hangin. Lord, Patawad!
Napatingin ako sa upper right chest niya. Kumalabog ang puso ko nang makita ang nakasulat duon.
Kristine Zara Locsin-Xavier
Tila tumigil ang paghinga ko nang mabasa ang nakasulat.
"Kailan mo p-pinalagay iyan?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang tattoo niya na isinisigaw ang buong pangalan ko with his surname.
Maganda ang pagkakasulat, Na tila ba inagatan nang sobra-sobra ang pagkakasulat sa bawat letra nito.
"3 days ago." Bulong ni Nescafe at hinawi ang buhok kong humaharang sa mukha ko. "I like your name." Tumitig ito sa mga mata ko. "But I love your name when it's with my surname."
Hindi ako bulag para hindi makita ang mga ginagawa niya para saakin dati. Hindi ako bingi para hindi marinig ang mga matatamis niyang salita. May pakiramdam ako para mapansin ko. Hindi ko nalaman ang sagot kung patuloy kung pinigilan ang sarili ko na tanggapin na matagal ko ng alam ang katotohanan. Ang katotohanan na mahal ko rin siya. Natakot lang ako.
BINABASA MO ANG
She Is His Tutor
Teen FictionSi Kristine Locsin ay ipinanganak sa kilalang pamilya. Everything is perfect. Mahal niya ang pamilya niya at mahal din siya ng mga ito. Her life is simple. Nang tumibok ang puso niya doon niya nalaman na ang bawat bagay na iniingatan niya ay maaarin...