Hindi nawala ang kunot sa noo ko habang kumakain kami ng hapunan. Wala akong alam kung bakit nandito ang dalawang magkapatid kasama ang ina nila.
Patuloy ang pakikipagkwentuhan ng mga tito at tita ko pati ang ina nina Kyle. Sumulyap ako kay mommy, hindi maipinta ang mukha niya.
"Mom." Tawag ko, agad naman na nabuhos ang tubig na hawak niya sa mesa dahil sa tawag ko.
Kumunot ang noo ko habang tinatawag ni daddy ang waiter para ayusin ang nangyari.
"Calm down." Bulong ni daddy kay mommy.
"So, I'm not going to make this long." Tumikhim si Mrs. Sy.
Lahat kami ay nakatingin sakanya ngayon, maging ang mga anak niya. Umupo ako ng maayos bago tumitig sakanya.
Narinig ko ang paghikbi ni mommy, umigting ang panga ko. Ano ba ang nangyayari? Tatayo na sana ako ng awatin ako ni Noah.
"Stay here." Aniya sa seryosong tono.
"I heard na ikakasal si Kristine sa isang lalaking hindi niya gusto?" Tumaas ang kilay ni Mrs. Sy, ano naman sa kanya iyon?
"That is what she should do, may future siya sa lalaking iyon." Depensa ni lola.
"Five months from now ay ikakasal na siya." Sabi ng isa sa mga tita ko, dahilan ng pagkasamid ko sa iniinom kong shake.
"I'm calling the wedding off." Simpleng sinabi ni Mrs. Sy.
Umawang ang bibig ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Hindi sa gusto kong magpakasal kay Art pero bakit kung magsalita siya ay para bang kaya niya talagang pigilan ang kasal.
"Who are you to cancel the wedding?" Mahinahon ngunit bakas ang galit sa boses ni lola.
"Madame, I'm the one who should ask that to you." Hindi makapaniwalang sabi ni Mrs. Sy. "Anong karapatan niyong ipakasal siya?"
Wala ni isa ang naglakas loob para sumagot.
"What is going on?" Hindi ko napigilan ang sarili ko.
"It's time for her to know." Ani daddy habang tumatango sa kay mommy.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Malaman ang alin? This is freaking me out! Naramdaman ko ang paghaplos ni Mars sa braso ko, mas lalo akong kinabahan. Ano ba ito?
"I'm your biological mother." Diretsong sinabi ni Mrs. Sy.
"Ha? Nagkakamali po kayo, My mother is..." Sumulyap ako kay mommy na umiiyak habang nagiiwas ng tingin sa akin.
"No." Umiling si Mrs. Sy. "I am, Kristine. Ako at si Karl ang magulang mo."
Nalaglag ang panga ko. "Si Karen po ang mommy ko."
Nagulat ako ng bumagsak ang mga luha sa pisngi ni Mrs. Sy. "I missed years of your life, sorry."
I can't believe what she is saying! Hindi ko mapigilan na hindi magalit sa mga sinasabi niya.
"I'm no ones daughter, si Karen at Karl lang ang magulang ko." Umiling ako.
"Please listen." Nanginginig ang boses ni Dad.
Hindi na ako makahinga. Ang tanging ginawa ko lang ay makinig sa kung sino ang magsasalita sa kanila.
"Me and your dad were friends before, nabuo ka." Patuloy ang pagbuhos ng kanyang luha.
Friends? Then what, mabubuo ako? Friends tapos makakabuo ng bata?
"No!" Sigaw ko dahilan ng pagkabigla ng lahat sa mesa namin. "Liar, kung anak mo ako bakit meron sila?" Tinignan ko si Iñigo at si Kyle.
"Me and your Dad, we cheated." Aniya.
Si Daddy nagkaroon ng affair? What the fuck? Liars! No!
"I was drunk that time, anak." Singit ni Daddy. "Because that was the time na nalaman ko na hindi ako mabibigyan ng mommy mo ng anak, but I love her! Mahal na mahal."
Sumisikip mas lalo ang dibdib ko. I'm living in a world full of lies!
Traydor ang mga luha ko, lumandas sila sa pisngi ko. Crap!
"Nung ipinanganak kita, kinuha ka ng daddy at mommy mo sa aki--"
Pinutol ko ang sasabihin ni Mrs. Sy.
"At binigay mo ako?" Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa pisngi ko.
"Wala akong choice anak, hindi pa kita mabibigyan ng magandang buhay noon. And besides, alam ko na Karen can't bear a child so..."
Tumayo si Mrs. Sy sa pagkakaupo at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko, mabilis akong tumayo at tinanggal ko ang kamay niya, napatayo si Kyle sa ginawa ko.
"Ano? After how many years na iniwan mo ako babalik ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Maging ang mga tita ko at si Haylee ay umiiyak na rin. This is too much.
"I just want us to be okay, Kristine." Humakbang siya palapit sa akin pero umatras ako. "Ngayon, I can get you, I can give you the life you want now."
"You just can't give me like that and get me like this!" Nagaalab ang puso ko sa galit. Humarap ako kay daddy, mommy at kay Mrs. Sy. "Alam niyo ba kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon?" Pinunasan ko ang luha ko.
I can't stand this anymore. Masyadong magulo ang buhay ko.
"Paano mo yun nagawa? Paano mo nagawang mabuhay ng wala ako, ng hindi mo ako iniisip? To think na nanggaling ako sayo? Paano mo ako nagawang iwan?" Bumuhos nanaman ang maiinit na likido.
"Kristine, I love you." Bulong niya sa napapaos na boses.
"Bullshit!" Nagiwas ako ng tingin. "Sagutin mo ako, paano?" Nabasag nanaman ang boses ko.
"Wala akong tamang rason." Umiiling siya habang mabilis ang paghinga.
Napahilamos ako sa mukha ko. "Then give me a damn answer! I need an answer! Kasi kung wala, mababaliw ako."
"Kristine." Hinawakan ni Haylee ang siko ko.
"Kailangan ko ng rason! Gusto kong malaman kung paano mo nagawang iwanan ang sarili mong anak." Ginulo ko ang buhok ko, I'm so frustrated.
"Magulo ang buhay ko noon, nagaaway kami palagi ng asawa ko because of what happened between me and Karl. I wanted to leave him, but I couldn't. Paano ko mabubuhay ang mga kapatid mo?"
"Mom." Hinagod ni Kyle ang likod ng nanay niya.
"Nung alam kong kaya ko na, I tried getting you but your Dad and Mom won't let me." Dumaan ang sakit sa mga mata niya. "I tried."
Umiling ako bago huminga ng malalim. "I-I just wanna get out of here."
BINABASA MO ANG
She Is His Tutor
Teen FictionSi Kristine Locsin ay ipinanganak sa kilalang pamilya. Everything is perfect. Mahal niya ang pamilya niya at mahal din siya ng mga ito. Her life is simple. Nang tumibok ang puso niya doon niya nalaman na ang bawat bagay na iniingatan niya ay maaarin...