Patuloy ang pag lagok ko sa beer ko habang tumititig sa dagat.
Alas 8 na kaya ay madilim na. The ocean looked so scary, madilim at malawak.
Mas lalo lang akong nagiging ma drama dahil wala akong makausap, Troye's back in Manila.
Pumikit ako habang nilalanghap ang sariwang hangin ng resort, nagawa ko pang tumayo kahit na nahihilo na ako sa dami ng nainom ko.
"I wanna get lost!" Sigaw ko.
Naglakad ako palapit sa dagat. Tumindig ang mga balahibo ko ng mabasa ng tubig dagat ang paa ko.
"Ayoko na, ang sakit-sakit na." Bulong ko.
Lumandas ang luha sa mga pisngi ko, ibinato ko ang naubos kong bote ng beer sa may buhangin.
Naglakad pa ako sa mas malalim na parte ng dagat. Nang maabot ng lebel ng tubig ang hanggang sa dibdib ko ay tumigil na ako.
"I hate you Tristan!" I shouted. Nang makaramdam ako ng pagkakahilo ay kumalma ako, my vision is kinda blurry.
Nanghina ang tuhod ko, nanlamig ang buong katawan ko. Namamanhid ang buong katawan ko, pakiramdam ko ay hindi ako makagalaw.
Nang maramdaman kong mas lalo akong lumalayo ay napa pikit ako. Sa sobrang pagka hilo ko ay lumubog na ako sa ilalim.
Sinubukan kong umahon dahil nawawalan na ako ng hangin ngunit mas nananaig ang hilo at bigat ng pakiramdam ko.
I panicked. Fuck! Pinilit kong lumangoy pero mas lalo akong nawala sa konsentrasyon ko.
I breathed in water and I choked, damn!
Sinubukan kong huminga ngunit tubig ang pumapasok sa aking ilong. Pumikit ako ng mariin at pilit na inangat ang sarili.
Hindi ko inisip ang bigat at hilo na nararamdaman. All I think is how I need air and how I need to survive.
Nakaramdam ako ng mainit na haplos sa aking bewang. Bago ko pa maisip kung ano yun ay umangat ako ng bahagya.
Walang tigil ang ubo ko, mahapdi ang mga mata ko pati na rin ang ilong ko. Lumabas ang tubig sa aking bibig.
Mabilis kong hinabol ang hininga ko habang nakakapit sa leeg ng isang lalaki. Mabilis ang pintig ng puso ko dahil sa nangyari.
Nang maramdaman ko ang buhangin sa aking pang upo ay nag angat ako ng tingin sa lalaking nakatayo sa harap ko.
Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko ng magtama ang paningin namin.
I recalled what happened and tears pooled my eyes. Tuloy ang patak ng aking luha ng napagtanto na muntik na akong nalunod, muntik na akong namatay!
Nanginginig ang buong katawan ko habang humihikbi. You're insane, Kristine!
"What the fuck were you thinking?!" Sigaw ni Tristan sa akin.
I didn't utter a word.
"You almost..." Hindi niya itinuloy ang sasabihin.
Umupo siya sa harap ko, he lifted my chin, ng nagtama ang paningin namin ay mas lalo akong naiyak.
Bakas sa mga mata niya ang sakit, pag aalala at galit.
Yumuko ako at huminga ng malalim. What is he doing here?
For a long while, I stayed that way. Hot tears rolled down my checks blending with the sea water.
Muntik na akong mamatay, if he didn't came, lumulutang na ang bangkay ko ngayon.
Kinuyom ko ang kamay ko bago nagpasyang tumayo. Hindi ako sumulyap sakanya, I can't.
Diretso ang lakad ko. Nang tumama ako sa isang bato ay natumba ako.
Napapikit ako habang iniinda ang sakit ng aking tuhod. Damn it, just damn it!
Naramdaman ko agad ang presensya niya sa gilid ko. I heard him cursed, umiling ako.
"Zara." He called in frustration.
Bago pa ako tumayo ay binuhat niya na ako ng pa bridal style. Hindi na ako kumontra. Masyado akong pagod para gawin iyon.
"Ano pong nangyari?" Tanong ng guard.
Umiling lang si Tristan bago pinagpatuloy ang paglalakad. His jaw is clenched hard.
"M-May kwarto ako." Nanghihina kong sinabi.
"Gamutin natin ang sugat mo." Sabi niya bago binuksan ang kwarto niya.
Inilapag niya ako sa malambot niyang kama, huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin, namumutla ang mukha ko.
Tumingin ako kay Tristan na may dinadial sa telepono. He's wearing a white button up shirt with sleeves rolled to the elbows.
And he's soaking wet. Why is he formal?
"Kailangan ko ng first aid kit, pakihatid na lang rito." Malamig niyang sinabi sa telepono. "Thank you."
Nang humarap siya sa akin ay agad na nagkasalubong ang aming mga mata, nag aalab ang mga mata niya.
Nang dumating ang first aid kit ay lumapit agad si Tristan sa akin.
"Kaya kong gamutin mag isa." Sabi ko. "You should change." Puna ko.
Umiling lang siya. Ang tanaw siyang nakaluhod sa harap ko ay para akong nasisiyahan, pinilig ko ang ulo ko.
Hinawakan ni Tristan ang aking tuhod. Nang matapos siya ay tumayo siya bago humalukipkip sa harapan ko.
"Isang oras kitang hinanap sa buong resort." Mariin niyang sinabi. "And I was furious when I saw you drowning, damn it."
He's looking for me, nanliit ang mga mata ko sakanya. Saan ba siya galing?
"Pumunta ako sa Manila." He said, parang nababasa ang iniisip ko. "Hinatid ko si Chanel, at binisita ko rin si mommy, she's in hospital."
Paliwanag niya, like I'm asking for him to.
"Anong nangyari kay tita?" Tanong ko.
"She's unconscious for 5 hours." Aniya.
"Sana ay hindi ko na bumalik rito kung ganoon." Medyo naiinis kong sagot.
Nag taas siya ng isang kilay. "She's fine now, Ate Marie's there."
Umirap ako bago tumayo. "I'll change my clothes."
"No. May damit ako dito, you can use it." Lumapit siya sa closet.
"May damit ako. Ano ba?" I hissed.
"I know, mahirap na at baka bumalik ka ulit sa beach." Malamig niyang sinabi.
"What? Anong akala mo sa akin? Baliw?" Nanlaki ang mata ko.
"Please, Zara. Kahit ngayon lang, sundin mo naman ako." Pumungay ang mga mata niya.
Bumuntong hininga ako bago inilahad ang kamay ko sa harap niya. Kumurba ang ngisi sa labi niya ng inabot sa akin ang puting t-shirt niya at boxer shorts.
Nang pumasok ako ng bathroom ay nanatili ako sa bathtub, iniisip ang mga nangyari.
Sumasakit ang puso ko tuwing iniisip na muntik na akong mamatay.
But he saved me. He'll always be there for me, and he'd do anything for me... I know that, I know.
Picturing him worried while seeing me drowning makes my heart melt. Crap!
BINABASA MO ANG
She Is His Tutor
Teen FictionSi Kristine Locsin ay ipinanganak sa kilalang pamilya. Everything is perfect. Mahal niya ang pamilya niya at mahal din siya ng mga ito. Her life is simple. Nang tumibok ang puso niya doon niya nalaman na ang bawat bagay na iniingatan niya ay maaarin...