Chapter 12

500 9 5
                                    

"Concern ka kay Tristan." Nakangising asong sabi ni Liam.

"Ha? Hindi noh! Syempre tutor niya ako." Sabi ko at kinuha ang cellphone ko sa bag ko.

Dalawang linggo na simula nang huli ko siyang makita, At yun ay nung niligawan ako ni Jeoze.

"Hindi naman masama ang umamin minsan, Kristine." Pinisil ni Black ang pisngi ko at umupo sa tabi ko.

"Ano bang mga sinasabe niyo." Sabi ko at inirapan sila. Hindi ako concern sakanya, Walang dahilan para maging concern ako sakanya.

Napatigil ako sa pags-scroll sa news feed ko sa facebook nang makita ang post ng page ng Blur Bar.

King is in the house ang caption nang mga pictures. Si Tristan kaakbay ang iba't ibang babae. Namumula ang mga mata niya at magulo ang buhok.

"Dalawang linggo nang wasted ang isang to." Rinig kong bulong ni Louis sa likod ko kaya napaharap ako sakanya. Nakatingin siya sa cellphone niya.

Hinarap naman ni Louis saamin ang cellphone niya dahil nagtatanong sila Black kung sino ang tinutukoy niya. Nakita niya rin ang post ng Blur Bar.

"Ano bang nangyayari diyan sa kaibigan niyo? Bakit hindi niyo pagsabihan?" Sabi ko habang sinusuri ang iba pang mga pictures sa cellphone ko.

"Hindi namin siya makausap. Kung pupunta kami sa bahay nila, Lasing o di kaya'y tulog siya." Kibit balikat ni Hunter.

"Kristine, Nakausap ko ang dean kanina." Sabi ni Louis kaya napaharap ulit ako sakanya. "You don't need to be Tristan's tutor anymore." Sabi niya at nilagay ang headset sa tenga niya.

Hindi na kailangan? Bakit ganito? Imbes na maging masaya ako dahil sa wala na akong sakit sa ulo ay tila nalulungkot pa ako.

"Nandito na si Marie." Tumatayong sabi ni Jaydee. "Ako nalang ang susundo sakanya, Mauna na kayo sa bahay nila." Sabi ni Jaydee at naglakad palayo saamin.

Sinong Marie? Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya.

"Bakit ba umuwi nang biglaan si Ate Marie?" Ani Cole.

"Nalaman niya ang ginagawa nang baby boy niya." Tumatawang sagot ni Kayne.

"Tara na sa bahay nila." Sabi ni Louis.

"Tine, Tara sama ka." Aya ni Liam.

"Ha? Hindi na." Sabi ko at ngumiti. Hindi ko kilala ang tinutukoy nilang Marie, Nakakahiya naman kung sasama ako.

"Mabait si Marie. She wants to see you too." Sabi ni Black at kinuha ang bag ko bago ako inakbayan papuntang parking lot.

She wants to see me? Kilala niya ako? How come? Nabigyan tuloy ako nang rason para sumama sakanila. Argh, Curiousity.

Tumigil kami sa tapat nang malaking bahay. Bumaba na si Black kaya bumaba na rin ako.

Pumasok kami sa loob at umupo sa sala. Binigyan naman kami nang katulong nang juice.

Inilibot ko ang paningin ko. This house is big. Malaki rin naman ang bahay namin pero mas malaki ito nang konti.

"Sa tingin niyo nasa taas siya?" Tanong ni Ash habang paakyat sa hagdan.

"Dude, Magkakasama tayo dito sa tingin mo ba alam namin?" Umiiling na sabi ni Black.

Lumipad sa ere ang gitnang daliri ni Ash bago nagpatuloy sa pagakyat.

"Ang daming basag na gamit sa loob nang kwarto niya." Umiiling na sabi ni Ash at umupo sa sofa.

"Ngayon lang siya nagkaganito. And I must say that I am proud." Nakangusong sabi ni Cole.

She Is His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon